Kabanata 9

4 0 0
                                    

XANDER

Ramdam ko ang kaba ko habang papunta sa cafeteria. Nagtext sakin si Xandy na nandoon na daw sila ng kambal at nakabili na ng pagkain namin.

Niyaya kong sumama si Jay para maglunch pero tumanggi siya. Gusto niya rin daw respetuhin ang pakikipag-usap ko kay Xandy. Kapag nasabi ko na daw ang lahat at kung pakiramdam ko ay handa na si Xandy, doon nalang daw siya sasama samin.

"Pre, hindi naman sa chismoso ako ha. Pero anong pinag-usapan niyo ni Jay? Anong nangyare? Bakit parang bumaliktad ang simoy ng hangin?" hindi na nakapagpigil si Drew sa pagtanong, nangiti ako sa pagkachismoso niya.

"Mamaya ko na ikwento kapag kasama na natin sila Xandy." napakamot siya ng ulo. Alam kong atat na siyang malaman ang nangyare pero kailangan ko pa bumwelo dahil kinakabahan ako.

"Pabitin ka naman, pre." ani Kit. Natawa ako kaya medyo narelax ang pakiramdam ko. Maigi na ikwento ko ang nangyare kapag magkakasama na kami lahat para isang paliwanag nalang.

Sa entrance palang ng cafeteria ay tanaw ko na si Xandy. Nakikipagtawanan siya sa kambal habang kumakain ng shanghai na hawak niya ngayon.

Hindi ako sigurado kung ikakagalit niya ang sasabihin ko pero hindi ko kayang maglihim sakanya. Ang tanging isang bagay lang na kaya kong itago ay iyong nararamdaman ni Jay. Sinabi sakin ni Jay na huwag ko nang ikwento iyon dahil hindi na dapat pang malaman ni Xandy.

Napansin niya na papalapit na kami kaya kumaway siya gamit ang kamay niyang may hawak na shanghai. Ang cute niya! Good mood siya masyado kaya sana hindi ko masira iyon. Nang makalapit ay tinapik niya ang upuan na nasa sa tabi niya kaya agad naman akong umupo doon.

Tinignan ko siya para nginitian tsaka huminga ng malalim para simulan ang sasabihin ko.

"May kwento si Xander sayo Xandy." magsasalita palang sana ko nang biglang unahan ako ni Drew.

Tinignan ko siya ng masama kaya natahimik siya. Napakachismiso talaga! Nagpabalik-balik samin ang tingin ni Xandy hanggang sa titigan niya ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero kailangan ko 'tong sabihin. "Okay na kami ni Jay." panimula ko. Iyon ang una kong naisip na sabihin.

Napaawang ang bibig niya pero agad din siyang nagsalita. "Paanong okay? As in bati na kayo? Ganun?" kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Yes. Friends nadin kami ulit." pinilit kong ngumiti para masiguro na hindi ko sila niloloko.

"Wait. Wait. Wait. Ulit? Bakit? Friends ba kayo dati?" nilingon ko si Claui tsaka tumango. Tinignan ko ang reaksyon nila isa-isa at mga naka nga-nga na ngayon. Natawa ako sa mga mukha nila. Alam kong hindi sila maniniwala dahil saksi sila sa away namin.

"Bestfriends to be exact." paglinaw ko habang hawak ang baba ni Xandy para isara ang bibig niya. Binitawan niya ang shanghai na hawak para makinig.

"Wait love, paano kayo nagkabati?" inaasahan ko na una niyang tatanungin kung paano kami naging magbestfriends at bakit ko iyon nilihim. Pero mali ako, knowing her, hindi niya basta ikakagalit iyon kung alam niya na may dahilan ako.

"Mamaya na ang tanong na yan Xandy." sabat naman ni Sunnie. "Unahin muna natin alamin kung paano sila naging magbestfriends? Diba?"

"Oo nga!! Curious din ako dyan!! Sa tagal ba naman natin magkakasama, hindi mo manlang nabanggit samin yun." gatong pa ni Kit.

"I know he has his own reasons. Okay lang naman yun sakin." nangiti ako sa sinabi niya, napaka maintindihin niya talaga sa lahat ng bagay.

"Okay. Ganito kasi yun." sinulyapan ko sila na ngayon ay nakafocus na sakin para makinig. "Bestfriends ang fathers namin kaya kapag nagkikita sila ay madalas kasama din kami ni Jay. Bata palang, magkaibigan na kami. Partner sa lahat ng bagay."

AFTER ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon