Kabanata 7

6 0 0
                                    

XANDY

Nandito na sina Claui at Sunnie sa bahay. Napagusapan namin na dito nalang magayos para sa party ng Mommy ni Jay mamaya. Susunduin kami mamaya nila Xander. Nauna akong maligo sa dalawa kaya ako ang unang memake-upan ng make up artist namin ni Mommy na si Paul.

Nasa banyo si Claui para maligo habang abala naman si Sunnie na ilatag ang mga gowns namin sa kama ko. Maroon ang sakin, sky blue ang kay Claui at yellow naman ang kay Sunnie.

"Parts, gusto ko na talaga itanong 'to sayo pero baka kasi magalit ka. Bakit kasama mo si Jay pagbalik sa classroom nung naiwan mo yung libro mo sa park?" halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko ngayon. Medyo nagulat naman si Paul pero hinayaan nalang niya ako.

Sinilip ko si Claui na nasa CR padin hanggang ngayon. Hindi ko alam pero sa kambal ay si Claui ang mas madaldal. Ayokong isipan niya ng masama iyon pag nalaman niya at mas ayokong makarating kay Xander. Wala naman ginagawang masama si Jay at mas lalong wala akong ginawang mali nung araw na iyon. Ayoko lang talaga ng away.

"Siya yung nakakita ng libro ko Sunnie. Ihahatid niya sana dapat kaso nakasalubong ko na siya." tinignan ko siya sa salamin, nakita kong nakatitig din siya sakin doon.

"I think he's still into you." nagulat si Paul sa biglang paglingon ko kay Sunnie na ngayon ay nasa gilid ko na. Inayos nalang ni Paul ang iba niyang gamit sa table para bigyan kami ng time mag-usap.

"What? Akala ko ikaw ang pinopormahan niya and that's impossible Sunnie. That was 4 years ago." halos ibulong ko iyon kay Sunnie sa takot na marinig ni Claui. "Look, kung ano man yang iniisip mo Sunnie stop it. If you like him, go. Hindi naman kita pipigilan. I will support you no matter what. Basta huwag ka--" 

Pinutol niya ang pagsasalita ko. "What?!" natawa ako sa pasigaw niyang bulong saakin. Ito ang isa sa gusto ko kay Sunnie, kapag alam niyang ayaw  ko na may makarinig na iba ay nakukuha niya kaagad. "For God's sake parts hindi ko siya type! Iba ang type ko noh! Malakas lang talaga ang kutob ko kasi ewan ko ba. Feeling ko lang talaga." hinawi ko siya para masimulan na ni Paul ang make-up pero hindi padin siya umaalis.

"Okay fine. Sige, kung yan ang naiisip mo hindi kita pipilitin. Pero Sunnie, mahal na mahal ko si Xander at kahit ano pang ipakita sakin ni Jay ay walang mababago doon. Iniisip ko palang na masasaktan si Xander pag nalaman niya iyon ay nasasaktan na ako." huminga siya ng malalim at tumango. Mahigpit niya akong niyakap sa gilid at pumunta sa banyo para katukin si Claui.

"Claui ang tagal! Bilisan mo! Natatae na ko!" sabay kaming natawa ni Paul sakanya. Hindi naman ako nag-alala dahil alam kong mabait si Paul at hindi siya nakikielam sa kung ano ang mga naririnig niya. Magaan din ang loob ko kay Sunnie dahil alam kong hindi siya gagawa ng ikasisira namin ni Xander, lalo na naming dalawa.

"Ito na! Ito na! Nakakahiya ka talaga! Dito ka pa naki-tae sa CR ni Xandy!" iritang sigaw ni Claui sa kambal niya. Iiling-iling nalang ako sa harap ng salamin.

After 3 hours ay natapos din kaming tatlo. Naririnig ko na ang ingay nila Mommy sa baba at paniguradong nandyan na sila Xander. Malapit ng mag 6pm kaya sigurado akong late na kami sa party. Niyaya ko na ang kambal at mabilis na kinuha ang bag ko. 

Nawala ang ingay sa baba pagbaba namin sa hagdan. Nakangiti akong nakatingin kay Daddy na sobrang gwapo sa suit na suot at kay Mommy na sobrang sexy at ganda sa suot na gold dress. Ngumiti din sila saakin na para bang nakakita ng anghel. Sinulyapan ko si Drew, salubong ang kilay niya habang nakatingin kay Claui habang si Kit naman ay pabalik-balik ang tingin kay Sunnie.

Huli kong tinignan at tinitigan si Xander, napakagwapo niya. Kahit araw-araw ko siyang nakikita ay parang araw-araw siyang gumagwapo. Bagay na bagay sakanya ang napili niyang black suit at hulmang hulma ang mga muscles niya sa braso. Nakadagdag angas pa ang suot niyang Cartier earrings na regalo ko noong first anniversary namin. Nginitian ko siya habang inilalahad niya ang kamay sa akin. Kinuha ko iyon at hinawakan ng mahigpit.

AFTER ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon