1st Slice

39 1 0
                                    

Ice Cream Cake

-The short story of Hana Sayuri & Reed Kazama-

~*~*~*~*~*~

Maganda ang sikat ng araw, at ganoon rin ang mood ng dalagang si Hana. Suot-suot ang kaniyang pink dress ay lumabas ito sa kanilang rest house na tinutuluyan sa kanilang private resort. Lumakad ito sa buhanginan habang patalon talon at kumakanta pa ng mahina. Bawat makasalubong nito ay binabati niya.

Sa pag-lalakad nito ay may naka-bunggo siyang isang taong bato. Not literally, pero kasi, tumalsik ang dalaga!

Ouchie... bulong ng dalaga habang sapo-sapo ang pwet. Tinangka niyang tumayo, ngunit hindi niya kaya. Lalo lamang kumikirot ang kaniyang pwet.

"Need a help?" Sabi ng isang manly na boses. Tumingala siya, pero ganoon na lamang ang pagka-laki ng kaniyang mga mata nang makita niya ang isang kamay na nakalahad sa kaniya.

Kamay!? Isang kamay ang nakabunggo sa akin!? Sigaw niya sa isip. Pero bigla na lamang naging blangko ang ekspresiyon ng kaniyang mukha nang makita niya ang isang gwapong mukha. Napa-ngiwi naman siya sa isip-isip niya. Naisip niya kasi kung gaano siya katanga. Kamay? Isang kamay ang bubunggo sa akin? Tanga ka talaga, Hana!

Tumayo siya at ipinagpag ang kaniyang pwetan. Tumingala siya sa lalaking guwapo at---"NO, THANKS!!!" Mataray na singhal nito sa mukha ng binata at saka iniwan itong nakatulala.

~*~*~*~*~*~

Ice Cream CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon