Leigh's POV
Nanonood kami ngayon sa sala ni Janz, alam ko sa sarili ko na pahirap na ng pahirap ang nangyayari nitong mga nakaraang araw.
"Hmmmm. Baby." Halos mangatog ako sa bulong niyang yun, What the heck is wrong with me?! Bakit ganitong kalaki epekto niya sakin? Lalo akong mahihirapan.
"Wag mo ako iiwan ha?" Pabulong niya ulit. Malungkot ang pagkakasabi niya nun, napatango nalang ako sa kanya kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko matutupad yun. Masakit oo, syempre nabuhay ako ng siya na agad ang minamahal ko. Siya lang ang laging nasa tabi ko, kaya hindi ko alam kung ano ng mangyayari. Hindi ko na alam.
"Janz baby, mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba? Hindi ko nga inaakala na katulad mong babaero mapapatino ko eh. Hahahaha. I love you so much Pier Janz. So much baby." Kiniss ko lang siya sa lips. Nagkwentuhan lang kami about sa relationship namin na tumagal ng 2 years. Yes, tama kayo. Ang tagal no? I don't remember kung paano nagsimula to. Basta ang alam ko, nagmahalan kami ng sobra sobra.
Alam kong minahal ko siya ng sobra pero masama ba yun? Mahal na mahal ko siya. Kaya alam kong uuwi to sa ayokong pangyayari. Masakit na masakit.
"Baby, hindi ko alam kung ano ng gagawin ko pag nawala ka. Alam mo ba leigh, pinagiipunan ko na yung kasal natin." Natatawa niya pang sabi sakin. Naiiyak ako, ang sakit na nakikitang ganito niya ako kamahal. Samantalang ako? Hindi ko alam kung tatagal pa ba ako dito sa mundo mundo. Shit na buhay to.
"Baby, just promise me na hindi mo ako iiwan. Aanakan na kita. Kidding! Hahahaha. Pero seryoso baby, I love you so much. Kung may salita pang mas hihigit dun, ganun kitang kamahal Jezrael." Kumawala na yung luha na kanina ko pa pinapilit wag tumulo. Napayakap ako sa kanya. Ang sakit naman nito papa god. Ganito po ba talaga? Kailangan pati siya kailangan ko saktan? Pwede bang ako nalang? Hindi niya deserve na masaktan. Minahal lang naman niya ako eh.
"Janz, Mahal na mahal kita. Sobra pa sa sobra baby, just please wag mo akong mahalin ng sobra sobra. Para hindi masakit na masakit." Umiiyak parin ako sa balikat niya. Alam kong nagtaka siya sa sinabi ko. I'm so sorry baby. Masakit para sakin to, pero wala na tayong magagawa. Tadhana yung kalaban natin dito.
Love? Masarap yan. Sa una, pero bandang huli o kaya naman ay bandang kalagitnaan ng pagsasaya niyo, bigla nalang papasok ang pain, challenges, heartbreak. Sana wala ng limitasyon ang pagmamahal. Nakakainis. Nagagalit ako sa sarili ko. Kung bubuhayin lang din naman ako, bakit sandali lang? Tangina lang eh.
BINABASA MO ANG
He will be loved
RomanceHindi naman porke't nagmahal tayo happy ending na agad diba? There's have a thrill, a pain and especially a heartbreak. Masakit, oo pero wala eh. Hindi naman lahat ng pangyayari puro happy diba? Maraming challenges na dumadating.