Kabanata 3

2 0 0
                                        

Habang naglalakad ako pauwi...
May nakasalubong akong isang pusa... Putol ang buntot niya at kulay puti at Itim at medyo may madilaw-dilaw na kulay din ito.. May mapulang kulay ng mata at malalambot na balahibo... Hindi ko na lang siya pinansin... Ang dami ko ng alaga sa bahay iuuwi ko pa ito.... Naglalakad na ako pauwi pero sumusunod sya.... Binugaw ko at pinaaalis... Hindi ko na pinansin at patuloy na ako sa pag lalakad... Sumusunod pa rin siya... Naalala ko tuloy ang dati kong pusa parehas na parehas sila... Makulit at pasaway.... Dami ko ng alaga sa bahay pero napabuntong hininga na lang ako... kinupkup pa rin siya.. Inuwi ko na nakakaawa rin kase kaysa mabangga lang ng mga sasakyan... Kunin ko na...
Gabi na rin akong nakauwi medyo may kalayuan din ang bahay pero nilakad ko na... Sayang din naman kase ang pamasahe... Pambaon ko na bukas... Pandagdag na rin sa pambili ng Cat food at Dog food sa aking mga alaga sa bahay... Kakapagod minsan pero pag sumalubong sila nawawala parang tunay mo na ring mga anak...
NASA BAHAY NA AKO!!
At puntahan agad ang mga alaga kong pusa at aso nagulat din sila dahil may dala akong bago sa paningin nila... Yung isa nagalit at yung isa nilaro nya agad ang dala-dala kong pusa... Agad akong naupo sa Sofa... Si mama nakapag luto na pala...
Ayos! masarap ang ulam! Kahit paulit-ulit Ayos lang basta luto ni Mama...
KAKAIN NA TAYO!!..
"OHH? MAY BAGONG PUSA?
Gulat at Patanong na tanong ni mama....
" Opo Ma... Naawa kase ako kaya kinupkop ko na...
Baka mabangga lang ng mga sasakyan kaysa mamatay kinuha ko na."
Di naman umimik si Mama pero alam kong nagaalangan na naman siya at nagaalala...
Di pa din siguro makamove on sa nangyare si mama...
Kahit alam nyang may mga Vaccine ang aming mga alaga pusa o aso...
Nag aalala pa rin siya sa mga maaaring mangyare..
Ito kase ang ikinamatay ng Papa... kinagat siya ng aso sa kalsada habang pinagbubuntis ako ni Mama.... Nangyare raw ito ng hindi alam ni Mama.. Makalaon daw bigla nalang nilagnat si Papa at ayaw sa tubig naglalaway at nagwawala... Dinala agad si Papa noon sa ospital at nakitaan siya ng malalang virus na rabies... Hindi na rin daw tumagal nun si Papa at Hindi na rin gumaling... At yoon daw ang dahilan kung bakit namatay si Papa... Araw rin daw nang kapanganak ko noong namatay si Papa... Hindi lang ako mapigilan ni Mama na h'wag mag alaga ng mga pusa at aso dahil suportado raw nya ako at Handa daw siyang pabakunahan lahat ng aalagaan ko dahil dito raw ako masaya....
Habang kumakain kami... Naalala ni Mama ang lahat ang dami niyang naikwento dahil sa bagong pusa na dala ko... Matapos naming kumain ni Mama nilinis ko na ang kinainan at pinakain ko na din ang aking mga alaga... Lahat sila ay alam kong masaya dahil alam kong kakain na sila.. Pero parang ang tamlay nung napulot kong pusa... Siguro hindi siya sanay sa ganitong pagkain ( Cat food ) Kumuha na rin ako ng konting kanin at nilagyan ko ng konting ulam at hinaluan ko ng cat food para malasahan niya at masanay siya sa cat food.... "AYAW MO TALAGA? " ... Ayaw talaga nya ehh.... Baka naninibago lang siya kaya hinayaan ko na muna...
Kinabukasan... Papasok na ulit ako at walang sawang " Meow " at " Arf " ang aking mga alaga.... "Alam kong malulungkot kayo pero kailangan ko Pumasok sa School babalik din naman ako agad" nag paalam na lang ako sa kanila para kahit paano alam nilang wala ako... Nag paalam na rin ako kay Mama... At tuluyan ng umalis sa bahay....
Habang naglalakad ako... Hindi ko namalayang kasunod ko pala ang napulot kong pusa... Humahabol siya... Tumigil ako sandali at binugaw ko siya pauwi pero ayaw nyang umuwi naupo lang siya at Tumitig pa saakin... "Shuu....Uwi kana..." binubugaw ko pero dumila lang sa paa... Sininama ko na lang sa School... Wala naman din ako magagawa ang layo na namin... Sinama ko siya sa School at sinabi kong wag maingay at magulo... Ang mga kaklase ko naman at tuwang tuwa sa kanya... Nakakatuwa rin naman dahil hindi siya naging sagabal saamin sa klase dahil napakatahimik nya at napakahilig matulog... Lunch break at habang kumakain kami... Pumasok sa isip ko bigla yung lalaking namatay nito lang sa Campus.... Yung sumigaw nang "UMALIS KA NGA DITO!! .. KUMAKAIN AKO!! ... AKIN LANG ANG PAGKAIN KO!! ... UMALIS KANA!! .." pumasok bigla sa isip ko kung paano at bakit siya namatay.... Pag namatay kaya anong pakiramdam.... Naisip ko din yung tingin niya saakin na ang sabi dead on arrival pero bakit nakadilat at nakatingin siya saakin... Nagulat ako bigla ng kumalabit ang aking Pusa nanghihingi ng pagkain at halos maubos na rin pala ang oras ko sa pagkain kakaisip...hindi ko pa nauumpisahan ang pagkain ko halos... Matapos nito agad kaming bumalik sa klase at mayroon akong isang kaklase na nagbigay siya ng ewan ko rin kung paalala ba ito o panakot saakin na tungkol sa napulot kong alaga... Wag daw akong pakampante sa napulot kong Pusa dahil nararamdaman daw niyang may itinatago itong ugali....
Tiningnan ko ang aking pusa at tinitigan ko siya... Mukhang wala naman siyang intensyong kung ano dahil isa lang siyang inosenteng pusa....
Pauwi kami ng bahay at natapos na rin ang klase nakakahilo dahil napakadami ring ginawa mabuti na lang talaga ay hindi sumabay sa kakulitan ang dala dala kong pusa... Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming malaking aso... Tahol siya ng tahol at parang may pag-amba pa siyang kakagatin ako... Nagalit ang pusa kong dala at nakakatakot talaga ang kanyang itsura... mga mata niya'y nanlisik at parang umilaw ang mapupula nitong mata.... Tumilos ang nga ngipin at halos humaba ng doble ang mga kuko nito.... Natakot din ako sa totoo lang... Ang aso na tumatahol ay nabahag ang buntot at umiyak palayo... Hindi ko alam kung bubuhatin ko pa ang pusa na dala-dala ko dahil sa takot ko.... Naglakad ako at napagisipan ko na hayaan na lang siya at kung susunod siya pauwi ng bahay ay sumunod na lamang siya dahil natatakot din ako na baka ako ang makagat o awayin niya.... Habang naglalakad ako ay sumusunod naman siya..... Itutuloy ko ba ang pagaalaga ko sa kanya o hindi na dahil natakot din nga ako sa nangyare..... Naglalakad ako at kabuntot ko siya hindi naman siya lumalayo at patuloy lang din siyang lumalakad.... Nakarating kami sa bahay at kasunod ko lang din siya.... "NANDITO NA AKO!! " Pag uwi ko sa bahay nakita ko si Mama nagluluto na ng hapunan.... "OHHH ANAK? ANONG NANGYARE SAYO AT PARANG NAMUMUTLA KA AT BALISA? MAY PROBLEMA BA?... Tanong saakin ni mama ng makita niya ako... Sinabi ko na lang kay Mama na" PAGOD LANG MA, ANG DAMI KASENG GINAWA SA SCHOOL"... Habang nagpapahinga ako at nakakaramdam ng pagkaantok ay naisip ko ang sinabi ng kaklase ko... Napag isip-isip ko na itutuloy ko pa ba ang pagaalaga ko sa pusa na napulot ko o hindi na.... Maya maya narinig ko na nagagalit si Mama... " SHUUU!! SHUUU!! UMALIS KA DYAN!!" //PINALO ANG PUSA// pinalo ni Mama ang pusa na napulot ko at parang nasaktan din ito.... "MA? BAKIT MO NAMAN PINALO?..." Sabi ko kay Mama na may pagkagulat sa pangyayare.... Sagot naman ni Mama kinuha raw ng pusang iyon ang uulamin sana naming piritong isda... Hindi ko na rin masisi si Mama dahil sa hirap na nga ng buhay namin eh aagawan pa kami ng ulam ng pusa mabuti na nga lamang at nandiyan ang Lolo ko na kahit matanda na nakakapagsustento at nakakatulong saamin ni Mama.....Bumili na lang ako ng cornbeef sa labas at bilang parusa sa pusa ay iniwan ko muna ito sa labas ng isang gabi.... Samantalang ang ibang alaga namin ay nasa loob ng bahay.... Matapos ang hapunan ay pinakain ko na sila isa-isa at ang pusa na napulot ko.... Hinahanap ko ito sa labas pero hindi ko ito makita.... Iniwan ko na lang ang pagkain niya at sigurado namang kakainin nya ito kahit kinain niya yung uulamin sana naming piritong isda... Nagkapaglinis na ako ng katawan at Handa na ring matulog... Habang nag lalakad ako pabalik sa kwarto ko ay nakakapanibagong hindi tumatahol at nagiingay ang aking mga alaga... Siguro pagod lang kaya hinayaan ko na...

You're Next Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon