Kabanata 22

88 4 0
                                    

Stupid.

Pansin ko ang titig sa akin ni Vince habang umaandar ang kaniyang sasakyan. Hindi ko siya binabalingan pero nararamdaman ko ang madiin niyang tingin sa akin.

"Are you okay? Bakit ka dinala sa clinic kahapon?"

Matapos ang mahabang katahimikan, iyon ang sinabi niya. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.

Tumango ako. "Oo naman. Mainit kasi kahapon. Siguro dahil sa init kaya gano'n, Vince."

"You sure you're okay now?" Muling tanong niya.

Tumango ako ulit. "Oo nga!" Humalakhak ako.

"Sa susunod ihahatid na kita. Dapat lagi kang may payong, Ellyse. Baka mapano ka pa sa susunod. Hindi ka naman nagsabi sa akin na gano'n ang nangyari..." Sabi niya. Hinawakan niya ang hita ko bago iliko ang kaniyang sasakyan. "Tapos sumama ka pa sa paggawa ng tasks. Overnight? Ni hindi ka nakapagpahinga nang maayos sa bahay."

"Kaya nga hindi ko sinabi sa'yo kasi alam kong hindi mo ako papayagan," natatawang sagot ko.

"Ang tigas ng ulo mo, Ellyse. Sa susunod ay magsabi ka sa akin," sabi niya.

Humalakhak na lang ako. Kung sinabi ko ba iyon sa kaniya, ipagpapalit niya ang oras nila ni Gabriella sa akin? I don't think so.

"Do you want to go out?" Tanong ni Vince nang makarating kami sa unit niya.

Nilapag ko ang mga gamit ko sa lamesa sa tapat ng sofa bago sumalampak sa sofa. Naupo sa tabi ko si Vince at hinawakan pa ang aking hita habang pinagmamasdan ako.

"Hindi na, Vince. I'm kinda tired," sagot ko bago sumandal sa sofa.

Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hangover. Hindi nga lang ako makareklamo sa kaniya dahil hindi naman iyon ang paalam ko kagabi. Ayaw ko ring malaman niya na nag-inom ako dahil iisipin niya na may problema ako. Alam naman niyang hindi ako palainom.

"I'll cook our lunch. What do you want?" Malambing niyang tanong.

Sumandal ako sa balikat niya. Mahina siyang tumawa bago ako yakapin at halikan sa aking leeg. Hindi ko na maramdaman ang tuwa tuwing ginagawa niya iyon. Nasasaktan na ako.

"Marami pa namang ulam sa ref na hindi nagagalaw. Initin na lang, Vince. Sayang e," sabi ko sa kaniya.

"Alright," sagot niya. "May gusto kang gawin?" Muli niyang tanong.

Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano. Tuwing gustong-gusto ko na siyang bitawan, babalik siya sa akin na parang wala siyang ibang babaeng pinupuntahan. Tuwing gusto ko na siyang iwan, bigla siyang umaarte na ganito—na parang ako lang ang babae sa buhay niya.

Sa pangalawang pagkakataon, umiling ako. Siniksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at bahagyang inamoy ang kaniyang damit.

"Gusto kong ganito lang tayo," mahina kong sabi.

He chuckled. He then brushed my hair using his fingers. Napapikit ako sa ginawa niya. How am I able to let him go if he's like this? Oo, alam kong lamang na ang sakit na pinaparamdam niya pero hindi ko siya kayang bitawan dahil mahal na mahal ko siya kahit ang sakit-sakit na.

Hindi ko alam kung paanong nakatulog ako sa bisig niya. Gabi na nang magising ako. Nasa kama na ako at mukhang pinalitan pa ako ng damit ni Vince dahil naka-puting t-shirt na ako at maikling shorts. Humikab ako bago bumangon. Diretso akong naglakad papunta sa banyo para ayusin ang sarili ko. Naabutan kong nagluluto sa kusina si Vince paglabas ko.

Binalingan niya ako at nginitian. "Ang haba ng tulog mo. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod na pagod ka. Ano bang ginawa niyo kahapon?" Tanong niya sa akin.

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon