Chapter Fifteen - Deja Vu

1K 47 4
                                    













D E A N N A

"Asan na kaya si Jema?" Bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang nobya ko. Ang sabi niya sa akin nasa baba na siya pagpunta ko. Mapuntahan na nga lang sa taas

Kilala na ako ng guard dito sa building ng condo ni Jema kaya pinapayayan niya na akong maglabas masok. Nasa 40th floor ang unit ni Jema kaya sa pinakatuktok pa ko pupunta.

Nang makarating ako doon at nilabas ko na ang susi ko at sususian sana ang pinto pero bukas pala ito. Grabe talaga tong si Jessica hindi nanaman nag sasara ng pinto. Mamaya pasukin to rito nalagot na.

Balak ko na lang sanang gulatin si Jema. Nakita kong bukas ang ilaw ng kwarto niya kaya dahan dahan akong naglakad papunta doon at papasok na sana nang marinig kong may nagsalita.

"Mars, di naman sa nang-aano ako ha? Pero seryoso ka ba talaga diyan sa jowa mong crew?" Kung di ako nag kakamali ay si Kyla yung nagsalita, kaibigan ni Jema.

"Oo nga, te. Sure ka na ba don? Di na magbabago isip mo?" Tanong ng isang di ko kilala.

Sumilip ako at nakita kong apat sila sa loob. "Kaya nga, Jems. Marami pang iba dyan oh? Nandyan si Ella na isang taon ka nang nililigawan. Citizen ng New York, mayaman at may sinasabi ang pamilya. Maganda manamit at mukhang disente."

"Hindi tulad nung Deanna mo, mukha na ngang basura, mukhang wala ka pang magiging future don te sa totoo lang. Anong papakain sa'yo non? Burger? 2 piece chicken with spaghetti?" At nagtawanan sila.

Narinig ko naman ang tawa ni Jema. "Ano ba kayo? May nangyari na sa amin ilang beses na. Magaling siya sa kama, mga te. Kahit kayo hindi nyo pakakawalan kung ganon kagaling eh.'

"Eh ang tanong nga-- mahal mo ba? Ang lagay nyan parang parausan mo lang eh." Nagtawanan nanaman sila. Ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko.

"Pag nagsawa na ko ipapamigay ko na din yon. Sa ngayon, ineenjoy ko muna kasi mataas pa sex drive nya. Wala talagang tapon." Rinig kong sagot ni Jema na nakapag durog ng damdamin ko. "And for the record-- hindi ko gusto yung batang yon. Alam niyo naman ako, wala akong minahal kahit isa o maski ginusto man lang. I don't do shits like that, I just fuck and be free after."

"Deanna is just like.. my boy toy. I can do whatever I want with het as long as she's so crazy about me. Masaya siya, masaya ang pechay ko. Yun ang importante." Huling sagot niya na dahilan para gumuho ang mundo ko.





"Hindi ko naman siya totoong gusto. Napilitan lang ako magpaligaw sa kaniya. Nagagamit ko kasi siya sa kama.." Bumalik sa utak ko ang mga nangyari noon sa amin ni Jessica nang marinig ko ang sinabi ni Ivy.

Halos hindi pa nagsisync in sa utak ko lahat. Gusto kong tumakbo, gusto kong magwala, gusto kong awayin si Ivy pero hindi ko magawa. Wala akong lakas para awayin siya sa harap ng maraming tao. Hiyang hiya ako sa sarili ko, pakiramdam ko ang liit liit ko.

Dumeretso ako sa lockers room at doon ako humagulgol. Ang sakit ng dibdib ko, parang sasabog. Nanginginig ako na nangangatog ang tuhod ko. Naninikip ang dibdib ko sa sakit, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Halo halong emosyon nanaman ang nararamdaman ko. Bumabalik lahat ng sakit, nadadagdagan pa yung sakit. "Diyos ko, ano bang ginawa ko sa kanila para saktan nila ako nang ganito.."

Every Beat Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon