CHAPTER 6
ADELAIDE'S POINT OF VIEW:
"Ang lamig!"
I woke up early in the morning at kaagad akong pumunta dito sa balkonahe. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lamang ako nagising at saktong 3 AM ayokong takutin ang sarili ko, pero alam ko naman na Devil's Hour ito. Iniisip ko pa nga kanina baka sa madidilim na parte sa kuwarto ko ay may multong pinapanood ako habang natutulog.
Kaya naman nagmadali akong lumabas dahil sa sobrang takot. Bata pa lang ako ay takot na talaga ako multo, pakiramdam ko nga habang buhay ko na itong dala-dala at baka mamaya maipamana ko pa sa anak ko. Sa bahay namin noong una ay natatakot pa ako, pero nasanay narin ako. Ang kaso iba nga lang ang kaba at takot na nararamdaman ko dito sa bahay ni Sir Hellion.
Kahit naman sinong tao makakakita at makakapasok dito sa bahay niya ay ganon rin ang mararamdaman. Maganda siya sa paningin, pero iyung pakiramdam talaga is ang bigat-bigat na akala mo bawat sulok ng bahay niya ay may mga espiritu.
Madilim pa dito sa labas at mashadong tahimik. Malayo ang bahay ni Sir sa City kaya naman kahit isa ay wala siyang kapitbahay.
"Why are you still awake?" Tumingin ako kay Sir Hellion nang magsalita siya. Seryoso lamang siya na naka-tingin sa'kin.
"Naka-tulog po ako, pero nagising rin po." I said softly to him. Tumango lang siya at sinundan ko siya ng tingin.
I was surprised when I found out that he's using cigarettes. Naka-titig lamang siya at ilang beses kong narinig ang malakas na buntong hininga niya.
"Okay ka lang po, Sir?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumabi ako sa kaniya at saka siya tumingin sa'kin.
"I'm so surprised na naninigarilyo ka po pala!" I heard him chuckled. "Minsan lang naman..." He whispered.
"Sir, huwag mo po sanang mamasamain itong tanong ko, pero nasaan po pala ang pamilya mo? Nasa ibang bansa po ba sila? Sa Manila?" Napansin ko mas naging seryoso ang mukha niya.
"Ah! Okay lang po Sir, kahit huwag mo na pong sagutin. Pasensya na po, mashadong naging ma-personal ang natanong ko po. Curious lang po kasi ako, dahil mag-isa ka lang po dito." Mahinang ani ko. Tahimik parin siya at umiwas nang tingin sa'kin.
"It's okay... Nasa malayo sila and I wouldn't waste my time to visit them."
"Bakit naman po, Sir?"
"I told you just call me Hellion." Tumango lang ako.
"I'm not part of their family since then. Kung pupuntahan ko sila at magmamakaawa na tanggapin nila ako masasayang lang ang oras ko. They're not my first priority and I'll never be part of their priorities."
Nanlambot ang ekpresyon nang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan, pero nanatili na lamang ako tahimik. Mukhang ayaw rin naman niyang pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya.
Muli ko nanamang naalala ang sinabi niya noon na may kasintahan daw siya, pero hindi alam ng girlfriend na si Sir Hellion, ang boyfriend niya. Ang weird naman no'n.
"Sir, last question. Sino pala 'yung girlfriend mo na tinutukoy mo noon? Ang weird kasi e! Ano ba 'yun? Jowa mo, pero hindi niya alam na boyfriend ka niya? Nagka-amnesia ba bebe mo, Sir?"
"I don't know also, hindi lang niya talaga ako kilala. You know? I'm just dreaming and hoping that I am her boyfriend."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Napaka-weird talaga ng taong 'to.