Lost.
Everything is perfect. Kapag lumalabas kami ni Vince, umuuwi kami na may dalang gamit para sa baby namin. Pakonti-konti lang pero masaya kaming dalawa habang inaayos ang kwarto ng magiging baby namin.
Slowly, nabubuo na namin ito. We already have the crib that we designed. It was in color white with the touch of cream color. May dinikit din kami na stars sa kisame at iilang baby designs sa wall. It was perfect. May pictures pa kami ni Vince na magkasama na nakadikit sa pader with my baby bump. It wasn't that visible pa pero para sa amin, kitang-kita na iyon.
"Vince..."
Marahan kong hinawakan ang kaniyang balikat para gisingin siya. Naramdaman ko ang paggalaw niya. Marahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata saka ako binalingan.
"Hmm?" Tanong niya. "Bakit? May masakit ba?" Muli niyang tanong bago haplusin ang aking tiyan. "Bakit, Ellyse?" Malambing niyang tanong habang titig na titig sa akin.
"Nagugutom ako," sabi ko.
"Magluluto na ako. Anong gusto mo?" Tanong niya.
Gumalaw siya para yakapin ako. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg kaya napangiti ako. This is my favourite gesture of him, iyong nasa leeg ko lagi ang kaniyang mukha.
"Gusto ko ng buko pie," bulong ko sa kaniya.
Marahan siyang natawa sa sinabi ko. Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin saka ako tiningan. Hinawakan niya ang baba ko saka marahang pinatakan ng halik ang aking labi. Saglit akong napapikit doon. Muli niyang pinatakan ng mapang-asar na halik ang labi ko at marahan iyong kinagat bago tumingin nang seryoso sa akin.
"Alright. We'll buy later," sabi niya bago inayos ang buhok ko. "Maliligo na ba tayo?"
Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "Sasama ako, ha?"
"Hindi rin naman kita iiwan dito nang mag-isa."
Napangiti ako sa sinabi niya. Marahan niyang hinaplos ang aking tiyan saka ako hinalikan sa aking noo.
"Six months to go. Makikita na natin si Baby," bulong niya sa akin.
Tumango ako sa kaniya. Saglit pa kaming nahiga bago kami bumangon para mag-asikaso. Sabay kaming naliligo lagi. Baka raw madulas ako kung mag-isa lang akong maliligo. He's always extra careful about me. Gusto niya laging maayos ang kalagayan ko.
Pinarada niya ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng palengke. Napadpad kami sa Laguna dahil dito raw may masarap na buko pie. Naawa nga ako kay Vince dahil malayo ang binyahe namin dahil lang dito.
"I'm sorry," nakangusong sabi ko habang tinatanggal niya ang kaniyang seatbelt.
"Huh? Sorry saan?" Kunot-noong tanong niya.
"Ang layo ng narating natin," sagot ko.
Mahina siyang natawa bago hawakan ang aking kamay. "It's fine, Ellyse. Para sa inyo naman 'to ni Baby."
Tumango ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ang kamay ko bago bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako. Hawak niya agad ang kamay ko habang naglalakad kami papasok doon. Their market was clean. Mabilis naming nahanap ang nagtitinda ng buko pie. Vince both ten boxes of it.
Bumili na rin kami ng groceries para sa bahay. Sa huli, sa karinderya na kami kumain ng lunch dahil late na kung babyahe pa kami. Nasa daan pa lang kami, nilalantakan ko na ang buko pie. Paminsan-minsang bumabaling sa akin si Vince at ngumingiti kapag tinitingnan ang hawak ko.
"Masarap?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Gusto mo ba?"
Bahagya niyang niyuko ang ulo kaya inilapit ko sa kaniya ang kinakain. Kinagatan niya iyon. Nanlaki pa ang mga mata ko at napasinghap nang makitang malaki ang kagat niya!
BINABASA MO ANG
You Broke Me First (Pontevedra Series #3)
RomanceI always wondered how it feels like to be rich. How it feels like to walk with a luxury bag clinging on your arm. How it feels like to have jewelries to make you shine. Maybe I am ambitious. Maybe I am materialistic, because I never experienced havi...