CHAPTER 53
Aika's POV
Tatlong buwan na ang nakakalipas ... at sa loob ng tatlong buwan paulit-ulit lang ang nangyayare sa buhay ko . nawalan na ako ng gana simula ng iwan niya ako .... Wala kaming personal break-up pero sa mga sinabe niya saken noon sapat na para malaman kong ayaw niya na sakin ... okay na ako sa mga kaibigan niya . nalaman na nila yung tunay na dahilan ko . nalaman na nila yung katotohanan .... pero siya ilang beses akong nag tangkang lumipat sa kanya at mag paliwanag pero hindi pa rin niya ako pinagbigyan . para na lang akong hangin sa harapan niya T_T ..... Hindi na ako lumalabas ng kwarto . lagi na akong nakakulong . iiyak kapag naaalala ko ang mga masasayang bagay na nangyare samen .. hindi ko pa masabi kina mama ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito .. pansin ko rin naman ang pagbabago ko . mas pumayat at wala ng buhay ang aking mga mata't labi ... hindi ko na nagagawang tumawa sa harapan nila palaging tulala at malayo ang iniisip .. wala akong balita sa kanya . hindi na rin kami friend sa fb .... lahat talaga ng komonikasyon inalis niya . nag palit na rin siya ng number .... lahat namimiss ko sa kanya ... minsan hinihiling ko na sana huwag na lang akong magising ... na sana mawala na tong sakit sa puso ko . dahil hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't nasanay akong sa kanya lang umiikot ang mundo ko T_T .....
knock ... knock ...
" best ? " sigaw ni best
" bakit best ? " tanung ko . binuksan ko na yung pinto .
" kakaen na . " sagot niya .
" ah sige sunod na lang ako best . " sagot ko sa kanya .
" sige . susunod ka ah ? " paninigurado niya . ngumiti ako sa kanya .
" opo " sagot ko
" ayan ngumiti kana . mauna na ko sumunod ka na lang . " ginulo niya yung buhok ko ... sinara ko na ulit yung pinto ... hays ! ang gulo ng kwarto ko -_- nag-ayos lang ako at bumaba na para kumaen ...
" hi ma " bati ko kay mama .
" hi anak . maupo kana at kumaen na tayo . " saad niya . naupo na ko at kumaen ...
" wala ka bang pupuntahan ngayon anak ? " biglang tanung ni mama
" wala po ma . bakit po ? " sagot ko
" wala naman . napapansin ko lang lagi ka na lang sa kwarto mo hindi kana lumalabas ng bahay . may nararamdaman ka ba anak ? " komento ni mama
" ah . wa-wala po ma . hindi ko lang po gustong lumabas . " pagsisinungaling ko .
" ah . basta sabihin mo lang kung may nararamdaman ka . pinag-aalala mo kami ng daddy mo . " saad niya
" opo po ma . okay lang naman po ako . " sagot ko
Tinapos na namin ang pagkaen . bumalik na ulit ako sa kwarto ko nahiga ako at tumingin sa kisame . bibilangin ko na lang yung mga butiki ng malibang ako .... nakaka-isang libo na akong bilang ng butiki pero syempre joke lang yun . tumunog ang phone ko kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag ..
Unknown number calling ....
Sino naman kaya tong tumatawag . hays ! masagutin na nga lang baka importante ....
" hello ? sino to ? " tanung ko sa kabilang linya . pero walang nagsasalita ...
" .... "
" hello ?! sino ba to ?! " medyo naiinis kong sabe
" kamusta kana ? " tanung ng nasa kabilang linya . yung boses ......
" i-i'm o-okay . i-ikaw kamusta ka na ? " utal kong sabe
BINABASA MO ANG
Her attitude (GXG) -(bisexual)
Romancesi claire ay isang masungit na babae, pero sa hindi inaasahang pagkikita nila ni mika ay mag babago ang lahat at babalik ang dating niya pag katao o ugali niya .. babalik siya sa dating niyang ugali dahil sa isang taong minahal niya .. malalagpasan...
