Chapter 6

5 1 0
                                    

"Good evening po," kabado kong bati.

"You know her?" Tanong ni Timothee sa ama.

"Of course I do!" He exclaimed.

Napalingon siya sa direksyon ko at patago akong umiling sa kanya. Damn it! I thought he understood the assignment? Now he's acting as if he saw his bestfriend's daughter— which I am.

Napakurap siya nang makita akong umiling. He bit her lower lip and smiled awkwardly. "Mabuting bata 'yang si Ava. I hired her because I think she deserves a job para sa kinabukasan niya. Wala na kasi siyang mga magulang. Hehehe," kamot niya sa batok.

Hindi ko inasahan yung palusot niya pero mukhang kapanipaniwala naman. Ewan ko lang kung maniniwala ba sila. His nervous laugh might seem suspiscious to them.

"So you really hired her yourself?" Tanong ni Timothee.

"Oo," he nodded. "Kaya tratuhin mo siya nang maayos, ha?"

Umiling si Timothee at ngumisi. "Too late," he said and then turned his back. "Let's go, dude!"

Tiningnan muna ako ni Kento bago niya sinundan si Timothee. Kunot-noo akong nilingon ni Sir Chandler.

"Too late? Anong ibig mong sabihing 'too late'?" Gaya ni Kento ay sinundan niya din yung anak niya. "Son, explain yourself."

Sinundan lang namin ni Manang Abby ng tingin ang tatlo hanggang sa nawala ma sila sa aming paningin. Napailing siya at hinarap ako.

"Mukhang napagod ka. Magpahinga ka muna ng isang oras sa silid mo. Pagkatapos ng isang oras dapat nasa kusina ka na. Magluluto pa tayo ng tanghalian," sabi niya sa akin.

Tumango ako. "Sige po. Maraming salamat."

Tinalikuran ko na si Manang at tinahak yung daan papunta sa silid ko. When I reached the door knob, I instantly pulled the door ipen, closed the door and leaned on it. Huminga ako nang malalim. That was close! Paano kung nasabi nga niya kung sino ako? Kakasimula ko pa lang nag-flop na plano ko.

The bed looks so tempting all of the sudden kaya lumapit ako dito at agad humiga. Pinikit ko ang aking mga mata. What a tiring day. Second day ko pa lang sa mansion hapong-hapo na ako. Kakayanin ko bang magtagal dito?
Nang dahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang makarinig ng katok mula sa pintuan. I opened my eyes and scanned the room. I almost shouted when I saw a different room pero agad ding kumalma nang maalala na wala pala ako sa bahay. I stretched ny arms and then stood up to open the door.

"Tapos na ba tulog mo, prinsesa?" Tanong ni Manang in sarcasm.

I force a laugh. "Pasensya na po Manang napahaba. Lalabas na po ako."

"Mabuti at naisip mo 'yan. Bilisan mo! Kelangan mo pang bumili ng pandesal doom sa may kanto," utos niya.

Kumunot noo ko. "Pandesal po?"

"Kapag umuulan umiinom si Sir Vincent ng mainit na kape at pandesal. Bagong luto yung pandesal ni Rosa sa mga oras na ito kaya mas mabuting bumili ka na," she said.

Napatango ako, "Sige po."

Talagang kilala ni Manang yung pamilyang Chandler. I wonder how long she work for them. Mayordoma siya so paniguradong pinaglatiwalaan siya sa maraming bagay. That is why I didn't regret any of this.

Lumabas na ako ng mansion na may dalang payong. Nung papunta kami sa shoot kanina ay may napansin akong maliit na panaderia sa may kanto. Paniguradong yun ang tinutukoy ni Mang na kina Aling Rosa.

Ilo-lock ko na sana yung gate nang may biglang pumarada na sasakyan sa harap. Kumunot noo ko. Hindi pamilyar sa akin yung sasakyan. May inaasahan kayang bisita sina Sir Vincent?

Yes, No, MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon