CHAPTER 2

623 20 1
                                    

CHAPTER 2

ADELAIDE'S POINT OF VIEW:

"Your house is too big for you, Ms. Lorenzo." I heard Sir Hellion said. Nginitihan ko na lamang siya at saka ako lumabas ng sasakyan niya.


"Maraming salamat sa paghatid sa'kin, Sir!" Nakangiting at masayang sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya sa'kin at kaagad na akong umiwas nang tingin sa kaniya dahil sa paraan na pagtitig nanaman niya sa'kin.

"Sige po, Sir, pasok na po ako sa loob!" Tinalikuran ko na siya at saka ko binuksan ang gate. Hinintay ko pa muna siyang umalis, pero sinenyasan lang niya ako na pumasok na sa loob.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay namin. High ceeling rin kasi ang bahay namin dito sa La Union. This house is too big for me dahil mag-isa lamang ako dito, paano pa kaya kapag pinili ko sa Manila na lang mag-aral edi mas malaki pa ang pagtitirhan ko na bahay namin sa Manila.

Pinagpili kasi ako ni Dad kung saan ko gustong mag-aral sa UST University o Ortigas University but I choose Ortigas University.


Inilapag ko ang mga gamit ko sa sofa at binuksan ko ang mga ilaw. Pumunta ako sa kusina at saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nag-grocery at tanging sa labas na lamang ako kumakain.

Napakamot ako ng batok. Habang naglalakad ako pataas ay napansin ko ang mga paintings na nasa pader at nasisilawan ito ng mga ilaw sa baba at taas na agaw atensyon talaga sa lahat ng mga tao na pupunta dito sa bahay.

Napahinto ako at tinitigan ang isang painting. Pilit kong inaalala ito dahil para kasing pamilyar. Mas nangunot ang noo ko nang maalala ko iyung painting na nasa office rin ni Sir Hellion.

Anong bang meron sa painting na 'yon? It's looks like ang mga painting na ito ay may kahulogan na hindi ko matukoy kung ano nga ba talaga.

---

After I changed my clothes, I decided to eat outside. Baka sa Jollibee na lang ako kakain since nakakatamad rin talaga magluto at isa pa paniguradong magsasara na mga grocery dito sa lugar namin.

Pagkalabas ko nang bahay ay sinigurado kong fully secured ang bahay namin. Pumasok na ako sa kotse ko at nagmaneho, sakto namang nakasabayan ko ang isang kotse rin na mukhang bigatin na tao ang nagmamayari nito. Hindi ko na lamang ito pinansin pa at nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

Mabilis ang oras at pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa plaza. Gabi na medyo sa madilim ako pumunta.

I closed my eyes and kaagad rin akong napamulat nang mata dahil sa mga naririnig ko. I heard someone's moaning and I don't where she is.

Pumunta ako sa derekyon kung saan ko narinig ang umungol na babae. Mas lalong lumakas ang ungol nito nang makalapit ako. Para akong masusuka dahil sa nakikita. My gosh! In public place pa talaga sila gumagawa nang kababalaghan? Nakakahiya sila! Halos walang pinipiling lugar.


Bago ko sila tinalikuran ay naaninag ko kaunti ang mukha ng babae. Lihim akong napairap at saka nagpasyang umuwi na lamang kaysa maka-saksi nanaman ako ng mga taong gumagawa nang kababalaghan kung saan-saan.

---

Pagkauwi ko dali-dali akong tumakbo papunta sa main door.

"Bakit bukas ito?!" Mahinang tanong ko sa aking sarili.  Ang pagkakaalala ko ay lahat ng pintuan at bintana ay sarado.

I turned on my flashlight dahil bigla na lamang nawala ang ilaw dito. nakutuban na ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Sinusubukan ko na kumalma. I slowly walked inside the house. Hinanap ko kung nasaan ang switch ng mga ilaw at kaagad ko rin itong nakapa at pinindot.


Darkest Love: PsychopathWhere stories live. Discover now