Sabog na sabog ang liwanag ng buwan at nagmistulan itong araw sa kalagitnaan ng gabi. Gayon pa man ay nahihirapan pa rin akong maglakad dahil medyo tipsy na ako. Kaunti naman 'yung ininom ko sa loob ng sayawan. Hinala ko na lasing ako sa milk tea na pinainom sa akin ni Bong. Pilyo talaga ang lalaking iyon. Pagkatapos niya akong dalhin sa pastulan ng baka, kahit madilim ay pinasubo niya ang lalagyan ng milk tea daw. Sinubo ko naman, may trust kaya ako sa kanya. Ayun tuloy, halos mabulunan ako dahil sa rami nang pinainom niya.
Medyo nag-shake 'yung muscles ko sa katawan nang makaramdam ako nang panlalamig nang umihip ang malamig na hangin. Nakakinis lang kasi nag-iisa na ako ngayon. Bigla kasing kinain ng kadiliman ang mga kasama kong bakla kanina. Ito tuloy, mag-isa na lamang akong umuwi. Pero kery lang dahil medyo hindi naman malayo 'yung bahay namin mula sa sayawan. Upang marating ang bahay namin, aakyatin ko muna ang Mt. Apo, lalangoy sa Anggat dam at sampong tambling sabay split sa huli.
"Dong," halos lumipad ang kaluluwa ko nang makita ang isang matanda sa harapan ko. Para akong nag-ice bucket challenge at kara-karaka akong nahimasmasan. At isa pang nakakagulat doon ay tinawag niya akong 'dong' gayong nakasaya, naka-tube at ang ganda nang bagsak ng long hair ko.
"La, ang lakas naman nang trip ninyo!" Halos habol ko pa ang hininga habang hawak-hawak ang matambok kong dibdib. "Saan po ang gala natin ngayon? May meet ups kayo?" Biro kong sabi sa kanya.
"Kailangan ko ang tulong mo, Dong." Medyo garalgal 'yung boses niya. Parang sinakop na ng plema ang respiratory system niya.
"Tulong? Ano po 'yung problema ninyo?" Pagkatapos kong magtanong ay ika-ika siyang lumapit sa akin. Napalunok naman ako ng laway ng isang dangkal na lang ang layo naming dalawa.
"Pagod na ako," nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Bigla niyang hinawakan ang kaliwang braso ko at naramdaman ko ang bigat niya.
"Aray, aray, ang bigat n'yo po, Lola." Agad ko namang hinawakan ang kanang siko niya para akayin siya. Para na kasi siyang babagsak sa lupa. "Pagod na kayo 'di ba? Bakit pa kayo gumala? Sana maaga kayong natulog kanina, Lola."
Tuluyan nga siyang lumuhod. Sinabayan ko naman ang trip niya at lumuhod naman ako. Halos matanggal at mahulog sa lupa ang mata ko sa nakita. Bigla niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa loob ng kanyang bra.
"Dong, tanggapin mo 'to." Halos malunok ko ang dila sa inabot niya galing sa loob ng kanyang bra. Hindi ako sumagot. Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilagay niya ang isang may kaliitang pulang bato. Naging sasakyan sa EDSA ang mga neurons ko dahil halos hindi ito gumagalaw kaya hindi ako makapag-isip nang matino.
"Ano 'to, Lola?" Ang magtanong na lamang ang naisipan kong gawin.
"'Yan ay ang pulang bertud." Napakunot tuloy ako ng noo. Gusto kong tumawa sa sinabi ni Lola. Kaloka! Siya ba ang nawawalang Madam Bertud?
"Lunukin mo iyan." Kusang gumalaw ang kamay ko na parang na hipnotismo. Parang milk tea na ininom ko kanina ang lasa ng pulang bato. Medyo maasim na may kaunting tamis.
"Nalunok ko na po." Walang kamuwang-muwang kong sabi.
"Finally!" Biglang sigaw niya. Gayang-gaya pa niya 'yung advertisement ng Ariel.
"Aray," napahawak ulit ako sa dibdib. Biglang uminit ang buo kong katawan na sinabayan ng mala-ilog kong pawis.
Halo-halong pakiramdam ang naramdaman ko sa kaibuturan ng aking kalamnan. Halos lahat ng parte ng katawan ko ay sumakit. Halos sasabog na ang mga ugat ko sa buong katawan. Naramdaman ko ring humaba ang ilan sa mga ngipin ko. Ano itong nangyayari sa akin, hindi ko maintindihan!
"Ikaw na ang bagong boss ng bertud. Ikaw ang magpapatuloy sa nasimulan kong tuwid na daan! Tulungan mo ang higit na nangangailangan at ang mga inaapi. Protektahan mo ang bansa sa mga mananakop. Panatilihin mo ang kapayapaan sa bansa sa abot ng iyong makakaya! Simula ngayon, tatawagin kang... Super BB!"
Narinig ko ang sinabi ni Lola habang nakalutang ako sa hangin at pinapaligiran ng mga lumilipad na paniki. Alam ko na kung anong klasing bertud ang ibinigay niya sa akin. Nakakatawa lang isipin dahil ni isa wala man lang akong nakita sa telebsyon at sa mga pelikula na isang bampera na bakla. Ako pa ang kauna-unahan magsusuot ng korona at tatanggap ng award.
"But take note, I'm not just an ordinary Vampire because I am Super BB... Super Bamperang Bakla! Ansabe?!"
