Struggling to Survive the Undead 1 : Ang umpisa ng Zombie apocalypse.

74 2 0
                                    

Ako si Mark Anthony, isa akong labing anim na taong gulang. Ako ay namumuhay magisa sa isang maliit na apartment, ang aking pangangaylangan ay nasusustentohan dahil na rin sa tulong ng aking tita at mga tiyuhin.


"Riiing-Riiing". Ako'y napabulalas mula sa aking pagkakatulog nang marinig ang malakas na tunog ng aking orasan. Oras na siguro ng aking pagpasok sa eskwelahan. Nag umpisa na akong maligo at pag katapos no'y nag bihis na akong unipormeng pang eskwela. Mabilis ako nag ayos at pumunta na sa kusina upang kumuha ng tinapay sa aking maliit na refrigerator at lumisan na sa aking apartment.


Naglakad na ako papunta sa aking pinapasukang eskwela, tutal malapit lamang iyon sa aking apartment. Ang simoy ng hangin ay napakasarap sa ilong at kitang kita mo sa kalangitan ang maaliwalas na panahon. Mga ibon ang maririnig mo kasabay ng ingay ng mga sasakyang papunta sa iba't ibang destinasyon


Naglakad ako at sa wakas, nakarating na ako sa aking kapupuntahan, ang eskwelahan. Saktong pag ka rating ko sa aming classroom ay tumunog na ang bell ng paaralan na sumisimbolong, "Oras na ng pag-aaral".


Makalipas ang ilang oras ay nakamit na ng mga estudyante ang pinaka inaasam asam na parte ng klase, ang lunch break. Bago ako lumabas ng silid aralan ay inaya ko muna ang aking matalik na kaibigan na si Eric na pumunta na sa canteen. "Tara! Eric!" sambit ko magkatapos ko siyang kinalabit. "Sige!" ang sagot niya sakin. Kami ni Eric ay naglakad na patungo sa canteen. " Marky! Pupunta daw ba kaming tropa mamaya sa Apartment mo? Ano payag ka?" Patanong na wika ni Eric. " Kayong bahala! Ayos lang naman sakin! Wala rin naman akong kasama dun e. HAHAHA" Wika kong pagalak. " Sige pagusapan nalang nating tropa sa canteen, malamang naroon na siguro sila" sabi ni Eric.


Nang makarating kami sa canteen dala ang aming mga baonan ay kaagad naming nakita ang iba pa naming ka tropa na nagsisimula ng kumain sa isang lamesa ng canteen. Pinuntahan namin ang lamesang pinagkakainan nila at kaagad kaming umupo." Kayo naman inunahan ninyo kaming kumain ni Eric" wika kong pabiro. "Ang bagal niyo kaya, ano? Napagod na kaya kami nila Angelica at Ashe sa kakahintay sainyo, HAHAHA" patawang sinambit ni Angelo, isa ko pang lalaking tropa. "Oo nga! Bat ba kasi kayo nagtagal?" dagdag ni Ashe. "Abe nakipagkwentuhan pa kasi itong si Eric bago ko naayang sumama na." sabi ko sa kanila. "Oy, sandali lang naman yun, he he he!" palusot nitong si Eric. " Oy, Marky! Tulyo ba sa apartment mo mamaya?" Tanong ni Angelica. "Aba'y oo naman, wala naman akong kasama dun e." sabi ko. "Ade tuloy na ah, mamayang uwian, kita kita sa gate ng eskwela" sabi ni Angelo. Matapos noon ay nagkaron pa kaming mahahabang kwentuhan hanggang tumunog na ang bell na senyales na kailangan na naming bumalik sa aming silid-aralan. Isinara ko na ang aking kainan at nagpaalam na kami sa isa't isa. "Mamaya nalang, ah?" sambit ko. "Sige, sagot nila saakin.


Makalipas and ilang oras mula ng lunch break, tumunog na ang bell at ang mga estudyante ay nagsimula ng tumungo papalabas ng paaralan upang umuwi na sa kani kanilang mga bahay. Hinintay ko doon sa gate ang aking mga ka tropa, isa-isa silang nag si datingan. "So, ano na?" Tanong ni Angelica. "Ade bibili muna tayong mga foods sa 6/24, ano pa ba?" sagot ni Ashe kay Angelica."Wow! Talagang "foods" pa talaga yung pagkakasabi!" Biro nitong si Eric. "HAHAHAHAHAHA" napatawa nalang kami ni Angelo sa pagkakasabi ni Eric sa kanyang corning biro. "P*nyeta ka talaga Eric!" ganti nitong si Ashe. "HAHAHAHA" napatawa talaga kaming tropa sa lutong ng murang inabot ni Eric kay Ashe. " Sorry na po!" pabirong pagsosorry ni Eric kay Ashe. " Sige, libre mo muna ko. MWHAHAHAHA!!" sambit ni Ashe.


Nag desisyon kaming tumungo na sa 6/24 upang mamili ng mga pagkain at ilang maiinom. Matapos naming mamili ay tumungo na kami sa aking Apartment.


Pumasok na kami sa aking Apartment. Pumasok na kami sa aking silid at nagsimulang magplano kung ano na ang gagawin. "Pano kaya kung mag Card Games tayo, Pahiran ng polbo, ano? Game?" pagaaya ni Angelo. Lahat kami ay pumayag mag laro, bumuo kami ng isang bilig at inilabas na ni Angelo ang mga barahang dala niya. "Buti may dala ka?" tanong ko kay Angelo. "Syempre! Alam ko namang pupunta tayo dito e. HAHAHA." Pagmamalaki ni Angelo. "Aba loko! Magaling HAHAHA!" sambit ni Angelica. Lahat kami ay nagtawanan dahil sa pagiging praktikal ni Angelo.


Naglaro kaming iba't ibang mga laro gamit ang mga baraha hanggang napansin ko na mag fa-five pm na pala. "Guys,mag fa-five na pala, HAHAHAHA. Bilis ng oras!" Paalala ko. "Hah?! Five pm na?! Wait lang! Ah, Marky, pwede ko bang bukas yung t.v mo, mag uumpisa na kasi yung paborito kong palabas?" Sambit ni Angelica. "Sige!" sabi ko.


Tumungo si Angelica sa kinatutungtungan ng aking telebisyon. Pagkabukas ng t.v, may isang balita and ipinapalabas, ililipat na sana ni Angelica ngunit pinigilan ko siya dahil ako ay naalarmang kaylangan naming malaman ang nilalaman ng balitang iyon.


Nakita naming sa balita na ang mga tao ay nagkakagulo, tila ba parang may riot. Nagulantang kaming lahat nang ipinakita sa balita na isang tao, kinakain ang nakahandusay na katawan ng kanyang kapwa. Napukaw ng sumunod ng sumunod na pangyayari ang aming atensyon. Ang reporter na nag rereport sa lugar ng kaguluhan ay sinunggaban at nilamon ng mga duguan at sugatan na tao na tila ba parang mga Zombies.


Ilang sandali kaming natahimik bago magsalita si Ashe. "Guys! Tignan niyo to! Nagkakagulo na sa labas oh!" pabulalas na sambit ni Ashe. Lahat kami ay napatingin sa bintana, nakita namin ang kaguluhan sa labas . Tanging takot ang nanaig sa aming puso sa puntong ito ng aming buhay.


"BANG! BAM! BAM!" mga malalakas na kalabog na narinig naming nanggagaling sa pinto ng aking apartment. Minabuti naming itong tignan kung sino o ano ito. Sumilip ako sa silipan ng pinto upang makita kung sino o ano ito. Sino kaya iyon? Ating malalaman sa susunod na chapter.


Sana nagustohan niyo po, comment and favorite kung nagustohan niyo po. Thanks :) sana basahin niyo pa po yung susunod na chapter :)





Struggling to Survive the Undead (Zombie Apocalypse in the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon