Struggling to Survive the Undead 4 : Survivor spotted

42 0 2
                                    

-Angelica-

Nakita namin ang tatlo naming lalaking kasamahan. Agad namin silang tinulungan, tinusok namin ang mga ulo ng mga zombies na nagpupumilit kumagat sa kanila. Agad namang bumulagta ang mga ito. "Salamat !!" sabi nila saamin. " Kung hindi pala kami dumating baka kaming dalawa nalang ni Angelica ngayon." giit ni Ashe. "Buti pinilit kita! HAHAHA" sabi ko naman.


-Mark-

Mabuti at nailigtas kami nila Ashe, kung hindi baka isa na kaming zombies ngayon nila Angelo't Eric. Ilang sandali lang ng pag ke kwentuhan namin ay nakalimutan kong isarado ang pinto ng tindahan. Di namin namalayan na pumapasok na ang mga Zombies dito. Pinag papalo namin ang mga ulo ng mga nag pumilit pumasok at nang medyo mabawasan sila ay isinara namin ang pinto at nilagyan itong harang ng mga mabibigat na bagay gaya ng mga lamesa, box at iba pa para di nila mabuksan. "Muntik na tayo roon!" Sabi ko. Napakadilim na roon dahil naisarado na namin ang pinto. May nakita akong emergency light na nakasabit dun, huh, buti nalang. "Guys! may naaninag akong emergency light dun! Tara sindihan natin. Kumuha agad kaming patongan at saka ako tumayo roon upang abutin ito, nagawa kong pindutin ang isang buton at biglang lumiwanag. " May charge pa pala yan, HAHAHA" sambit ni Eric. "Oo naman, kahapon lang ata nawalan ng kuryente e." dagdag naman ni Angelo. "Gutom na kooooo!!!!" Sambit ni Ashe. "Ay shit! Yung mga bag natin! Nasa sasakyan!" Sabi ni Angelica. "Ade kunen!" Sabi ko. "Ade kunen? Pano napakaraming zombies dun!" tanong nila. Agad kong itinuro ang mga baril at mga pampasabog na naroroon. Kinuha na namin ang mga baril at nilagyan ang mga ito ng bala, puro armalite at tad tad ang kinuha namin para killing spree hahaha. Inalis na namin ang mga harang sa pinto. "1...2...3...go!" Senyas ko at binuksan na ni Eric ang pinto. Mga zombies ang tumambad samin. Napakarami nila ngunit di namin ito inalintana dahil may baril na kami at maraming bala. halos maubos namin sila pero hindi na namin ginawa kasi kaya naman naming dumaan na roon dahil kakaunti nalang sila. "Kami na lang ni Angelo ang pupunta sa sasakyan, Eric, bantayan mo sila." Utos ko. Tumakbo kami ni Angelo sa sasakyan. Inistart ko ito pinaandar ko ito at itinapat ang pinto nito sa pinto ng tindahan. Bumaba kami at kinuha nanamin ang mga bag para makakain na kami, pansamantala kaming nanatili rito upang mag pahinga. Kinabukasan ay isi nilid namin lahat ng baril at bala sa sako at saka namin ito inilagay sa loob ng sasakyan.


-Mark- 

Nang makapagpahinga na kami, inilagay na namin sa sasakyan ang mga natitirang baril at sumakay na sa sasakyan. "Guys! Gutom na ulit ako tas naubos ko pa yung pagkain ko kagabi." wika ni Eric. "Tiisin mo muna kaya noh !"Sabi ni Ashe. Pagkasabi ni Ashe ay biglang tumunog ng malakas ang kanyang sikmura na tila senyales ng pagkagutom. "Kitam! Gutom ka na rin ano!" Kutya ni Eric. "Shattap Erec!" pabanas na sambit ni Ashe, matapos sambitin ito ni Ashe ay agad niyang pinag papalo ang balikat ni Eric. "Ayieeeeeeee!!! AshEric nanaman . Yun oh!" Paasar na sabi ni Angelica. "HAHAHA!" hagulgol namin nila Angelo sa kakatawa. "Angelo! dali bilis! Hanap ka na foods, I'm so gutom na!" sabi ni Ashe na paarte. "foods tho!"Asar ulit ni Eric. "He! manahimik :p" Sabi ni Ashe. Natawa nanaman kami dahil sa pambabara ni Ashe kay Eric.


-Angelo-

 Nagutom na kami pero di parin kami nakahanap ng pwedeng mapag kunan ng pag kain. Sa aking pag da drive ay may napansin kaming isang babaeng nakatungtong sa ibabaw ng isang Suv. Ang sasakyang Suv ay napaliligiran ng napakaraming mga zombies. "Tara guys! ligtas natin yun! May baril naman tayo e. marami pa!" Sabi ni Marky. Itinigil ko ang kotse at nagsikuha kami ng mga baril. "Pano namin to gagamitin?" Tanong ni Angelica. "Kung pano humawak ng baril yung mga nasa movie. Ganon siguro yun." Sabi ni Eric. "Basta kung pano yung ginawa niyo dun sa gunstore kahapon." Sabi ko.


-Eric-

 Bumaba na kaming mga lalaki habang ang mga babae naman ay nasa kotse at bumabaril. amrami naring zombie noon nung lumabas kami kaya patuloy kami sa pag baril. Minabuti naming ipatama ang mga bala sa mga ulo ng mga zombies upang mapatay sila agad agad. sa aking pag ka pokus sa isang direksyon sa pag baril, di ko namalayang may lumapit na palang zombie sakin at dinaganan ako sa sahig, tumalsik ang aking baril at hindi ko na ito nagawang abutin kaya pinigilan ko nalang ang zombie sa pagkagat sakin .


-Ashe-

Naging abala ako sa pag babaril ng mga zombies at di ko namalayan na dinadaganan na pala si Eric ng mga zombies. Agad ko silang pinag babaril ngunit sadyang hindi ako magaling bumaril at kaunti lang ang napatumba ko. "Oy! si Eric Tulungan niyo , I can't kill the others. I'm really bad at baril baril so you help him instead." sambit kong medyo tumataglish pa. Agad naalarma si Marky kaya pinag babaril niya ito at nagawang pag babarilin ang mga zombies dahil sa lapit ng distansya niya kay Eric.


-Mark-

 Napatumba ko na ang mga zombies na dumagan kay Eric, agad naman siyang bumangon at inabot ang kanyang baril upang bumalik sa pakikipagbakbakan. Sa tindi ng aming pag baril ay nagawa naming bawasan ang mga numero ng mga zombies na cumokorner sa babaeng nakatungtong sa itaas ng sasakyan. Tinulungan siya ni Angelo bumaba at agad na kaming bumalik sa katse at pinabayaan na ang mga natitira pang zombie. "Anong pangalan mo?" Tanong ko sa babae habang nag mamaneho. " Ang pangalan ko ay.....".


Malalaman natin ang pangalan ng babae sa susunod na chapter.


Please, if interested in fantasy. Kindly view my friend's story -> http://www.wattpad.com/story/13597342-magic-academy

Thanks :)


Guys! Salamat sa Pag babasa. Sana abangan niyo pa ang susunod na chapter. Please paki Favorite ang chapter at mag comment. Salamat :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Struggling to Survive the Undead (Zombie Apocalypse in the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon