"Johong! Ano'ng ginagawa mo r'yan?" tanong ni Jahasmine sa akin habang nakapamaywang pa.
"Malamang, sumisipsip ng dugo. Bulag ka ba?" balik ko naman sa kanya. Ayaw na ayaw ko sa lahat 'yong iniistorbo ako lalo na kapag kumakain.
"Ew. That's so gross! Yuck," maarte niyang tugon.
"Anong ew doon? Bakit, hindi ka ba kumakain ng dugo? Tsk. Tsaka dugo pa rin naman 'to 'no." Kahit kailan talaga ang arte nito. Palibhasa kasi mayaman kaya palaging fresh na dugo ang kinakain nila.
"Tara na nga at sa amin ka na lang kumain. Bitawan mo na 'yang hawak mong Modess o Whisper o kung ano mang brand n'yan. Kadiri, e." Nagpantig naman ang magkabilang tainga ko kaya napabitaw ako sa hawak kong Sisters. Agad kong ipinunas 'yong kamay ko sa laylayan ng t-shirt ko saka tumakbo papunta sa kanya.
"Mali ka! Sisters kaya 'yong hawak ko," pagtatama ko naman kaya nakatanggap ako ng isang malutong pa sa chicharon na batok.
Pero heaven talaga kapag may kaibigang mayaman. Nakakalibre ka lagi ng pagkain.
Habang naglalakad kami, may narinig kaming sumisigaw mula doon sa eskinita malapit sa MGM Grand.
"Towlowngan n'yow akow! Towlong!" Pagsilip namin, nakita namin 'yong grupo ni Bihimboy the frog este the dog na malapit nang lapain 'yong babae.
"Mukhang may mabibiktima na naman sila Bimb," ani Jahasmine na mukhang nag-eenjoy pa sa panonood. Lalapit na sana ako para tumulong nang biglang magliwanag ang kalangitan. Kasabay no'n ang paglabas ng tatlong anghel na pinagsukluban ng langit.
"Ako si Renesmee!" aniya ng baklang nakapulang jeggings at naka-stripes na polo.
"Ako naman si Alice!" dugtong no'ng nasa gitna na naka-shorts na asul at checkered na polo.
"At ako naman si Menga!" aniya ng ikahuling bakla na bukod sa hindi ko maintindihan ang pananalita, hindi ko rin maintindihan ang porma. Napangiwi naman kaming dalawa ni Jahasmine at pati na rin ang grupo nila Bihimboy.
"Sino naman kayo, aber?" angal naman ni Bihimboy saka tinignan mula paa hanggang paa ay— ulo pala— 'yong tatlong kafederasyones.
"Hindi mo ba kami nakikilala, Jihinggoy?" tanong ni Alice. "Girls, formation." Napakunot naman ang noo ni Bihimboy sa narinig. Nagdikit-dikit sila at sabay-sabay na tumungo. Bigla namang tumunog ang theme song ng Ariel na sebenpipty pa rin ayon sa commercial. Sumayaw sila na parang nagka-cramping at mayroon pang nag-head stand ngunit biglang napasigaw si Angice este si Alice. Buwiset na ngongo 'yan, pati tuloy ako nahahawa.
"Ahh!" sabay hawak nito sa kanyang ulo. Napalapit naman ang mga kasama nito.
"Girls, mukhang mali tayo ng napuntahang lugar." ani Alice na bakas ang hiya sa mga mata nito. Naglupong-lupong naman ang tatlo na animo'y napakahalaga ng pinag-uusapan.
"Tara na, Johong. Wala tayong mapapala sa mga baklang 'yan," aya sa akin ni Jahasmine. Hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa paglalakad palayo doon sa eskinita.
Pagkarating namin sa bahay nila, nakita kong napakaraming putahe ng dugo ang nakahain sa mesa. Mayroong dinuguang dugo, nilagang dugo, bloody omelet at may spaghetti na ang sauce ay dugo.
"Sakto pala ang dating n'yo at nakahapag na. Halina't kumain tayo," aya sa amin ng mama ni Jahasmine na si Tita Rohose. Agad naman akong pumuwesto sa tapat ni tita saka sumandok sa lahat ng putahe.
"Aba, Johong? Gutom na gutom?" ani Jahasmine na naupo naman sa aking tabi. Nakita ko naman ang mahinang pagtawa ni tita at ang pag-iling ni tito habang nakangiti.
"S'yempre. Biyaya ito ni Lord kaya hindi puwedeng tanggihan," sagot ko naman saka naghanda sa pagkain. Susubo na dapat ako ng biglang,
"Hoy, Johong gising! Tanghali na't tetengga-tengga ka na naman sa kama mo. Maglinis ka nga roon at pagkatapos ay mamulot ng Whisper sa Ilog Pasig para naman may makain tayo!" sigaw ni inay saka ako pinaghahampas ng unan.
Panaginip lang ang lahat? Hindi maaari!