-PROLOGUE-
Mahirap mabuhay sa mundong punong puno ng mga zombies. Oo, mahirap talaga. Marinig, makita't maamoy ka lang nila ay agad ka nilang lalapitan at susunggaban upang kainin ang iyong laman. Makagat ka lamang ay magigi karing isa sa kanila kung hindi ito maagapan.
Ako ay nag lalakbay upang makaligtas sa mga zombies na ito kasama ang aking mga kaibigan. Tumakbo kami, lumaban kami, at pinilit na makaligtas sa mga zombies.
Habang nakasakay na ako sa sasakyan, bigla kong naalala ang simula ng pagkakaroon ng mga halimaw na ito. Napakanormal ng buhay nayon dati. Masaya, maraming mga tao, malinis ang simoy ng hangin. Ngunit lahat ng ito ay nag bago. Namiss ko rin yung ganoong buhay, sa sobrang pagkamiss ko sa nakaraan ay napaluha ako. "Oy! Marky! Umiiyak ka nanaman Ah!" Sambit ng aking isang kaibigan. "Wala! namiss ko lang yung dati." sabi ko. "Sige take your time!" dagdag ng isa ko pang kaibigan.
Nagpatuloy kami sa pag lalakbay sa kawalan upang ipag laban ang aming mga buhay.
BINABASA MO ANG
Struggling to Survive the Undead (Zombie Apocalypse in the Philippines)
HorrorNoong normal pa ang buhay, mahirap na mabuhay lalo pa't mag isa lamang ako. Ngayon, nagkaron pa ng letcheng zombie apocalypse lalo pang humirap ang buhay. Araw araw, mga nabubulok na bangkay ang kinakalaban ko. Ako'y isang labing anim na taon gulang...