Kabanata 3

2 0 0
                                    

XANDY

Mabilis lang ginamot ang sugat ko, malalim daw yung hiwa kaya nasa 6 or 8 stiches yata ang ginawa sa kanang kamay ko. Magaling yung mommy ni Jay at magaang ang kamay niya. Malaking tulong din yung anesthesia kaya hanggang ngayon ay wala akong maramdaman na kirot.

Kailangan ko lang daw uminom ng antibiotic para magheal agad yung sugat at maprevent yung kirot. Tinignan ko si Xander na nakaupo ngayon sa couch, tahimik padin siya. Simula nang ginamot ako dito eh hindi na siya kumikibo.

Lumapit ako at tumabi sakanya. "Love, okay ka lang?" malungkot siyang tumingin saakin kaya pinilit kong ngumiti. Alam kong guilty siya sa nangyare. "Okay na ko. Wala kang kasalanan, aksidente yun love. Hindi naman natin ginusto yun diba."

Umiling siya na para bang mali ang sinabi ko. "Hindi love. Kasalanan ko eh. Dapat hindi ko nalang kasi siya pinatulan love. Sana hinayaan ko nalang yung galit ko. Imbes na ipagtanggol kita, ako pa mismo yung nakasakit sayo." tinignan niya ang kamay ko na balot na balot ngayon ng bandage. Dahan-dahan niya 'tong hinawakan para haplusin, sinisiguro na hindi ako masasaktan.

Inamin niya na napalakas siya ng hila sa braso niya kanina kaya nawalan ako ng balanse at napahawak ako bigla sa basag na bintana. Hindi ko rin naman kasi napansin na yun pala yung basag na bintana.

"Ano ka ba...Malayo sa bituka 'to love. Ayaw mo ba nito? Kasi tignan mo, mahihirapan ako kumain mag-isa tsaka hindi ako makakapagdrive. Kaya mas kailangan kita ngayon para susubuan mo ko ng pagkain at ihahatid-sundo sa school. Diba??" nakita ko sa gilid ng labi niya na natawa siya.

Humarap siya sakin para ayusin ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Hinaplos niya ang pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Buti nalang talaga may anesthesia kaya kahit maipit ang kamay ko sa yakap niya eh, ayos lang!

"Sorry ulit love ha. Promise, hindi na mauulit." mas lalo pang humigpit ang yakap niya. "Promise. Ikaw at ikaw lang ang priority ko. Hindi ko na hahayaan na magkaganyan ka ulit." niyakap ko rin siya gamit ang kaliwa kong kamay.

"Ehem! Ahm...Xands, natawagan ko na ang mommy mo. Nag-aalala siya sayo kaya aayusin ko na ang mga papers mo and don't worry about the bills, okay na 'yun. Natawagan ko nadin ang university niyo to inform na excuse ka sa afternoon classes mo. Bukas ka na pumasok, okay?" nakatingin siya sa kamay namin ni Xander na magkahawak habang sinasabi iyon. Ang awkward naman nito!?

"Dra. Kaye, thank you so much po and pasensya na po sa abala. Hihingi nadin po ako ng sorry kasi medyo hindi maganda po yung away namin kanina ni Jay. Medyo nagkapikunan lang po kaya nadamay 'tong si Xandy. Sorry po talaga." napangiti ako sa itsura ni Xander ngayon.

Hindi ko naisip na bukod sakin eh isa pang problema niya yung duguan na labi ni Jay kanina. Sabagay, mabuti ng informed ang magulang kasi mamaya uuwi yung anak niya na may pasa sa labi at puro juice ang damit! Haha! Ewan ko nalang kung maniwala si Dra. Kaye na 'medyo' nagkapikunan nga lang talaga sila. Kung ako nga nandito sa ospital eh!?

"It's okay iho. Kilala ko ang anak ko, araw-araw may kaaway yun kaya hindi na ko magugulat. Pasensya nadin kayo sa kumag na yun. Normal na talagang matigas ang ulo nun! Oh btw, you both can call me Tita. Sawa na ko sa doktora, palagi ko ng naririnig yun." natawa naman ako bigla sa sinabi niya. Mukhang sanay na sanay na siya sa ugali ng anak niya.

"Sige po, Tiii-ta. Hehe. Thank you so much po. Mauuna nadin po kami." paalam ko dahil mukhang nahihiya na 'tong si love ko.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit para magbeso samin ni Xander. Nakakatuwa naman 'tong mommy ni Jay, ang bait! Parang si Tita Tin lang, yung mommy ni Xander.

AFTER ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon