Kabanata 2

2 0 0
                                        

"UMALIS KA NGA DITO!! .. KUMAKAIN AKO!! ... AKIN LANG ANG PAGKAIN KO!! ... UMALIS KANA!! .."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya.. Naiinis na ako at napipikon dahil kumakain ako... Pero bigla nalang nyang kinuha ang kinakain ko... Hindi ko na din namalayang nakuha nya... Hindi ko naman kilala ang taong ito... Sino kaba?!.
Pagpikit ko at pag kamulat nawala na siya dala ang kinakain ko....
Umiyak ako at halos walang magawa... kakapadala lang ng mama ko kaya sinarapan ko ang luto ng pagkain...Ngayon... Ito... Nagugutom ako... Sobrang gutom...
Pakiusap pahingi naman ang ng makakain...
Naisip ko na bumili ng pagkain dahil naalala ko may extra akong pangbili ng makakain
Hanggang sa makakita ako ng Pagkain... Nakahaya lang naman
Kaya kinuha ko ito at di na ako nag dalawang isip na kainin ito...
Sakto walang tao...
Ako lang mag-isa...
Tanging ako lang...
Pagkakataon ko ito para kumain ng Pagkain...
NUM... NUM... NUM.....
ANG SARAP!!NUM...NUM....
Sobrang sarap... parang hindi ko mapigilan ang aking pagkain.....
Hanggang sa hindi kalayuan....
Nakakita ulit ako ng isang lamesa na may pagkain.....
Maraming pagkain....ang haba ng lamesa at kung gaano ito kahaba ay ganoon din kahaba ang mga pagkain...
Sobrang dami.... Iba't-ibang klase...
NYUM.... NYUMM.... NYUMMM... HMMMM.....
Kinain ko na... wala namang tao kaya sinulit ko na.....
Di ako nabubusog at Feeling ko mauubos ko to.. Kayang kaya kong ubusin ito... Kulang pa ito... Bigyan nyo pa ako ng marami... Hanggang umabot ako ng Gabi na parang hindi nauubos ang kinakain ko... Di ko na rin maramdaman kung busog na ba ako...
Kain dito kain doon... kain lang... Ang sarap.... Kahit gabihin ako ayos lang dahil ito na yung pangarap ko... Kumain ng kumain.... Sulitin ko na rin dahil hindi din naman ako nabubusog pa... Titigil nalang ako kung mabusog ako... O kaya naman bahala na basta maubos ko ito... Kahit busog na kakain pa rin ako... Hanggang sa hindi ko namalayang... Humahaba na ang gabi... Umabot na rin ako ng umaga.. Patuloy pa rin akong kumakain... Hindi ako nabubusog ahh.. Ayos lang ubusin ko lang ito... Titigil na ako... At hindi pa rin naman ako nabubusog... Tuloy ko lang ito....
Nagkakapagtaka dahil gabi na ulit pero yung sarili ko at hindi ko nararamdamang nabubusog... Yung kamay at bibig ko rin... kusang ng gumagalaw... pinipilit kong huminto....Pero hindi ko magawa.... Hating gabi na pero kumakain pa rin ako....
Di ako nabubusog.... Hindi ako nararamdam ang pagod.... Hindi nauubos ang kinakain ko...
Gusto ko pang kumain pero matatapos pa ba ito??...
Tumitilaok na ang Manok pero kumain pa rin ako... Patuloy lang ang bibig at kamay ko sa pagkain.... Ang pagkaing hindi nauubos... Yung mata ko at paningin ko ay patuloy lang nakikita kung anong mga ginagawa ko.... Patuloy lang sa pagkain ng kung ano....
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng nakadilat ang mata... Umaga gabi umaga gabi di ko alam kung hanggang kelan matatapos ito... Hindi ako napapagod... Hindi ako nabubusog.... Hindi nauubos ang kinakain ko.... Yung paningin ko patuloy lang nakikita ang pagkaing di ko alam kung kailan matatapos.... Gusto ko ng tumigil pero ayaw.. Ayaw ng katawan ko at patuloy lang ito sa ginagawa nito.... Nguya ako ng nguya at patuloy lang sa pagnguya nihindi ko na ramdam na kumakain ako.... Hindi ko na ramdam ang tyan ko kung busog na ba ako.... Nagiiba na ang kapaligiran at nagkakaroon na ng ilang pagbabago... Nabubulok na sanga.. Nalalagas na dahon... Natutumbang puno... Pero yung pagkaing hindi ko na alam kung kelan ko sinimulan kinakain ko pa rin hanggang ngayon..... Mata kong patuloy nakatingin sa pagkaing hindi ko alam kung kailan matatapos... Nakalimutan ko na siguro mag salita.... Isip ko na lang ang aking kausap at tanging pagkain lang ang aking nakikita na animo'y nakatingin din saakin.... Para akong nasa kalawakan na patuloy naliligaw sa kawalan.... Gusto ko ng huminto pero hindi ko na ata alam kung paano ang lumakad at tumakbo ni ang magsalita ay hindi na rin siguro.... Di ko na alam kung gaano na ako katagal dito.... Nakaupo sa lamesa na puno pa rin ng pagkain hanggang ngayon.... Matagal tagal na din akong nagaantay matapos ang nangyayare saakin.... hindi ko na rin alam kung gaano na katagal akong kumakain....Basta mulat ang aking mata at gising ang aking diwa... Pero ang himinto sa pagkain.. Hindi ko magawa.... Tiningnan ko ang aking mga Kamay.. Halos maubos nadin pala ang laman nito marami na rin akong dugo na nakikita pero bakit hindi ako nahihilo o Nakakaramdam ng pagkaubos ng dugo.. Sa kamay ko nagmula ang mga Dugo na nakikita ko.... Habang isinusubo ko ang pagkain ay kasama na rin palay ng pagkaing kinakain ko... Hindi ko ramdam ang kamay ko talagang babad at namamaga na sya at dumudugo na din ano na kaya ang itsura ko... At yung bibig ko. hindi ko na maramdaman.. Parang naubos na rin ata aking labi... Feeling ko yung bibig ko ay nakanganga na lang... Patuloy na sinusubo ng kamay sa aking bibig.. Hindi ko na rin nginunguya...
Hindi ko na rin nginunguya... Parang makina na patuloy na lang sa kanyang mabilisang trabaho...Patuloy pa rin akong nagiisip kung kailan ako matatapos.... Patuloy ang pag lipas ng mga araw at gabi... At ang pagkain ko ay patuloy pa rin..  Kailan kaya matatapos ito...
//Dumating ang mga Pulis//
Media: Anong nangyare sa Biktima? Tanong ng media saakin..
Isa ako sa istudyante na nakasaksi kung paano siya nawalan ng Malay... Nang hindi ko alam Patay na pala...  Bigla na lang siyang sumigaw nang "UMALIS KA NGA DITO!! .. KUMAKAIN AKO!! ... AKIN LANG ANG PAGKAIN KO!! ... UMALIS KANA!! .."  as in pasigaw pero wala naman siyang kausap at kasama tapos bigla nalang siyang nagikot-ikot tapos natumba na parang Binaril sa ulo... Nagulat din ako sa nangyare na ang akala ko Nahimatay lang... Kaya tumawag ako ng Tulong sa hindi kalayuan.. Hindi naman nag tagal pero ang balita.... Dead on Arrival.... Naalala ko lang habang dinadala pa sya sa ambulansya bigla nalang mumulat ang mata nya at tumingin saakin tapos kulay itim lahat ang mata tapos pag pikit ko nakapikit na rin siya....

You're Next Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon