n36: reality in a dream

82 2 0
                                    


"sunshine, wake up!" panggigising ng batang si jeno sa mas nakababata niyang kapatid na mahimbing na natutulog. "come on, our little sunshine... wake up!!"

dahil sa ingay na ginagawa ni jeno ay naaalimpungatang nagmulat ng mga mata si jiho. kunot-noo itong tumingin sa kanyang kuya.

"kuya, why po? i'm still antok." nakasimangot nitong kinusot ang mga mata. "and it's not morning yet..."

"i'm so sorry, sunshine, but we need to get out of here. nasusunog ang bahay natin." nangingibabaw ang takot sa boses ni jeno dahilan upang tuluyang magising ang diwa ng nakababata.

"what? why?" nagsimula ng umiyak si jiho pero sumampa na siya sa likuran ni jeno upang mabuhat siya nito palabas ng bahay. "kuya, where's mommy?!"

"i dunno, sunshine." umiling-iling si jeno habang mabilis siyang tumatakbo pababa ng hagdanan. nababalot na ng makapal na usok ang buong bahay kaya medyo hirap na silang makahinga. "umakyat siya sa study room after niya akong gisingin. binilinan niya lang ako na ilabas kita rito."

"hindi ba natin siya isasama? hindi pwedeng ma-toast dito mommy natin—"

"shh, stop crying. lalo kang mahihirapang huminga." ilang beses na napaubo si jeno dahil sa dami ng usok. muntikan na rin silang mahulugan ng nasusunog na kahoy, buti na lang at maliit sila at mabilis kumilos. "babalikan ko si mom after kita ilabas, okay? stop crying na."

"promise, kuya?"

"promise, sunshine." pangako ni jeno sa nakababatang kapatid bago ginamit ang buong lakas niya upang mabuksan ang pintuan na nasusunog na ang gilid at itaas na bahagi. ilang minuto rin ang ginugol nila bago iyon tuluyang nabuksan at nakalabas sila.

"di na ako makahinga, kuya!" lumakas na naman ang iyak ni jiho habang tumatakbo na rin siya ng mabilis kasabay ni jeno.

"konti na lang, jiho. pagkarating sa labas ng gate pwede ka ng magpahinga muna. kailangan lang nating makalabas ng bahay."

true to jeno's words, pagkarating nga nila sa pinakamalapit na waiting shed sa labas ng gate nila ay huminto na sila sa pagtakbo. nang lumingon si jeno sa bahay na pinanggalingan nila ay hindi niya maiwasang umiyak. hindi pa rin lumalabas ang kanilang ina mula sa nasusunog na bahay.

"isi-save naman ni dadddy si mommy di ba, kuya?" inosenteng tanong ni jiho habang habol nito ang paghinga.

umiling-iling si jeno. "wala si dad, sunshine. pumunta siyang cambodia—"

"umuwi na siya. i saw him, kuya."

"but mom said wala si papa..." napahinto sa pagsasalita si jeno at muling napalingon sa bahay nila. "babalikan ko si mama. ano man ang mangyari, dito ka lang jiho. hintayin mo kami, okay?"

"okay po." lumuluhang sabi ni jiho. "balikan mo ako rito, kuya, promise?"

jeno forced a smile before kissing his brother's forehead. "i promise, sunshine." ani jeno bago siya mabilis na tumakbo pabalik sa kanilang bahay kung saan nasa loob pa ang ina.

samantala, wala namang tigil sa pag-iyak si jiho. takot siyang mag-isa sa dilim lalo na kapag nasa labas pero sa ngayon ay wala siyang choice. kailangan niyang tiisin ang takot at hintaying makabalik ang kapatid... at kung papalarin, sana ay kasama ang kanilang ina.

"dear lord po, our mommy... she said na she's not really a good person kasi she do things daw po na good people will never do. pero po for me she's the most loving and caring mom. never niya po kaming pinabayaan ng kuya ko. she always makes sure that me and kuya are okay and happy. enough reason naman na po iyon para mag-survive po siya sa fire, di po ba?" young jiho innocently prayed while looking up at the stars above the dark sky. "please po sana walang bad na mangyari sa mommy namin. we need her po kasi we're too young. di pa po namin kaya ng kuya ko mag-live mag-isa..."

"fuck! bakit nakalabas pa ang batang to?!"

dahil sa taong biglang nagsalita ay agad naging alerto si jiho. nagtago siya sa likod ng poste ng waiting shed pero nang makita niyang kasama ng mga lalaking iyon ang kanilang ama ay lumabas siya.

"daddy!!"

"bullshit naman!" pagmumura ni jonathan. "kunin nyo nga ang batang yan."

"d-dad?!!" unti-unting umatras si jiho lalo na nang makita niyang naglakad palapit sa kanya ang isa sa mga lalaking kasama ng kanyang ama. "kuya jeno!!!!" buong lakas niyang sigaw bago siya kumaripas ng takbo palayo. pero bago pa man siya tuluyang makalayo sa mga lalaki ay nahuli na siya ng isa sa mga ito. "kuya!!!"

"kuya!!"

pare-parehong nagulat sina jeno, mark at shotaro, lalo na si jaemin na siyang pinakamalapit sa kama, nang biglang bumangon at sumigaw si hyuck. mabilis ang paghinga nito habang iginagala ang tingin sa paligid. sa huli ay huminto ang mga mata nito sa taong nakasalampak sa sahig, katabi ni mark.

"k-kuya..." mahinang tawag ni hyuckie kay jeno. "kuya... you're my kuya. ako—ako si jiho lee..." he stated. dahil sa kanyang panaginip ay sigurado siya na magkapatid sila ni jeno. sigurado siya na siya ang tinutukoy nito noon na kapatid na nahanap na nito. sigurado siya na si jeno ang totoong pamilyang ilang buwan na rin niyang inaasam na makilala.

"sunshine..." jeno called and both of them started crying. mabilis na tumayo si jeno upang lapitan ang kapatid. "jiho—" nang makalapit siya ay agad na yumakap sa kanya ang nakababata. "i'm so sorry, sunshine. i'm so sorry. hindi kita agad nabalikan noon. kasalanan ko kung bakit bigla kang nawala... kung bakit matagal kang nawala. dapat hindi kita iniwan noon....dapat sinigurado kong ligtas ka. it's all my fault. please forgive kuya jeno, hmm? forgive me, jiho..."

"kuya..." mas lalong humigpit ang yakap ni jiho sa nakatatandang kapatid. "i miss you, kuya." jeno smiled at jiho and wiped the younger's tears using his thumb. "i miss you... nakaka-inis kasi bakit nakalimutan kita? bakit hindi kita nakilala noong una kitang nakita? bakit—bakit ganito ang nangyari sa atin? hindi ko maintindihan, kuya. hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nating magkahiwalay. we were kids... too young to fight! bakit tayo damay sa mga away nila?"

ang lakas ng iyak ni jiho habang nakakapit ito sa damit ni jeno na wala ring tigil sa pag-iyak at ayaw bitawan ang kapatid. "i'm sorry, sunshine..."

"no..." umiling-iling si jiho bago hinaplos ang mukha ng kapatid. "it wasn't your fault, kuya. it wasn't your fault. niligtas mo nga ako sa sunog eh."

tumango-tango si jeno bago pinatakan ng halik ang ulo ng kapatid. "you're coming home with me, sunshine. si kuya rin. pangako, hindi na ulit tayo magkakahiwalay. ikaw, ako, si kuya... gusto ko magkakasama tayo mula ngayon."

"i have one more kuya?" kunot-noong tanong ni jiho at sakto namang bumukas ang pintuan at magkakasunod na pumasok sina jaehyun, renjun at taeyong. "oh, right..."

"kuya yong..." tawag ni jeno kay taeyong na agad namang lumapit sa kanila.

jiho smiled and taeyong did the same. no words were uttered but they understood each others heart. masaya sila na nahanap nila ang isa't isa... masaya sila na sa wakas, pagkalipas ng maraming taon ay nagkaroon sila ng pagkakataong magsama-sama.

'if only maze's here.' jeno looked at his brothers and smiled. 'mommy, we'll be okay. i know we will be okay... but i really really miss you right now. sana nandito ka ngayon kasama namin. sana nayayakap ka namin ngayon." a lone tear fell from his eyes at napansin iyon ni taeyong kaya niyakap siya nito. "aalagaan ko ang mga kapatid ko, mom. you don't have to worry about us... please be happy wherever you are now. i love you.'

"ako rin."

napatingin si jeno kay jiho at nakita niyang nakasimangot ito habang nakatingin sa kanila at hinihila ang kamay ni taeyong. sabay silang natawa ng kuya pagkatapos ay naupo sila sa kama ni jiho upang yakapin ito.

"i love you, my kuyas!!" masayang sabi ni jiho bago mahigpit na yumakap sa dalawa.

"at inyo pong natunghayan ang kwento ng tatlong magkakapatid na sinubok man ng maraming taong pagkakalayo ay tadhana na mismo ang gumawa ng paraang muli silang magsama-sama. sa buhay, marami tayong pagdadaanan na susubok sa tatag at tibay ng pagmamahal natin sa ating pamilya. ang mahalaga ay wag tayong susuko at wag panghihinaan ng loob. magtiwala lang tayo sa ating pagmamahal at sa poong maykapal. muli, ako po si jaemin na-lee, magandang gabi mga kapamilya..." mahina ang boses na sabi ni jaemin habang nakaupo pa rin ito sa kinauupuan nito kanina pero iba na ang posisyon nito. nakaupo ito roon na parang isang kagalang-galang na ginang.

"na jaemin!!" halos sabay-sabay nilang saway rito pero tumawa lang ito ng malakas.

HomeWhere stories live. Discover now