Giatay na Thesis!!
Makakain na nga lang.........
Ang sarap kumain nuhh?
Lalo't Maraming kang iniisip...
Opo...
ganito po ako...
pag naiirita... ( Kumakain ako )
Pagnaiinis... ( Kumain ako )
Pagnalulungkot... ( Kumakain ako )
Kapag maramin akong iniisip kumakain lang ako.....
Para kaseng nawawala yung init ng ulo ko o kaya lungkot pag kumakain ako...
Best feeling talaga...
Lalo na ngayong College na ako... Nagstart kase to noong Highschool ako
ANG SARAP KUMAIN LALO NA PAG STRESS!!
Line ko everytime na ako'y maiistress...
sa Math, English, Science, MAPEH, Filipino, EsP, AP...
Naku! stress ako dyan...
Favorite ko talaga ang Recess at Lunchbreak..
Minsan nga nanghihingi na rin ako sa mga Classmates ko,... Kulang din kase Buti nalang mabait sila...Meanwhile....
"GRABE NAMAN TALAGA?... MINU-MINUTO NG KUMAKAIN... NAKUKUHA PA RING HUMINGI....." " MINSAN ABUSO NA.... PAG ALAM NA BIBIGYAN...TALAGA NAMAN.. SIGE PA RIN...."
Ang hirap din kaseng malungkot..
Alam mo yun...
Sumasaya ako kapag kumakain...
Nalilimutan ang Problema...
Malungkot pero pag may pagkain sumasaya...
Wala ka pang kasama sa buhay...Ang Mama mo nasa Abroad
" ANAK?... HINAY HINAY KA NAMAN SA PERA.... KAKAPADALA KO LANG SAYO NOONG ISANG ARAW... MAGKANO NA LAMANG YAN... HINDI KO PINUPULOT ANG PERA RITO... "
Ang Papa mo yon sumakabilang bahay.... Pinili ang iba pero ayos lang din nagsusutento naman...
Pero ewan ko na lang din...
Ehh kase naman.." OHH ANAK... KASYA NA SIGURO YANG 500 NA ALLOWANCE MO PARA SA DALAWANG LINGGO NA ALLOWANCE... NANDIYAN NAMAN ANG MAMA MO... HUMINGI KA NA LANG PAG KULANG "
Ok na lang...
Wala din namang magagawa...
Masaya naman kahit mag isa.....
Kumain na lamang haha....One time nga nahuli ako ng Adviser ko na kumakain...
"ANO BA!? KUMAIN KA NA LANG NG KUMAIN... LUMABAS KA NGA... KUNG KAKAIN KA LANG SA KLASE KO... PWEDE KA NANG UMUWI..."
Edi lumabas ako HAHAHA...
Masaya dahil makakapunta ako nang maaga sa Canteen...
At mayroon namang time pa na paguidance ako dahil sa pagkain ko..." DIYOS KO NAMAN?!
ALAM MO NAMANG BAWAL NA BAWAL MAGDALA NG MGA JUNKFOOD DITO SA ATING CAMPUS... HEALTHY IS WEALTHY TAYO DITO.... ISANG PANG PAGKAKATAON NA MAGDALA KA NG MGA PINAGBABAWAL NA PAGKAIN O KUNG ANU PANG BAWAL DITO... IPATATAWAG KO NA ANG MGA MAGULANG MO...."Napaisip nga ako kung sino ang pupunta eh wala naman akong kasama sa bahay HAHAHA...
Bahala na sya HAHAHA....
Hindi ko din alam kung ano bang meron sa pagkain pero mahal na mahal ko ang mga ito...
Hindi sya maganda...
Lalong hindi sya sexy....
Pero masarap sya at nakakaakit...
After a years
Makakapag tapos na ako ng highschool...
Graduation kung baga at si Mama ay uuwi na raw ng Bansa...
Ayos maraming foods...
Handa raw para makabawi rin daw sya...
Namiss nya raw ako pero mas magiging okey sana ako kung pagkain na lang yung nandiyan kase parang wala rin naman....
Nagalit lang dahil gagastos nanaman daw....
Nakauwi na sya at syempre...
Nagpadaretsyo na kaming Fastfood..
Doon tayo sa unli para busog na masaya pa.....
At makailang araw nga graduation na rin....
Hindi na ako makapaghintay sa mangyayare mamaya...
Tataas sa Stage pagkataas konting pakinig sa kung anong mga sasabihin ng mga keme ng mga istudyante sa graduate tapos... "KAKAIN NA!!"
Si Papa nga pala...?
Ayy... Oo nga pala, ganun pa rin....
Para pa ring walang pake...
By the way ayus lang may pagkain naman...
Mas importante ang pagkain dahil sila napapasaya ako...
Sina Mama at Papa naman, Hinde... Kaya kakain nalang ako....
NUM....NUM...NUM..HMMMM ANG SARAP....
Sobrang dami kong nakain...
Sa sobrang sarap hindi ko na ata kayang gumalaw...
Hindi ko mapigilang kumain pa.....
Halos lahat ng nakahain...
Kaya kong kainin ...
Mula dito sa putahing ito hanggang dito sa putahing ito...
" WOW NA WOW!! "
" SOLID ANG SARAP...SOLID ANG LASA...."
" SANA KUNG MAMATAY AKO SA PAGKAIN NALANG PARA MASAYA AKO KAHIT ANONG MANGYARE!!" NUM.... NUM... NUM....ANG SARAP YIEEEE...Matapos sa isang masayang pagkain maghapon nakapagpahinga rin ako sa nakakapagod na araw....
Nagpahinga ako at natulog...
Sa panaginip ko isang mahabang mesa ang puno ng pagkain pero may nakatayong tao na masayang nakatingin saakin tila parang ayaw nya akong saluhan at masaya syang kumakain ako ng maraming marami... Ngipin lang ang kita mo at di mo alam kung ano ba siya...
Hulis tao at basta nakangiti siya at masaya siyang kumakain ako.....
Pagkagising ko at makailang araw ay nag intindi na ako ng clearance para makapag bakasyon at sobrang basic parang sisiw lang....
Pero ang tanging iniisip ko lang talaga...
Ano kayang pahiwatig ng aking panaginip na halos araw araw kong napapanaginipan....
Dream come true na ba this?...Makalipas ang ilang araw...
Enrolan na at another stress sa buhay....
Parang di ko na feel ang bakasyon...
Ganun lang pala yun...
Parang kumain lang ako ng isang buong Manok... Tapos ayon na yon??? Wala na.?? ... Grrr!! Kabilis naman...
Pumunta ako ng school at syempre alam na pipila tayo ng kahaba haba...
Ang haba ng pila... Mula Register to Keme nila...
Daming paandar..
Ganun din naman...
Makakapasok din naman...
Buti na lang may dala dala akong baon...
Siguradong magugutom lang ako rito....
After several hour....
Nakaenrol na ako...
Diba? Enrol din naman...
Boring pa....
Karaming tao...
Ang akala ko pa nga manghingi sila sa baon ko....
Hindi ko naman talaga bibigyan...
Napagod lang din ako sa pilang iyon edi sana nag pasa nalang ako para hindi ako napagod...Habang nag papahinga ako sa Araw ding iyon...
Kinagabihan....
Napanaginipan ko na naman ang lamesang puno ng pagkain... Nakakatuwa talagang makakita ng ganoon....
Parang pwede na akong mamatay dahil ito na yung pangarap kong gusto kong mangyari....
Pero...
Yung taong nakatingin saakin...
Noong nakaraang napanaginipan ko....
Siyang siya talaga 'yon....
lumapit at nakipagtitigan saakin tapos bigla nalang akong nagising... Umaga na pala...
So ayon pasukan na at 1st year college sa BS CULINARY MANAGEMENT (BSCM) na ako.....
Syempre hindi malilimutan ang baon...
Pack lunch ng binalot na giniling tapos itlog...
Sa course na ito...
Ito talaga ang nais kong pasukin....
Bukod sa baon....
Pagkain din ang pag aaral...
Eat all you can...
Eat and run...
Eat for all,all for eat..
Papasa naman siguro ako....
Katulad nung high-school...
Basic lang! kain lang! ...
Makailang araw medyo hustle pero napupunan ng pagkain ang aking Stress....
Daming activity lalo na sa minor dinaig pa ang Major sa dami ng problem and activities.....
Sa daming hustle at problem hindi ko namalayang lumalaki at bumigat na rin ako...
Di ko namamalayang yung dati kong timbang halos naging triple na....
Ayos lang kaysa naman iwasan ko sila.....pagkain na nga lang nagpapasaya sa'kin iiwan ko pa....diba??
Matapos ang unang kong subject nag break muna ako medyo nahilo ako sa daming ginagawa kailangang kong kumain nakakagutom na din naman kahit maaga pa at halos kakain ko lang din nang agahan... Kakain pa rin ako....
Magtira na lang ako mamaya para may makain pa rin ako may baon pa rin naman akong pera kaya ayos lang yan...
Habang kumakain ako sa isang sulok..
Sinigurado kong ako lang mag-isa...
Baka kase may manghingi pa kakaunti na nga yung Baon ko...
Hihingian pa....
Kaya Kumain ako ng kahit ako lang....
Ang sarap ng kain ko..
Sobra...
Walang istorbo...
Walang kahit na sino...
Pero sa kasarapan ng kain ko....
May biglang lumapit saakin...
Nagkatitigan kami ng halos matagal.....
Tinitigan nya ako...
Tumitingin sya sa pagkain ko....
Balak nya pa atang humingi o kunin...
Hindi ako papayag...
Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa pagkain ko.....
Ang sama ng tingin nya at mukang sarap na sarap siya sa pagkain ko....
Nagkatitigan muli kami at parang balak na niya itong kunin...

BINABASA MO ANG
You're Next
HorrorBLURB PATULOY LANG DUMADALOY ANG SUMPANG PATULOY NA PUMAPATAY SA KANILANG KINAWIWILIHAN AT SARILING KAGUSTUHAN. HINDI MALAMAN KUNG MATATAPOS PA BA ITONG SUMPANG ITO PERO ANG KASIGURADUHAN AY MAARING MAGING MAKATOTOHANAN. SAPALAGAY MO? IKAW NA NAGBA...