Kabanata 35

139 2 0
                                    

Family.

"Mommy, kawawa naman si Daddy," nakangusong sabi ni Elovie habang hawak ang aking hita.

Two days pa lang mula nang mahospital si Vince pero ramdam ko ang mabilis nilang pagiging malapit sa ama. Akala ko ay mahihirapan si Vince na suyuin si Elovie pero nagkamali ako.

"Mommy, please?" Paki-usap naman ni Elijah sa gilid ko.

Inirapan ko silang dalawa. Kakauwi lang nila galing sa pangingisda. Sinama niya ang dalawang bata at si Aurora. Ang kwento niya sa kanila, natuto siyang mangisda no'ng bumisita siya rito noon. Nanghiram lang siya ng bangka sa isang taga-rito at iyon ang ginamit nila.

"Daddy has no place to go," nagpanggap pa na awang-awa si Elovie sa ama habang sinasabi iyon sa akin.

Muli akong umirap. Kausap ko si Tita Ivory sa chat at sinabi kong dito na kami maninirahan. Nagtampo man, sinabi niyang bibisita na lang sila rito kapag nagkaroon sila ng oras.

"Your father is staying on a hotel just like your Tita Ricky," sagot ko.

Pinipilit kasi nila akong dito patulugin ang ama dahil bukas ang luwas namin pa-Maynila. Ang unang plano ko ay ako na lang muna pero gusto na nilang sumama agad kaya wala akong magawa kundi pumayag doon.

"Tita Ricky has money while Daddy doesn't have money anymore," giit ni Elovie.

Gusto kong tawanan ang pasisinungaling niya. Mauuna pang maubos ang kayamanan naming dalawa ni Tita Ricky kaysa mamulubi ang isang iyon.

"Mommy, please!" Halos nagdadabog na paki-usap nila.

Bumuntong-hininga ako at inirapan sila. "Go and ask your Lola if she'll allow it."

"Yes!" Tili ni Elovie bago humalik sa aking pisngi at tumakbo pababa ng hagdan.

"Thank you, Mommy!" Humalik sa pisngi ko si Elijah bago sundan ang kapatid.

Inirapan ko ang ere nang makalabas sila. Iniimpake ko na rin ang mga gamit namin at iilang gamit nina Mama at Aurora. Ang matitirang gamit namin dito ay ipapakuha ko sa mga trabahador para ilagay sa bahay kapag naayos na iyon. Eunice is also here to take care of everything. Sa kaniya ko pinagkatiwala ang lahat.

Sinara ko ang maleta nang maiayos ko iyon. Hinatak ko iyon at iginilid bago hinanda ang susuoting damit ng mga anak ko bukas.

"Mommy, Lola said she wants to talk to you," sabi ni Elijah nang muling bumalik sa kwarto.

Tumango ako sa kaniya. "Alright. Susunod ako."

"Sige po," sagot nito ay muling lumabas ng kwarto.

Sinara ko ang cabinet kung saan ko inilagay ang susuotin namin bukas bago ako lumabas ng kwarto. Nakita ko pa sa bakuran sina Vincent at ang dalawang bata na iniihaw ang nahuli nilang bangus.

"Ate, ang galing pong mangisda ni Kuya Vincent," tuwang-tuwang sabi sa akin ni Aurora nang makasalubong ko papasok sa kanilang kwarto.

"Talaga?" Tanong ko.

"Oo, Ate!" Halakhak niya. "Labas lang po muna ako, ha?" Tinanguan ko siya bago ko tuluyang harapin si Mama.

Pinause niya ang pinanonood sa laptop ko nang maupo ako sa kaniyang tabi. Sinilip ko pa ang pinanonood niya at nakitang iyon ang kinukwento ko sa kaniyang paborito kong Korean drama.

"Bakit po, Ma?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayos lang ba sa'yo na rito matutulog ang lalaking iyon?" Kunot-noong tanong ni Mama sa akin. "Nakiusap sa akin ang dalawang bata. Hindi ako makatanggi kaya pumayag ako."

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon