Chapter Ten - Reconcile

1.3K 61 16
                                    











D E A N N A

Bwisit na Beatriz yon ah? Buong araw ko tuloy iniisip mga pinagsasabi niya. Saka siya pala ang unang nagustuhang babae ni Miss Sungit?

Edi sana all.

Dahil hindi ako makatulog, sumilip ako kay Bea sa higaan. Nakatalikod siya at umaalog ang balikat. May sakit ba to?

Tumayo na ako at kinalabit siya. "Huy, Beatriz. May sakit ka ba? Bakit umaalog balikat mo?"

Nang humarap siya sa akin ay nagulat ako dahil umiiyak pala siya. Umupo ako sa kama at pinabangon din siya. "Anong problema? Bakit ka umiiyak diyan?"

"Hindi ko na alam kung paano kami magiging okay ni Cait, Deans." Humihikbing sagot niya. "Namimiss ko na siya pero ayaw niya pa rin ako pansinin."

Inaalo ko naman siya. "Baka nasaktan talaga si Cait, Bei."

"Gusto ko na siyang makausap, hindi ko alam kung paano. Ngayon lang kami nagkaganito, Deans." Humihikbing sagot niya.

Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak para mailabas niya ang nararamdaman niya. Maya maya din ay tumahan na siya. "Deans."

"Oh?" Sagot ko.

"Kung sakaling.. maging kayo ng Miss Sungit mo, ihanda mo saril mo ha?" Napakunot naman ang noo ko. "Hindi sang-ayon ang mama niya sa pagkakagusto niya sa babae, Deans."

"Muntik na maging kami ni Ivy noon. Nung nalaman kong gusto niya ako, nagkagusto din ako sa kaniya non. Nagdate kami, parang kami talaga pero walang label ganon. Hanggang sa nalaman ni Tita noon na may namamagitan sa amin, pinuntahan niya ako sa apartment ko non. Puro masaskait na salita inabot ko sa nanay niya. Hindi daw kami bagay, wala daw akong mapapatunayan sa pamilya nila, nakakadiri daw kung anong meron kami. Kaya hindi kami nagkatuluyan kasi ayaw ng nanay niya sa akin. Wala din magawa si Ivy noon kasi bata pa kami eh, sunud sunuran pa siya sa nanay niya non at takot siyang masira ang masayang pamilya nila. Kaya nung niligawan siya ni Harvey,  pumayag agad siya." Nakikinig naman ako sa kwento niya. Para naman akong natakot.

Napakamot naman ako sa kilay ko. "After non, si Jho na naging gf mo?"

"Oo tas nagbanda na din ako." Sagot niya. "Tas naghiwalay kami ni Jho, nakilala ko kayo tas naging kami na ni Caitlyn."

"Magkakaayos din kayo ni Caitlyn, tol. Sa ngayon, tulungan mo muna ako sa feelings ko." Sad ko.

Natawa naman sya.  "Ganito lang yan, Deans. Diba may nangyari na sa inyo? Pag nagkabati na kayo, obserbahan mo sarili mo. Kung gusto mo pa rin siyang nakikita at nakakasama. In that way, malalaman mo kung lust o love ba talaga yang nararamdaman mo."

"Bei, hindi naman ako ganong klase ng tao na tawag ng laman lang ang habol." Sagot ko.

"Yun nga, Deans. Kaya tignan mo yang mararamdaman mo pag bati na kayo. Marerealize mo din yan, Deans." Sagot niya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako. Gusto na ba talaga kita, Miss Sungit?

"Nagugutom ako, Bei. Punta tayong 7/11." Aya ko sa kaniya. Tumayo na kaming dalawa at nagsuot ng jacket. Nakapantulog na kasi kami.

Nilock ko ang pinto at umalis na kami ni Bei. Walking distance lang naman ang 7/11 mula sa compound namin. Naghiwalay kami ni Bea sa loob ng 7/11 dahil maghahanap kami ng sarili naming pagkain. Dumeretso ako sa likod, sa mga inumin. Kumuha ako ng mogu mogu, favorite flavor namin ni Miss Sungit itong lychee. Kumuha din ako ng siopao, chips, cup noodles at sisig. Ewan ko, nagugutom talaga ako.

Every Beat Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon