Chapter Eleven - Closer

1.4K 64 17
                                    










D E A N N A

"Miss Sungit," Tawag ko kay Miss Sungit kaya naman lumingon siya. Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. "Ingat ka."

Ngumiti siya sa akin at tumango saka siya umalis. Pumasok na ulit ako sa bahay at niligpit ang unit niya. Dito kasi ako natulog kagabi, nag-inom kasi kami-- pero walang nangyari sa'min ha? Nirerespeto ko si Miss Sungit at tinutupad ko ang pangako kong hindi na ulit mangyayari 'yon nang lasing kami.

Habang nagliligpit ako ay may napansin ako sa lamesa. "Hala! Yung baon ni Miss Sungit."

Agad ko itong kinuha at lumabas ng unit. Nilock ko muna ito bago dumeretso sa motor ko. Saan nga ba ulit siya nagtatrabaho?

Hinanap ko pa kung saan ang office niya. Nakita ko naman ito at huminto sa gilid. Napaka laking gusali nito at may mga taong naglalabasan, iba't ibang uri ng damit ang suot nila. Halatang may kaya sa buhay. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang isa akong dumi. Napatingin ako sa suot ko, naka shirt at shorts lang ako tapos  suot ko ang crocs na bigay ni Miss Sungit sa akin. Hindi ko  alam kung anong mali sa suot ko pero hindi ko na lang ito pinansin at tinawagan si Miss Sungit. Sinagot naman niya ito, "Hello, Kulit? Mamaya ka na tumawag at nasa trabaho pa ako."

"Ah eh kasi nandito ako sa baba ng building niyo sa labas. Pwede ka bang bumaba saglit?" Sambit ko.

"Ha?! Anong ginagawa mo dito??" Gulat niyang tanong.

Napakamot naman ako sa noo ko. "Naiwan mo yung baon mo sa bahay, dinala ko lang kasi baka magutom ka diyan eh."

"Sige, sige bababa ako. Hintayin mo ko diyan." Pinatay na namin ang tawag at hinintay ko siyang bumaba. Maya maya'y palabas na din siya ng gusali. "Naabala ka pa tuloy. Hindi ko naalala to ah?"

Natawa nama ako. "Nagiging ulyanin na ang Miss Sungit ko."

"May kailangan ka pa ba? Aakyat na kasi ako eh baka may tumatawag na sa linya ko." Sagot niya. Umiling naman ako. "Salamat ulit dito, Kulit."

Tinapik ko ang balikat niya at lumapit para makipag beso. Hindi naman siya gumalaw kaya napatingin ako. Nakatingin siya sa mga taong nasa paligid namin na nakatingin ng kakaiba sa amin. "Una na ko, Miss Sungit."

"A-Ah sige, ingat ka pauwi." Hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na siya agad. Nagkibit balikat na lang ako at sumakay na sa motor ko dahil iba na talaga ang tinginan nila sa akin.

Nagmaneho na ako paalis at umuwi na. Habang pinapark ko ang motor ko ay nakasalubong ko si Tita Amy, ang landlady namin. "Good morning, Tita Amy!"

"Oh, magandang umaga din sa'yo, Deanna anak. Galing kang trabaho?" Umiling naman ako.

"Hinatid ko lang po yung baon ni Miss Sungit sa office niya, Tita. Naiwan niya kasi eh, baka kako magutom." Sagot ko. Napangiti naman siya.

"Nakakatuwa ang relasyon niyong mag nobya. Minsan nagbabangayan kayo, minsan naghaharutan pero hindi mawawala ang pagmamahal sa isa't isa." Nakangiting saad ni Tita Amy.

Natawa naman ako at napakamot sa noo ko. "Actually, Tita. Hindi po kami ni Miss Sungit. Magkaibigan lang po kaming dalawa."

"Totoo ba yan? Naku, pasensya na akala ko'y mag nobya kayong dalawa." Paumanhin ni Tita. "Simula kasi nang nakita kong kasama mo si Ivy ay akala ko may relasyon kayo. Kaya nung lumipat siya dito ay napaka saya ko dahil hindi na kita makikitang malungkot."

"Natatandaan ko kasi noon, simula nang hindi ko na nakikita dito si Jessica ay parati ka nang wala sa bahay mo. Uuwi ka gabing gabi o kaya'y madaling araw, aalis ka kinabukasan nang sobrang aga. Kapag naman off mo ay nandon ka lang sa bahay ng Tatay mo. Kaya naman nung unang beses kong makita na inuwi mo si Ivy dito ay talagang ako'y nagulat, hanggang sa lagi mo na siyang kasama at eto nga't lumipat pa dito." Paliwanag ni Tita kaya naman napakamot ako sa batok ko. "Pero, anak. Sa nakikita ko nama'y doon din kayo mauuwi. Iba kasi ang saya mo tuwing kasama mo si Ivy, kung nakikita mo lamang ang sarili mo ay painguradong ito din ang sasabihin mo."

Every Beat Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon