Trigger Warning: Sexual Harassment
———
Happy.I wasn't able to voice out my problem with my stepfather especially when my mother gave birth to their daughter, Aurora. Crisanto changed a bit, pakiramdam ko naging huwarang ama siya. He learned how to work for his family. Hindi na rin siya palainom and I think that is a good improvement.
Pilit kong kinalilimutan ang ginawa niya sa akin. Ayaw kong masira ang relasyon nila ni Mama. I saw how happy they are while watching Aurora and I don't want to take away my mother's happiness.
"Sure kang dito ka muna habang bakasyon?" Tanong sa akin ni Aling Angela nang makita akong naghuhugas ng pinggan.
Tumango ako. "Opo, Ate. Nagpaalam naman ako kay Mama. Pumayag naman po siya," sagot ko.
Pero ang ipinaalam ko lang talaga kay Mama na magbabakasyon lang ako sa lola ng kaibigan ko. Ayaw kong ipaalam kina Mama na nagta-trabaho ako. Hindi naman sa nagdadamot ako pero kailangan ko ito para sa sarili ko.
The highlights of my entire vacation was me washing the dishes and learning some dishes from Aling Angela. It was good experience so far.
Hindi ko alam kung gumaganda ba ang buhay ng mga tao sa paligid ko habang tumatagal o mas nagiging miserable lang ako. Hindi naman mayaman ang bayan namin. Sa totoo nga, walang mall dito sa Pontevedra. Sa La Carlotta at La Castellana lang ang alam kong mayro'n kaya nakakabigla sa akin na makita si Charlynn na may mamahaling iPad.
Bakit pa nga pala ako nagtataka?
Mayaman ang pamilya nila. Kahit yata ilang libong iPad ang bilhin niya, hindi mababawasan ang yaman nila.
"Nangayayat ka, Ellyse. Anong pinagkaabalahan mo no'ng bakasyon?" Tanong sa akin ni Charlynn nang maupo ako sa aking upuan.
I rolled my eyes on her. Saglit na dumapo ang tingin ko sa iPad niya at pinigilan ko ang sarili kong makaramdam ng inggit doon. Hinawi ko ang mahaba kong buhok bago tumingin sa kaniya.
"I workout e," sagot ko.
"Huh? Ang bata mo pa," sagot niya sa akin.
"Still. Gusto kong mawala na ang baby fats ko," maarte kong sagot bago sila talikuran ng kaibigan niya na nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko o hindi. Ayaw kong malaman ng ibang tao na naghihirap ako sa buhay ko. Ayaw kong makita nila kung gaano ako nakakaawa—na kailangan ko pang magtrabaho habang sila ay nag-eenjoy sa kanilang bakasyon. Sometimes I wonder how it feels like to live like them.
Hindi ko naman kagalit ang mga classmates ko. We casually talked sometimes but I know that my immature self will always compare myself to them. Dahilan para magalit ako sa kanila. Dahilan para mainggit ako sa kanila. I know that it was wrong. Alam kong mali na kinukumpara ko ang sarili ko sa kanila pero hindi ko maiwasan.
I don't have a happy family. I don't have material things that I needed. I don't have any friends that I can relate myself into. Malakas akong bumuntong-hininga habang pinanonood sila na dumugin na naman si Charlynn.
Nagfocus ako sa pag-sketch ng mga damit sa aking notebook. Ngumiti ako nang ma-satisfy sa ginawa ko. Dito lang siguro ako magaling. Ang gumawa ng mga ganitong disenyo, bukod dito wala na.
"Ellyse, gusto mong sumama sa bahay?" Tanong ni Charlynn nang mag-uwian. "Mags-swimming kasi kami ng mga classmates natin. Nagpahanda rin ako ng pagkain kay Tita Ayla," nakangiting sabi niya sa akin.
Binalingan ko ang mga classmates ko na nakikinig sa amin. Ang ilan sa kanila ay nakangiti sa akin at mukhang hinihiling na 'wag akong sumama.
Plastic akong ngumiti kay Charlynn saka tumango. "Okay. Sasama ako."
BINABASA MO ANG
You Broke Me First (Pontevedra Series #3)
RomanceI always wondered how it feels like to be rich. How it feels like to walk with a luxury bag clinging on your arm. How it feels like to have jewelries to make you shine. Maybe I am ambitious. Maybe I am materialistic, because I never experienced havi...