Chapter Seven - Gift

1K 54 11
                                    










I V Y

Grabe. Hindi ko inexpect na ganito kadaming mabibili dito sa Divisoria. Bakit nga ba hindi pa ako nagpunta dito noon?

Ang dami na naming bitbit na plastic, lahat ito ay mga gamit na binili ko. Si Kulit walang binibili na kahit ano para sa kaniya. Nagtitipid siguro.

“Meron ba kayong black nito?” Tanong ko sa tindera habang pinapakita sa kaniya ang pink marble mug.

Tumango naman siya. “Ah yes, Ma'am. Saglit po kunin ko lang sa stocks namin.”

“Sige thank you.” Sagot ko. Nang pumasok ang tindera sa stock room nila ay napalingon ako kay Kulit. Narinig ko kasi siyang nagtatanong sa kabilang stall, hawak niya ang isang Winnie The Pooh na stuffed toy.

“450 po, Ma'am.” Sagot ng tindera sa kaniya. Binaba niya ang stuffed toy at binuklat ang wallet niya. Maya maya tinago niya ito at umiling sa tindera. Nang paharap na siya ay nag-iwas ako ng tingin. Lumapit siya sa akin.

“Miss Sungit, saglit lang ha? Hahanap lang ako ng banyo naiihi na ako eh.” Paalam niya nang maibaba niya ang mga plastic bag sa lapag.

Tumango naman ako. “Sure sige. Dito lang naman ako.” at umalis na siya. Nang makalayo siya ay sakto namang palabas na ‘yung tindera. Nagustuhan ko ‘yung mga mug kaya bumili ako ng anim at binayaran na. Matapos niyang ibalot at iabot sa akin ay lumapit ako sa stall kung nasaan si Kulit kanina at kinuha ang stuffed toy na Winnie The Pooh. “Miss, kunin ko na ‘to.”

Nagtingin ako sa paligid at nakita ko ang iba't ibang gamit na Winnie The Pooh ang design. Naalala ko kasi nakwento ni Kulit sa akin na favorite ng pamangkin niya si Winnie The Pooh dahil kamukha daw ito ng pamangkin niya. Nakita ko ang dress at pajama na Winnie The Pooh at ang cute na cute na shoes na Winnie The Pooh. Bagay ‘to sa pamangkin ni Kulit sure ako. “Miss, ito ding tatlo.”

Binayaran ko na ang mga pinamili ko at bago ako makaalis ay napako ang tingin ko sa medium sized stuffed toy na batman. Yung parang funko pop design pero stuffed toy.

Mahilig si Kulit sa batman dahil ang kwarto niya ay puro batman. Yung mga printed logo lang na ginupit at dinikit niya sa dingding niya kaya naalala ko. Kinuha ko din ‘yon at ang batman shirt. Binayaran ko din ito at sinama sa supot na isa. Nasan na ba si Kulit? Tumatae na ba ‘yon?

Nagtingin tingin ako sa mga stall na katapat ng binilhan ko, mga sapatos at tsinelas naman ang nandito. Sakto namang paparating na din si Kulit. “Sorry, Miss Sungit. Ang haba ng pila sa banyo eh.”

“Ayos lang.” Sagot ko. Inabot naman niya ang ibang supot. Buti na lang bitbit ko ang supot na pinamili ko para sa kanila ng pamangkin niya. “Kulit, ano sa tingin mo magandang sapatos dito?”

“Para sa'yo ba?” Umiling naman ako. “Anong personality ba niya?”

Napaisip naman ako. “Boyish siya na iisa lang ang pares ng sapatos. Siguro hilig niya ang mga.. vans? Di ko sure yun lang kasi nakikita kong suot niya.”

“Nako, vans lang pala. Di mo natatanong eh paborito kong brand ‘yon. Eto,” Kinuha niya ang printed na vans. Black and white na parang cartoons. “Magugustuhan niya ‘to. Kasi ang mga boyish na tulad namin, mahilig sa mga ganitong style ng sapatos.”

Tumango tango naman ako. “Anong size ng paa mo? Ka paa mo kasi siya.”

Sinabi na nga niya ang size ng paa niya kaya sinabi ko ito sa tindera. “Ate, may iba pa po ba kayong design ng tsinelas?”

Every Beat Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon