Kabanata 8

3 0 0
                                    

XANDER

Hindi ko magawang magalit kay Xandy ng matapos ang gabing iyon sa party. Alam kong wala siyang ginagawang masama dahil nakita ko kung paano siya ilang na ilang kasama ang pamilya nung siraulong Jay na iyon. Alam kong napipilitan siyang makisama kaya panay ang sulyap ko sa kanya dahil nag-aalala ako.

Ilang beses na akong nainis kay Jay dahil sa mga asta niya kay Xandy. Alam kong wala siyang ginagawa saakin personally pero mas naiirita ako kapag tungkol kay Xandy ang mga ginagawa niya. Hindi kami nagkakausap o nagpapansinan kapag nasa klase. Kaklase ko siya dahil pareho lang kami ng course, yun lang yun. Wala siyang pakielam saakin at mas lalong ganun din ako sakanya. 

Pero nitong mga nakaraang araw ay may mga nalaman ako na mas nakapagpainis saakin at hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na ako ang may mali simula pa lang. 

Una, iyong araw na natumba si Xandy sa sahig at nasugatan ang kamay niya. Alam kong aksidente ang nangyareng iyon at mali ako na manguna sa pananapak. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakinig kay Xandy na huwag nang pumatol. 

Kaya ito, mas lalo akong naiinis ng malaman na hindi talaga sinasadya ni Jay iyon. Pinaliwanag saakin ni Sunnie ang totoong nangyare, inamin ni Jay na hindi niya sadya na mapalakas ang tulak kay Xandy dahil hinarangan lang niya ito para hindi matapunan ng juice. Kumbaga, sinalo ni Jay ang juice para kay Xandy kaya naiinis ako sa katangahan ko.

Pangalawa, nung nagpang-abot ulit kami sa classroom at nadamay nanaman si Xandy. Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko nang sabihin ni Jay na bakit yung inis at galit ko ang inuuna ko. Bakit hindi ko daw manlang inuna na ireport at ipagawa iyong lintik na basag na bintana? Dahil kung titignan ay iyon ang totoong may kasalanan kung bakit nagkaganun ang kamay ni Xandy. 

Hindi ko iyon masabi kay Xandy nung araw na iyon dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko, parang lahat ng nangyayare ay dahil sa katangahan ko. Lalo na nung sinabi ulit saakin ni Sunnie na si Jay ang nagpagawa at nagpapalit ng buong bintana sa building nila. Hindi pa raw nito inantay na ang school mismo ang magpagawa.

Pangatlo, nang malaman ko ulit kay Sunnie na nanligaw pala si Jay kay Xandy noong first year kami. Sa lahat ng nalaman ko ay dito ako nanlamig at kinabahan. Sigurado ako na ginagawa ni Jay ang mga iyon dahil may nararamdaman pa siya kay Xandy. Hindi ako bulag o tanga para hindi makita iyon, lalaki din ako kaya alam ko kung bakit ganun nalang kumilos si Jay sa harap ni Xandy. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit si Jay pa? Bakit si Jay nanaman?

Kung hindi lang pinapakita at pinaparamdam saakin ni Xandy ang pagmamahal niya ay baka hanggang ngayon ay nanlulumo ako sa kaba at selos. Wala akong problema kay Xandy at sa relasyon namin pero gusto ko din makasiguro na wala din akong problema kay Jay. Masyado kong mahal si Xandy para hayaan na masira kami nang dahil lang sa mga dahilan kong ito.

"Dude, he's here." ani Drew na nakatingin sa pinto. Alam kong si Jay ang sinasabi niya, maaga akong pumasok ngayon at nagsabi ako kay Xandy na hindi ko siya masusundo. Nagsinungaling pa ako sakanya na may gagawin sa school ng maaga para lang sa lokong 'to.

Pagkatapos ng party ay ilang beses kong pinag-isipan kung imemessage ko ba si Jay para makipag-usap nang kaming dalawa lang. Yung seryoso, walang away o suntukan na magaganap. Dahil nang makita ko kung paano niya tignan si Xandy noong gabi ng party ay nasiguro ko na may nararamdaman talaga siya, ramdam ko iyon at inaamin ko na natatakot ako na malaman ni Xandy ang tungkol dito.

"Iwan mo muna kami. Tawagan nalang kita mamaya." tumango si Drew at agad lumabas ng classroom. Wala silang ideya ni Kit sa kung ano ang sadya ko kay Jay.

Nakita ko si Jay na umupo sa upuan niya at tamad na lumingon saakin. Lumapit ako para maupo sa upuan na nasa tabi niya.

"Let's talk and please, ayoko ng away. Ginagawa ko to para kay Xandy." tumango lang siya at umayos ng upo.

AFTER ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon