I V Y
Nagdadalawang isip pa ako habang nakatayo sa harap ng pinto ni Deanna. Kakatok ba ako o hindi?
Bago pa lumapat ang kamay ko sa pinto ay bumukas na ang pinto at tumambad si Deanna na mukhang bagond shower dahil amoy sabon siya. Ang pogi naman nito nakakainis!
"Bakit?" Takang tanong niya.
"A-Ah ano kasi.. Uhm-- magtethank you lang ako dito." at tinaas ko ang hawak kong mogu mogu at bucket ng munchkins. "Salamat pala."
"Walang anuman." Sagot niya at isasara na sana ang pinto pero di pa rin ako gumagalaw. "May sasabihin ka pa ba?"
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ano uhm.. gustomobangsumamasakinmagroroadtripako."
"Ano?" Gulong gulo niyang tanong.
"Magroroadtrip kako ako. Gusto mo bang sumama?" Nahihiya kong tanong.
Tinignan lang naman niya ako. "Wala ka bang pasok bukas?"
"Ah hindi naman tayo gagabihin, alam ko namang may pasok ka din bukas." Sagot ko. Hindi naman siya sumagot kaya napakamot na lang ako sa kilay ko at tumawa nang mahina. "Uhm okay lang naman kung hindi ka pwede. Alam ko naman na hindi pa tayo magkaayos, nagbaka sakali lang ako. Uhm, sige ha. Pasensya ka na and salamat ulit dito." Ngiti ko sa kaniya. Akmang aalis na sana ako nang pigilan niya ako.
"Saglit lang." Aniya. Ngumiti naman ako at nakita ko siyang pumasok sa bahay niya. Hinintay ko siyang makalabas. Pinagmasdan ko lang loob ng bahay niya, namimiss ko nang matulog sa loob.
Namimiss ko na siyang katabi.
"Tara." Bungad niya. Naka polo shirt na siyang itim at khaki na short at itim na tsinelas. Kailan pa natutong mag-ayos to? "Teka, magmomotor ba tayo?"
Umiling naman ako. "Mag sasakyan na tayo para mas enjoy natin mag joyride hehe."
"Okay." Tanging sagot niya. Nilock na niya ang pinto ng unit niya at nilahad ang kamay sa harap ko. "Akin na susi mo, ako na magdadrive."
"S-Sige." Nagpunta na kami sa sasakyan at sumakay na. Siya ang nagmaneho dahil yun ang sabi niya.
"San mo gusto magpunta?" Tanong niya. "Tagaytay?"
"Kaya ba ng oras?" Tumingin naman ako sa phone ko. Baka gabihin na kami sa daan nito. "Sa Antipolo na lang para hindi tayo gabihin."
At dumeretso nga kami sa Antipolo. May over looking kami na napuntahan kaya doon nagpark si Deanna. Since fortuner naman itong sasakyan ko, binuksan na lang naman yung pinto sa likod at doon tumambay. Nakatanaw kami sa city lights na napakaganda. Ganda pala dito lalo na pag gabi.
"Ang ganda dito no?" Pambasag katahimikan kong saad. Tumango naman siya at niyakap ang sarili niya, wala kasing dakang jacket. Inabot ko ang jacket ko sa backseat at inabot sa kaniya. "Suot mo yan, baka magkasakit ka sa lamig."
At ginawa naman niya. Kumakain lang kami ng munchkins at naalala kong may alak pala akong dala. Kinuha ko din yon at binigyan siya. "Para mawala ng onti yung lamig dito."
Nag iinuman lang kami pero walang nagsasalita. Nahihiya, naghihintay kung sinong mauuna.
"Deanna," Tawag ko sa kaniya. "Salamat ha?"
"Saan?" Tanong niya pabalik.
"Sa pagsama sa akin ngayon at pagbigay nitong mga pagkain kahit na hindi pa rin naman tayo okay." Sagot ko. Bahagya naman siyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Every Beat Of Your Heart
FanfictionDeanna is a musician at a small resto bar. She makes a living by being the drummer of their group. Her life isn't as easy as what people see, but a grumpy woman made a major turn of events in her life. How would she handle the woman's attitude?