Pagkasilip ko sa silipan ng pinto ay agad akong nagulantang. Isa itong matandang lalaki na sugatan at balibali ang buto, kamukha siya ng mga zombies na napapanood ko sa mga movies kaya nag dalawang isip ako kung tao siya o hindi. "Guys! tignan niyo nga to kung zombie itong nakita ko" Sabi ko. "Wait Marky! CheCheck ko lang" Sabi ni Angelo. Sinilip nila itong lahat upang makasiguro at siguradong sigurado kaming ito'y isang zombie. "Nakakatakot naman!" Sambit ni Angelica habang nanginginig sa takot habang ito naming si Ashe ay parang nag tatapang tapangan kahit halata naman sa kanyang expresyon na takot na takot na talaga siya. "Mabuti siguro kung pumasok muna tayo sa kwarto ni Marky at pagplanuhan natin ang dapat gawin." Payo ni Angelo. "Mabuti pa nga!" sambit ni Eric. Bago kami tumungo sa aking silid, ibinuhat naming ang mga mabibigat kong mga gamit sa pinto upang pigilan ang mga zombies sa pagpasok, matapos no'y kinuha naming sa sala ng apartment lahat ng pwede naming gamiting pamuksa gaya ng mga tubo, kutsilyo at iba pa.
Nag tungo kami sa aking kwarto at nagpulong kami kung ano ang kailangan naming gawin. "Ah, guys! Ano plano?" Tanong ko sa kanila. "Aba malay ko!" sagot ni Ashe samantalang si Angelica ay hindi makapagsalita sa takot na nadarama. "Mabuti siguro kung tayong mga lalaki ay gagawa ng mga armas na gagamitin natin at ang mga babae naman ang mag aayos sa mga kakailanganin natin sa paglalakbay." Sambit ni Eric. "Magandang idea" sabay naming sagot ni Angelo.
Bawat materyales na nalikom naming sa salas ng apartment ay pinag tipon tipon naming. Mayroong 2 kutsilyo, 3 matitigas na tubo na galing sa pinagsasabitan ng kurtina, isang Piraso ng mahabang kahoy at duct tape. Pinag sama naming ang mga kutsilyo at mga tubo gamit ang duct tape at nakagawa kaming para sibat mula sa mga ito. Isang matigas na tubo ang natira kaya naisipan naming balutan itang duct tape sa dulo nito para magkaroon itong handle. Ang kahoy naman ay napagpasyahan naming patulisin ang dulo gamit ang mga kutsilyong nakalagay sa tubo. "Ayan apat na! Pero pano yan? Lima tayo!" Alalang sambit ni Angelo. "Huwag kayong mag alala sainyo nalang ang mga yan may baseball bat naman ako diyan sa ilalim ng kama ko." Pinag malaki ko sa kanila. "Wheewsh! Mabuti naman!" sabi ni Eric.
Sina Angelica at Ashe naman ay nag ayos ng aming gagamitin. Inayos at ibinalanse nila ng mga numero ng pagkaing meron kami, buti nalang namili kami kanina. Bawat wag naming ay inalisan nila ng gamit pang paaralan at nilagyan nila ng mga pagkain at tigisang maiinom sa bawat bag. "Guys! Tapos na kami ni Ashe!" sabi ni Angelica. "Sige! Eto narin ang mga armas na ginawa naming." Pagmamalaki ni Eric. Bawat isa samin ay namili na ng mga armas na angkop sa gusto namin. Siyempre ako yung baseball bat na yung akin, kay Eric napunta yung matigas na tubong may duct tape handle, kay Angelo naman napunta yung kahoy na marahil na mas angkop sa kanya dahil sa kanyang malaking katawan. Ang dalawa naming babae ang nakakuha sa dalawang tubo na may kutsilyo.
"Ano? Tara na ? Ready na tayo e.!" Pag aaya ni Eric. "Masmaganda kung ipagpabukas na natin para bukas medyo tapos na yung riot. Kaylangan din nating magpahinga para may lakas tayo!" Sambit ni Angelo at kaagad naming sumangayon ang dalawang babae na ipagpabukas ang pag alis. Napatango nalamang si Eric dahil ito ang desisyon ng lahat. "Pano naman tayo makakasigurong ligtas tayo sa pagtulog?" tanong ni Eric. " Pwedeng magpalit palit tayo ng shifts kung sino mag papahinga at sino mag babantay." Aking mungkahi. Matapos ang mahabang diskusyunan ay minabuti naming mag pahinga para bukas.
Makalipas ang ilang oras ay nagumaga na, nakapaghangina na rin kami kaya napagdesisyunan na naming maghanda na para makaalis na kami ng apartment. Napansin kong wala na palang kuryente nang subukan ko isindi ang mga ilaw.Bago kami lumabas ay minabuti naming sumilip sa labas upang obserbahan ang paligid, naroon parin yung matandang lalaking zombie na nagpupumilit pumasok kagabi. Mukang naging masmapayapa na ang lugar ngayon kesa kagabi ngunit halatang nagkaroon ng malaking kaguluhan sa labas at parang ginera ang lugar. Hindi kami nagpakakampante dahil mayroon paring mga zombies sa labas.
BINABASA MO ANG
Struggling to Survive the Undead (Zombie Apocalypse in the Philippines)
TerrorNoong normal pa ang buhay, mahirap na mabuhay lalo pa't mag isa lamang ako. Ngayon, nagkaron pa ng letcheng zombie apocalypse lalo pang humirap ang buhay. Araw araw, mga nabubulok na bangkay ang kinakalaban ko. Ako'y isang labing anim na taon gulang...