Kabanata 9

85 4 0
                                    

Warning R18+
If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter.

———
Bitag.

"What do you want me to cook?" Tanong ni Vince habang yakap-yakap ako.

Hiniram niya ako kay Tita Ricky kagabi at dahil linggo naman ngayon at mamaya pa ang pasok ko, nakahilata pa kaming dalawa at parehas na kakagising lang.

"Gusto mo bang ipagluto kita? What's your favourite dish?" Tanong ko at nagsalumbaba pa para tingnan siya.

Sinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg at inamoy-amoy iyon. Pansin kong paborito niyang amuyin ang leeg ko. Paborito niyang isubsob ang sarili roon kaya nagiging maalaga ako sa katawan ko e. Ayaw kong may masabi si Vince sa katawan ko. Nakakahiya naman sa kaniya na natural nang magbango!

"Gusto ko ng crab tapos maraming kalabasa. Alam mo 'yon?" Tanong niya bago patakan ng halik ang aking leeg.

"Alam ko 'yan," sabi ko. "Ipagluluto kita."

"Wala tayong stock dito. Magg-grocery pa," sabi niya.

"Kaya nga bumangon na tayo," yaya ko sa kaniya.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at mas isiniksik pa ang mukha sa aking leeg. Natawa tuloy ako. If someone's gonna ask me kung ano ang mayro'n sa amin ni Vince, tatawa lang ako. Hindi ko rin kasi alam. Hindi niya rin sinasabi at walang kahit ano kaming pinag-usapan tungkol sa amin. Basta sinusundo niya ako. Binibilhan ng kung ano-ano. Dinedate. Tapos sex. I don't know. Siguro we're fuck buddies? Iyon siguro ang tamang tawag sa amin.

Fuck buddies.

Suot ko ang mahaba niyang puting t-shirt habang naggrocery kami. Bahagya ko lang iyong inipit sa maong kong shorts para mas magandang tingnan. Tulak-tulak ko pushcart habang nasa gilid ko naman siya, hawak ang bewang ko.

Hindi ko nga lang alam kung normal ba sa mag-fuck buddies itong ginagawa namin.

"May gusto ka bang bilhin?" Tanong niya nang mabili namin ang lahat ng kailangan namin.

Umiling ako. "Ayos na 'yan."

"Sa school? Wala kang kailangan?" Tanong niya.

Umiling muli ako. "Ayos na nga 'yan, Vince."

Tumango siya at ngumiti bago ako hapitin palapit sa kaniya. Nakita ko ang tingin ng cashier sa amin habang inaasikaso ang mga pinamili namin. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahilan para mapaiwas siya ng tingin sa amin.

"After lunch, uuwi ka na?" Tanong niya sa akin.

"Siguro magpapahinga muna ako, Vince. Alam mo namang may pasok ako."

"Gusto mo bang ipasok kita sa company ng Tita ko?" Tanong niya.

Magandang opportunity ang sinabi niya pero malaki ang utang na loob ko kay Tita Ricky. Ayaw ko namang iwan siya matapos akong tulungan.

"Hindi pwede. Alam mo namang doon ako nakatira sa club," sagot ko.

"Edi sa akin ka titira," suhestiyon niya.

Natawa ako at napailing. See? Minsan nagtataka na rin ako tungkol sa relasyon namin. Lagi siyang umaasta na parang boyfriend ko pero wala naman siyang sinasabi. I don't want to assume things lalo na't sinabi sa akin ni Tita Ricky na babaero ang isang ito. Baka magaya pa ako sa mga babae niyang iniwan niya matapos niyang pagsawaan.

"Pag-iisipan ko, Vince. Malaki ang utang na loob ko kay Tita Ricky kaya ayaw kong umalis doon," sagot ko.

Tumango na lang siya at hindi na nakipagtalo. Iniabot niya ang itim niyang card sa cashier bago kuhanin ang pinamili namin. Nagpasalamat sa kaniya ang kahera matapos nitong ibalik ang card sa kaniya. Umirap ako.

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon