Heart.
"Hoy! Ingrata ka!"
Mariing hinawakan ni Tita Ricky ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad. Nagulat pa ako dahil nasa likod ko siya nang tumalikod ako. Ni hindi ko naramdaman ang presensya niya.
"Ang kapal ng mukha mo para pagsalitaan ng ganiyan ang kaibigan ko!" Singhal niya.
"Tita, may ibang pasyente rito," mahinang saway ko sa kaniya.
"Why? I'm just saying the truth. Sabagay, truth hurts nga naman," nakahalukipkip na sagot ni Samantha sa kaniya.
"You are just like your Kuya!" Mariing sabi ni Tita Ricky. "Mga hindi nag-iisip. Kaya ka siguro pinagpalit ng boyfriend mo dahil ganiyan ang ugali mo!"
Nalaglag ang panga ni Samantha sa sinabi ni Tita Ricky. Bago pa siya magsalita, hinatak ko na agad si Tita Ricky palayo roon.
"Ang babaeng iyon! Akala mo kung sinong maganda! Hindi porket nakasuot ng Chanel at may Louis Vuitton na bag ay magyayabang na siya! Kapal-kapal ng mukha!" Gigil na sabi ni Tita Ricky habang nasa loob kami ng elevator.
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. I am more focused about what she said. Pupunta sila kina Gabriella kapag ayos na si Vince, and they'll be together daw.
Bakit ko nga ba pinagsisiksikan ang sarili ko roon?
Ayaw kong maranasan ng anak ko na magiging pangalawa lang siya sa buhay ng tatay niya. Ayos na iyong ako, pero kung sa anak ko mangyayari iyon...hindi ko kaya. Hindi pwede.
"Bakit ka ba kasi nagpunta rito! Nako! Kung hindi ako sumunod baka napano ka na! Baka sampalin ka no'n!" Singhal ni Tita Ricky.
"Tita, paalis na nga ako, diba? Hinawakan mo lang talaga ang braso ko," sabi ko sa kaniya.
Inirapan niya lang ako bago ako marahang hawakan habang naglalakad kami palabas ng hospital. Nakaparada ang sasakyan niya sa tapat ng hospital kaya hindi na namin kailangang maglakad pa. Pinatunog niya lang iyon saka ako pinagbuksan ng pintuan bago umikot para sa sariling upuan.
"Tita, gusto kong pumuntang Canada."
Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin habang nagmamaneho. Binalingan ko siya nang maramdaman ang pananahimik niya.
"Doon ka na manganganak?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam, Tita. Ayaw ko na muna rito. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong balita tungkol kay Vince."
Tumango siya. "Sasamahan kita hanggang manganak ka, Ellyse. Hindi ako papayag na mag-isa ka roon. Ibibilin ko ang club kay Aileen," sabi niya.
"Hindi naman na kailanga-"
"At kung aawayin ka ng madrasta mo? Hindi ka makakalaban dahil buntis ka! Baka mapano pa ang pamangkin ko!" Singhal niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako. "Tita, naman. Hindi na kailangan e."
"Haynako, Ellyse. Hindi ka pwedeng tumanggi. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko sigurado na ayos ka lang," sabi niya.
And that's what we did the whole week. Tinawagan namin ang attorney ng tatay ko na nagpadala ng dalawang ticket para sa amin. Si Tita Ricky ang nag-asikaso ng gamit ko. Hindi na ako pinag-asikaso dahil kailangan ko raw ng pahinga.
Sa isang hotel kami nagstay ni Tita Ricky, na gastos din ng attorney ni Papa. Nagpasya kaming magkita sa isang restaurant kinabukasan nang makarating kami roon.
"Good afternoon, Ms. Villamor."
Otomatiko akong tumayo nang huminto sa tapat ko ang isang lalaki. Iniabot niya sa akin ang kamay niya na agad kong tinanggap. Sa tingin ko ay nasa mid-50s na siya. Katabi niya ang isang babae na sa tingin ko ay mas matanda lang ng kaunti sa edad ni Mama.
BINABASA MO ANG
You Broke Me First (Pontevedra Series #3)
RomanceI always wondered how it feels like to be rich. How it feels like to walk with a luxury bag clinging on your arm. How it feels like to have jewelries to make you shine. Maybe I am ambitious. Maybe I am materialistic, because I never experienced havi...