D E A N N A
"Jessica Margarette Galanza. Siya yung ex mo." Sa sinabi ni Ivy ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko inaakalang magkakilala silang dalawa. "Awang awa ako kay Ate Margarette nung nakita ko kung gaano siya nawasak nung naghiwalay kayo. Sobrang galit na galit ako kina Ate Jia non. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para matulungan ko si Ate Margarette--"
"Kaya lumapit ka sa akin kasi iniisip mo na kapag napalapit ako sa'yo, mapag kakausap mo kami ni Jessica at magiging okay na ang Ate Margarette mo-- ganun ba, Ivy?" Mapait kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ganito. Kung bakit paulit ulit na lang akong ginagago ng tadhana at ng mundo.
Akalain mo nga namang magkaibigan ang dalawang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, at ang lagay ay parang tulay lang si Ivy sa aming dalawa.
Agad naman siyang umiling. "Hindi ganon yon, Deanna. Hindi ko ginawa to para maging okay kayo ni Ate, coincidence lang lahat simula ng magkita tayo."
"Hindi na ako naniniwala sa'yo, Ivy." Malamig kong sagot. "Matapos kong marinig ang lahat ng yon kanina, bumalik sa akin yung sakit ng ginawa ni Jessica-- tapos ikaw, ginawa mo din sa akin kung anong ginawa niya. Sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo? Sa inyo ng Ate Margarette mo?"
"Pinaglalaruan niyo na lang akong dalawa." Sarkastiko kong saad. "Lilitaw ka, hindi magpaparamdam si Jessica. Magpaparamdam si Jessica, ikaw naman ang mawawala. Ano bang akala niyo sa akin? Laruan? Na pwede niyong pagpasa pasahan kasi nabuburyo kayong dalawa sa buhay niyo?"
"Ni minsan ba.. inisip niyo yung nararamdaman ko? Na okay pa ba ko? Baka masakit din sa akin? Baka mahirap din sa akin? Baka kaya pinili kong makipag hiwalay sa Ate mo kasi.. kasi pagod na ko? Kasi ayoko nang maging anino niya? Kasi ayoko na tinatawag na lang akong jowa ni Jema kasi wala naman akong pagkakakilanlan? Hindi niyo naisip yon. Kasi sarili niyo lang ang iniisip niyo, habang ako kahit ang sakit sakit na, kahit ang hirap hirap na-- yung nararamdaman nyo parin ang iniisip ko." Mahabang sagot ko sa kaniya. "Kaya hindi na. Tama na. Okay na. Salamat sa concern mo sa Ate mo pero matagal nang tapos yung sa aming dalawa. Hindi na ulit babalik yung dating pagmamahal ko sa kaniya. Ni hindi ko na din alam kung anong dapat kong maramdaman sa'yo, Ivy."
Inawat ako ni Ivy nang alisin ko ang oxygen tube sa ilong ko. "Deanna, hindi ka pa pwedeng umalis. Kailangan mo pang mag pagaling."
"Wag mo na kong pakialaman. Ikaw na ang nagsabi noon, itigil ko na ang panliligaw ko dahil wala na akong mapapala sa'yo. Kaya umalis ka dyan, uuwi na ko." Winaksi ko ang hawak niya sa akin at dinampot ko ang gamit ko sabay umalis sa hospital. Tulo nang tulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak dahil ayokong magmukhang mahina sa harap nya. Mas lalo lang nila akong paglalaruan.
Dumeretso ako sa unit ko at pumasok sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang karton. Nilagay ko doon lahat ng gamit ni Ivy na nasa bahay ko. Damit, underwear, toiletries, coffee mug niya, lahat lahat. May duplicate ako sa bahay niya kaya pumunta ako doon at nilagay ko sa kwarto niya ang box ng gamit niya. Kinuha ko na din ang mga gamit ko na nasa bahay nya. Bago ako umalis ay iniwan ko ang duplicate ng susi sa may pinto nya at umalis na doon.
Bumalik ako sa unit ko. Nilock ko ang main door ko at nagkulong ako sa kwarto.
Nakakailang bote na ako ng alak kakainom pero wala pa ring tigil ang luha ko sa pagbuhos. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nawawalan ng luha na ilalabas. Baka bukas, hindi na din ako makaiyak.
"Ang daya niyo naman." Bulong ko habang nakatingala sa langit. "Naging masamang tao ba ako sa past life ko para masaktan ako nang ganito ngayon? Killer ba ko noon? Magnanakaw?"
BINABASA MO ANG
Every Beat Of Your Heart
FanfictionDeanna is a musician at a small resto bar. She makes a living by being the drummer of their group. Her life isn't as easy as what people see, but a grumpy woman made a major turn of events in her life. How would she handle the woman's attitude?