Leigh's POV
Hanggang ngayon iniisip ko padin yung sinabi sakin ng matanda kanina sa garden. Ano bang gagawin ko? Pagod na ako.
"Hmm leigh, gisingin mo nalang ako pag may kailangan ka ha?" Tumango lang ako sa kanya. Nagpapasalamat ako kay chelsea dahil nandito siya ngayon sa tabi ko. Pinaliwanag ko na sa kanya ang lahat, nagulat siya sa una. Pero sinabi kong kami lang ang makakaala nito.
Hanggang ngayon tumatawag padin si Janz. Hindi ko sinasagot, ayoko natatakot akong marinig ang boses niya. Nagsimula na naman akong maiyak. Paano ko siya iiwan kung boses palang niya sobrang sakit na? Mahal na mahal ko siya. Pero bakit laging may hadlang?
Bukas ng umaga pwede na daw akong lumabas ng ospital pero kailangan ko daw sumalang sa matinding examination. Nakapag-desisyon na ako. Para to sa samin. Mahal na mahal ko siya. Kaya bukas na bukas din sasabihin ko na sakanya.
Alas otso ng umaga ng makalabas ako sa ospital pinauwi ko na muna si Chelsea dahil alam kong pagod siya pagbabantay sakin.
Nakarating agad ako sa condo ni Janz. Dali dali akong pumasok dito. Pagpasok ko palang magulo ito at puro basag ang mga gamit.
"TANGINA HANAPIN NIYO SI LEIGH! KAHIT MAGKANO IBABAYAD KO! WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAGKANO PA YAN!" Narinig ko agad ang sigaw nito nasa tingin ko ay nasa kwarto siya. Tila kumikirot naman ang puso ko ng marinig ko kung gaano siya nagaalala sakin.
"Damn baby! Nasan kana ba? Alalang alala na ako sayo." Narinig ko pag bulong nito habang nakayuko. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Miss na miss ko na siya.
"Nandito na ako." Pilit kong pina-cold ang boses ko. Pero tila wala lang sa kanya yun dahil agad siyang tumakbo papalapit sakin at niyakap ako. Ilang minuto kong pinatagal ang yakap namin. Huli na to leigh. Pagtapos nito hindi na ikaw ang yayakapin niya. Hindi na ikaw ang hahalikan niya. Ang sakit. Sobrang sakit para sakin ng gagawin ko, pero kailangan. Janz baby, alam mo kung gaano kita kamahal. Balang araw makakalimutan mo din ako.
"Fuck leigh! Saan ka ba nanggaling ha?!" Nakayakap parin siya sakin. Huli na to janz. Mahal na mahal kita. I love you so much more than I love myself. Yung tipong kaya kong i-let go ang hapiness ko para sayo. Ang sakit.
"Break na tayo." Tila namutla na siya ng sabihin ko yun. Agad kong tinanggal ang braso nito na nakayap sakin at agad na tumalikod. Tangina. Ang sakit. Sobra.
BINABASA MO ANG
He will be loved
RomanceHindi naman porke't nagmahal tayo happy ending na agad diba? There's have a thrill, a pain and especially a heartbreak. Masakit, oo pero wala eh. Hindi naman lahat ng pangyayari puro happy diba? Maraming challenges na dumadating.