Chapter 5

2 0 0
                                    

Leigh's POV

Isang linggo nadin nakalipas simula ng mangyari yung sa restaurant. Hanggang ngayon hindi padin ako maka move'on dahil muntik na akong mahuli ni Janz. Kainis na sakit to ayaw makisama.

"LEIGH!" Rinig ko kaagad ang sigaw ni Chelsea sakin, classmate ko siya sa major subjects kaya medyo close kami.

"Oh? Problema mo? Daig mo pa nakakita ng multo." Natatawa kong sabi dito habang patuloy parin sa paglalakad. Pero hiniharang niya ako. Problema nito?

"Problema mo ba? Malalate na tayo." Nakalusot naman agad ako. Pero bago niya pa ako mahabol, tumakbo na ako papuntang room. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko sa room.

"SINONG NAGLAGAY NITO?!" Sigaw ko sa mga classmate ko, wala akong pakialam kung ma-issue ako. Hindi tama yung ginawa nila. Anong tingin nila sakin?

"Bakit totoo naman diba?! Binabayaran ka lang ni Janz Perez. Hahaha! Yang katawan mo." Kung ano'ano pang masasakit na salita ang narinig ko. Wala na akong maintindihan sa iba dahil tumakbo na agad ako papuntang banyo. Pagpasok ko palang umiyak na ako ng umiyak. Wala silang karaparan tapaktapakan ako! Wala silang alam!

"Sabi naman sayo leigh wag ka na muna pumasok." Nagulat naman dahil nasa tabi ko na agad si Chelsea nakalimutan ko nga pala isara ang pinto.

"Leigh, namumutla ka! Anong nangyayari sayo?" Napahawak naman agad ako sa ulo. Shit! Ang sakit. Naiiyak na ako sa sakit.

"LEIGH! LEIGH! TEKA HIHINGI AKO NG TULONG!" Hinawakan ko naman agad ang braso niya para pigilan.

"W-ag dalhin mo nalang ako sa ospital." Kahit sobrang sakit na ng ulo ko nagawa ko padin sabihin sa kanya yun. Agad agad naman siya tumango. Naramdaman ko nalang na may bumubuhat sakin. Guard to' ang alam ko.

Nagising ako ng nasa ospital padin. Medyo masakit padin ulo ko. Ayoko na. Naiiyak na ako. Lagi nalang bang ganito?

"Leigh! Atlast gising ka nadin! Kinabahan ako sayo, isang linggo kang tulog. Alam mo ba yun?" What? Isang linggo. Shit! Si janz!

"Yung cellphone ko chels?" Nagpapanic na ako. Alam kong nagaalala na si Janz sakit. Shit bakit kasi isang linggo akong tulog?!

"Ay! Oo nga pala. Halos araw-araw may natawag diyan. Yung boyfriend mo ata, hindi ko naman sinasagot. 500 missed calls na nga eh nakita ko." Seriously?! 500? Agad ko naman kinuha ang phone para tawagan si Janz. Pero bago pa ko pa matype ang number pumasok na agad ang doctor.

"Ms Leigh? Pwede ba kita makausap?" Tumingin naman ako kay Chelsea na may nagtatakang muka. Sumenyas naman ako sa kanya na mamaya ko na ipapaliwanag. Agad naman siyang tumango bago lumabas.

"Alam kong alam mo na malala na ang ang sakit mo. Kumalat na ang cancer sa utak mo." Yes, years ko na dinadala ang sakit na 'to since 17 years old palang pero dahil walang pakialam sakin ang papa ko hindi na naagapan ang sakit ko.

"Doc, may-pagasa pa naman diba?" Nagaalala kong tanong. Ayaw kong iwan si Janz. Hindi ko kaya.

"Yes meron pa. Pero hindi ko alam kung kaya pang agapan ang iyo. Kalat na kalat ang cancer sa utak mo. I'm sorry Leigh, pero sa tingin ko months nalang ang itatagal mo. Kung swerte man pwedeng abutin ng years. Pero sa sitwasyon mo ngayon." Napailing nalang si doc. Tumulo na ang kanina ko pa pinipigilan na luha. Ang sakit isipin na hanggang dito na lang ako. Janz baby, mahal na mahal kita remember that.

Nagpahatid ako kay chelsea sa garden ng ospital, gusto ko muna magisa. Nagmumuni'muni ako ng may tumabi saking matandang babae. Tingin ko eh nasa 40's na siya.

"Alam mo ija, nasaiyo ang desisyon kung mamahalin mo parin siya ng patuloy pero bandang huli masasaktan siya o iiwan mo siya pero sasaya siya bandang huli dahil nakalimutan ka na niya." Nagulat ako sa sinabi niya. Napatulala ako sandali pero bago pa ako magsalita nawala na agad yung matanda.

He will be lovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon