"You didn't eat did you?" I ended up sitting on the shotgun seat. Hindi ako nakahindi kanina dahil binuhat niya ako nang hindi ako sumagot kaagad. This man really believes in the saying 'silence-means-yes' shits. I mean, ako rin naman minsan pero hindi ba pwedeng baka masaktan pride niya kung humindi ako?
Now, punong puno na ng rant ang utak ko. Ito ba ang resulta ng pagiging maganda ng araw ko buong araw? Kamalasan na gabi ang kapalit?
"Uh... I will go to drivethru, do you want to buy something?" Sabi niya habang nakatingin nang maayos sa daan.
Hindi ako sumagot at hinayaan nalang sya sa kung saan niya gustong pumunta.
Sumilip ako sa bintana nang makarating sa sinasabi niya. The same fast food restaurant we went that night. Noong tumakas ako para lumabas kasama siya.
Tumingin ako sa kaniya para tingnan ang reaction niya. He definitely knows what he is doing. Alam niya ba o nakalimutan niya o hindi na nag ma-matter sa kaniya 'yon? Wow, that hurts. Baka ako lang pala ang nagiisip na importante ang mga first time na nagawa ko kasama siya.
He's busy tapping his fingers on the steering wheel and biting his lips while patiently waiting.
Tumingin siya sa akin at itinaas ang isang kilay, "Ano, may oorder-in ka na?" Tanong niya. Hindi siguro napansin na medyo matagal akong nakatingin sa kaniya.
Umiling nalang ako at tumingin sa harap. Tumingin ako sa likod at nakita doon ang bag ko. Oh yeah, right, kinuha niya 'yon kanina. Inuna niya pa akong isakay sa kotse niya tapos siya ang nag park ng kotse ko tapos sinunod niya rin ang mga gamit ko including my heels.
Binigyan niya pa ako ng extra slippers para raw comfortable ang paa ko kahit papaano.
I tried to reach my bag dahil nandoon ang cellphone ko but I failed. Masiyado siyang malayo at hindi ko na kayang ma-stretch ang braso ko dahil masakit pa rin siya.
"Tss" I heard Miko. Tumingin ako sa kaniya at pinanood siyang kuhanin ang bag ko, "Here"
Kinuha ko 'yon at inilabas ang cellphone ko. I messaged Bella, sinabihan ko siya na iniwan ko ang kotse ko sa park. Tinanong ko rin kung may number siya ng guard para i-message ko nalang siya.
"I already told the security that you left your car there. Bukas nalang daw ipapaayos" Sabi ni Miko habang abala rin sa pag ce-cellphone.
Tumango ako at in-erase ang tinatype kay Bella. Now, I remembered the words Bella said earlier. Baka naman nilalandi nitong si Miko si Bella kaya nag akala siya na type siya ni Miko?
"Can I have your secretary's number?" He asked. My eyes widened a bit. Fuck, baka totoo ang akala ni Bella!
"Ask her personally, I'm not your cupid or whatsoever. Lovelife mo 'yan" Bulong ko. Gagawin pa akong tulay para makapag usap sila, eh, pwede namang kuhanin nalang niya number ni Bella nang maging text-mate sila.

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...