CHAPTER 5
ADELAIDE'S POINT OF VIEW:
Pagkarating namin sa bahay niya ay halata sa mga kilos ni Sir Hellion, na para siyang nagmamadali. Hinintay niya akong maka-baba sa sasakyan niya at saka niya ako hinila papasok sa loob.
Malakas niyang sinara ang pintuan. Habang ako naman ay hindi mawari kung ano ang mga kinikilos niya. Pinanood ko lang siyang tinutulak ang mahabang sofa at hinarang ito sa may bandang pintuan.
"Sir Hellion, ano po bang ginagawa mo?"
"Fucking call me HELLION!" Galit na sabi niya. Napayuko naman ako at hindi ko na lamang siya pinansin.
"Baliw!" I whispered. Umupo na lamang ako at muling tumingin kay Sir Hellion. My forehead furrowed after I saw him topless. Anong trip ng Professor na 'to?
Naglakad siya palapit sa'kin. Deretsyong naka-tingin lamang ako sa kaniyang mukha. Halatang wala sa mood si Sir.
Nang nasa harapan ko na siya ay kaagad napadako ang tingin ko sa may bandang tiyan niya. I gulped after I saw his yummy abs.
"Look up, Woman." I followed what he said.
"Are you hungry? Do you want me to cook? What do you want for lunch? Alam ko na hindi ka pa kumakain." He asked.
Umiwas ako nang tingin sa kaniya. "Kahit ano na lang po Sir, kahit itlog na lang po."
"That's for breakfast. How about Adobo? Kumakain ka ba ng ganon? What's your favorite food? I'll try my best to cook what you want to eat." Mas iniiwas ko ang ulo dahil mashado akong na di-distract sa ulam niyang katawan.... I mean sa matipono niyang katawan at abs niya.
"Adelaide, I'm asking you. What do you want to eat?" Seryosong tanong niya sa'kin.
"Ikaw po, Sir---"
"What?!" Gulat na tanong niya. I immediately covered my mouth using my hands. Shocks! Ba't ko sinabi 'yun?
Naiilang akong tumingin sa kaniya. Naka-tingin lang siya sa'kin habang naniningkit ang mga mata niya. "You want to eat me?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Ilang beses akong umiling sa kaniya. "What I mean Sir, ikaw po anong gusto mong kainin?" Kinakabahang sabi ko. He nodded and after that I saw him smirked. Pilyong ngisi kumbaga.
"I'm okay with bread. How about you? I thought you want to eat me? Kinabahan at nagulat ako doon ah! I never expected that you'll say that." Natatawang sabi niya.
"Ako na lang po magluluto ng uulamin natin." Kamot noong sabi ko. Gusto kong umiwas sa kaniya ngayon, grabeng kahihiyan ang natanggap ko dahil sa sariling kabaliwan at kagagahan ko.
"No, ako na. Umupo ka lang jan at ako na ang bahalang magluluto." Muli niya akong pinaupo at saktong tumama ang mukha ko sa may bandang abs niya. Halos umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha ko.
Ano bang kamalasan 'to?
Para akong naiiyak na halos hindi na maka-galaw. I heard him chuckled. Mariin akong napapikit nang mawala na siya sa paningin ko.
"Ba't ka ganyan, Sir? Pwede ba 'yun? HUHUHU!" Ilang beses kong pinalo ang sarili ko at mahinang sinasampal ang mukha ko.
———
"Kumain ka na." Inilapit ko ang mukha ko sa plato na inilapag niya. Naningkit ang mga mata ko habang naka-tingin sa niluto niya.
Ilang beses akong napalunok. Ang sarap talaga nang nagluto... shocks! I mean masarap 'yung niluto ni Sir Hellion.
Umayos ako sa pagkakaupo at tumingin sa gilid kung saan siya naka-tayo. Pinagmasdan ko siya taas at hanggang baba. Para akong hihimatayin at mas matatakam sa kaniya dahil sa suot niya. Topless, but he's wearing an apron that made him more hotter and attractive.
Mabilis akong umiwas nang tingin sa kaniya nang makita ko na mariin na niya akong tinitignan. Para akong na-hypnotized dahil lamang sa pagtitig niya sa'kin. Nakakainis lang kasi ang guwapo niya mashado.
"Kainin na kita, Sir?" Out of nowhere na tanong ko. After I realized kong ano ang sinabi ko ay napatakip nanaman ako nang bunganga.
Ang sarap talagang tahiin itong bunganga ko. Grabe! Sobrang pahamak, kung ano-ano na lamang sinasabi. For pestes sake he's my Professor and also a Principal in our University. Nasumpa talaga itong bunganga ko.
"You what?!" Nagtatakang tanong niya sa'kin. Inosente akong tumingin sa kaniya at ngumiti. "Wala po, Sir. Ang sabi ko po is kain na po tayo."
Alam ko namang narinig niya ang sinabi ko. Lutang man ako kanina pero alam ko na malinaw ang pagkakasabi ko, kaya no need to repeat na. Isa rin itong si Sir Hellion e! Halatang pinagloloko at inaasar ako.
Hindi na lamang siya nagsalita at umupo sa kabilang upuan. Hindi ako gumalaw at deretsyong naka-tingin lang ako sa pagkain ko. Mashado na talagang nakakadistract 'yung pangangatawan ni Sir.
Mahina kong kinurot ang sarili ko dahil sa pagiging malandi nang isipan ko. Bruha rin 'to e! Dapat nga magpasalamat pa ako dahil pinatuloy parin ako ni Sir dito sa bahay niya. Mukhang sanay na nga rin siyang lonely dito e!
Unang tapak ko palang dito sa loob ng bahay nila ramdam ko na 'yung lungkot at takot. Ibang-iba 'yung nararamdaman ko talaga dito. Parang sa mga malungkot at mag-isa lang sa buhay ang makakayang manatili dito. Hindi mo talaga ramdam 'yung saya e!
"Are you okay? Bakit hindi ka pa kumakain? May gusto ka pa bang kainin?" Malambing na tanong niya. Napansin ko rin na nagsimula na pala siyang kumain.
"Wala na po, Sir. Okay na po ako dito, thank you po pala." Pilit akong ngumiti kahit pa ang totoo ay sobra na akong naiilang sa kaniya.
"You're always welcome. Just tell me what you want to eat okay? Maybe magluluto na lang ako or mag-order na lang ako." Tumango na lamang ako at nagsimulang kumain.
Grabe na talaga! Unang kagat ko palang sa steak na luto ni Sir, sobrang sarap na. Sinawsaw ko ito sa sauce na gawa rin ni Sir. Halos napapikit ako at walang masabi dahil sa sobrang sarap.
Ang galing pala ni Sir magluto. Iniisip ko nga kung magaling rin kaya siya sa ibang gawaing bahay? Ang suwerte naman ng magiging girlfriend o asawa niya.
Habang kumakain kami ay bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang pangalan na binanggit niya kanina.
"Sir, sino po pala si Eldarzo? If he's the one who killed that woman then..."
"Or maybe siya ang lalaking nanloob sa bahay niyo. If hindi mo pa siya kilala, ako na ang nagsasabi sa'yo... Nakita mo na siya, pero hindi mo alam na siya pala 'yun. He changed his name and personality, kaya mas mahihirapan ang mga pulis kung sino ba talaga ang totoong killer sa lugar na 'to."
"Kung ganon si Eldarzo, ang humalik sa'kin, Sir?!" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Pabagsak niyang inilapag ang hawak niyang kutsara at tinidor. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tanong ko, dahil bigla na lamang naging badtrip ang mukha niya. Galit ba siya?
"So siya nga po, Sir---"
"HINDI!" Galit na sabi niya at seryosong tumitig sa'kin.
---
©iam_rienwrites
Fb: Iamrienwrites WP