7SIN7N-04

46 12 1
                                        

7 StarsIn 7 Nights 04

Grabe, sineryoso talaga ni Moy lahat nang sinabi ko sa kanya huh? Eh kasi ngayun! .. Hindi man lang nya ako kinulit, hindi man lang nya ako inasar. Lagi ngang na kay judy ang atensyon nya eh.

Tama lang yun! Matagal narin kasi syang nang liligaw kay judy eh! .. Sa tingin ko ito na ang tamang panahon para sagutin sya ni judy! .. Eh kasi, ga-graduate na kami.

Haaayy... Ang saya lang talaga pag walang kumag na nang gugulo sayo! Yung tipong free-ing free ka sa mga nakaka asar na sitwasyon?

Naalala ko bigla, wala nga pala ulit sila bea! Hindi nanaman kami makaka tambay. Mga high school graduate na kasi yung mga yun eh, atyaka may sari-sarili na silang trabaho. Kaya nga gusto ko na maka tapos eh! Para maranasan ko naman kung paano maging independent.

Kasalukuyan lang ako ngayun na nasa boulevard! Masarap kasi tumambay rito, dagat! Malakas ang hangin. Mag g-gm na sana ako when suddenly nag ring ang phone ko! .. At nang makita ko kung sino ang natawag, dali dali ko itong sinagot.

...

Me: Hello?

Denis: hello kat! Nasan ka ngayun?

Me: Kahit sabihin ko sayo hindi mo malalaman to! .. Kasi hindi ka pa nakaka punta rito.

Denis: Ang dami dami mo namang sinasabi! Tinatanong ko lang sayo kung nasan ka ngayun...

Me: Oh sige sige! Nasa boulevard ako! Ok na?

Denis: Geh! ..

...

Tapos bigla nalang nya binaba! Anong problema nun? Ang weird! .. Ang mga lalake nga naman talaga oh! .. Hindi natin maintindihang mga babae, daig pa nila ang sulat nang mga hapon sa sobrang gulo.

Haay ... Maka uwi na nga lang.

Nag lakad na ako para umuwi na nang bahay when suddenly may biglang humawak sa braso ko.

"Cathy?" Tanong sakin nang lalakeng humawak sa braso ko, kumunot naman ang nuo ko! .. How could you know my name huh?

"Im sorry sir but im not talking to strager!" Oh diba? Tarooy ko ano? Inglesera ang lola nyo. "Im Denis! Denis Arbasto" Wh-what? .. Sa-sya si De-de-denis??

Bakit sya nandito? At paano nya nalaman na nandito ako? ... Ay sira! Sinabi ko nga pala sa kanya. Pero .. Diba sabi nya linggo pa daw ang meet namin? Ba-bakit parang na paaga ata? Oh baka linggo talaga ngayun? Naka limutan ko lang? .. Haytz! Ang gulo!

"Denis? Akala ko linggo pa tayo mag me-meet!" Tanong ko rito. "Eh ayaw ko nang patagalin to eh! Gusto ko mapa sakin kana!" Sabi nito habang naka ngiti at halatang namumula ang pisngi. Haloo ... Haloo... Haloo .. Bakla ba to si Denis? .. Pero meron naman talagang lalakeng kinikilig diba?

Tapos ayun. Ngayun na namin ginawa yung date namin na sana ay sa linggo pa! Kasalukuyan nga kami ngayun na nasa isang coffee shop! .. Nakaka basag ang katahimikang bumabalot saming dalwa. Grabe naman kasi tong si Denis hindi man lang mag open nang topic! Gusto pa ata ako ang mag umpisa.

"Nadismaya kaba? Akala mo maganda ako no?" Sarcastic na tanong ko rito. Tumingin naman sya sakin direct to the eye. "Hindi ah! Ang ganda ganda mo nga eh!"

@.@

Ano batong kakirihan kot kinikilig ako sa sinabi nya? Lumalabas naba ang pag ka babae ko? Juice colored! Naiihi na ako sa sobrang kilig na nadarama ko.

"So kelan mo ako sasagutin?" Nahihiyang tanong nya sakin. "Bakit? Gusto mo ngayun na?" Maharot na sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito sakin na alam ko na agad ang ibig sabihin. Oo! Gusto nya ngayun ko na sya sagutin.

"Sige! Sinasagot na kita! Tayo na!" Nahihiyang sabi ko rito. Hindi ko rin naman kasi maipag kakaila na gwapo to si Denis. "Talaga?" Di maka paniwala na sabi nya sakin, tumango tango naman ako as a sign of yes!

"Yes!!" Sabi nya yan in a low voice! Baka kasi pag sinigaw nya mapa alis pa kami rito sa coffee shop nato. Ang tatahimik kasi nang mga tao rito, parang kami nga lang ni Denis ang nag sasalita eh! .. Mga pipi ba to??

...

And that's it natapos ang gabi namin ni denis na sobrang saya. Grabe! Mas lalo ko pa tuloy syang nagustuhan ngayun. Kasi alam nyo yun? ... Yung napaka gentleman, napaka simple, atyaka matino! Hindi katulad nang nagiging syota nila bea. Sana si Denis nalang pala ang soulmate ko, wait! ... Speaking of soulmate! Mas lalo pa tuloy ako na i-excite gawin yung 7SIN7N. Sana si Denis nalang ang mapanaginipan ko matapos ko gawin yung sinabi samin nang matanda.

OMG! .. Ang landi ko nag mamahal na ako! Eeeee...

Bago ako tuluyang matulog ay nag bilang muna ako nang pitong stars :)

7 Stars  In 7 NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon