"Huwag kang sumimangot d'yan!" Sita sa akin ng mayordoma. "Anong akala mo sa sarili mo? May-ari ng bahay? Jusko! Dapat maaga kang gumigising!"
Mas lalo akong napanguso habang nagwawalis sa front yard. "Hindi po ako ngumunguso, Manang. Duck lips po ito. Uso ito ngayon."
"Siguraduhin mo lang. Malalagot ka talaga kapag nakita ka ng amo natin na ganyan hitsura mo!"
Tumalikod ako sa kanya at patagong umirap. I don't want to be rude pero kating-kati na akong pagsalitaan siya ng masasamang salita. Sinira niya araw ko!
I was sound asleep in my small room. Di bale na maliit pero cozy naman. Even though I'm still not familiar with the place, ironically, I feel comfortable.Alam ko naman na maid ako pero hindi ko alam na dapat gising na pala ako alas tres ng umaga. Sobrang sarap na ng tulog ko nang bigla akong sigawan ni Manang Abby sa tenga. Ang tamad-tamad ko daw for a maid. Pwede naman niya akong gisingin sa ibang paraan pero kailangan ba talaga akong sigawan?
I woke up still so sleepy at sapilitang pinagluto nang umagahan. Una na din kaming kumain since ang sabi ni Manang marami daw akong gagawin ngayon. Naligo na din ako at nang sumikat na ang araw ay saka na ako nagsimulang magwalis sa front yard nilang sobrang lawak. Aabutan siguro ako ng bukas nito. Buti nalang marunong ako sa mga gawaing bahay. Yes, Dad spoiled me with everything I want pero hindi ako hanggang spoiled lang. I help our maids in cleaning the house. Ako ang naghuhugas sa pinagkakainan namin pero pinagbawalan na ako ni Daddy. Sabi niya nandyan naman daw si Manang para maghugas so why would I bother?
As I was doing my business, bigla nalang may nagdoorbell. Hindi ko na sana papansinin kasi abala nga ako sa pagwawalis pero si Manang sinita ako para pagbuksan yung pinto.
"Hoy! Buksan mo yung gate!" Utos niya sa akin.
Sumimangot ako pero bago ko pa maharap siya ay sapilitan akong ngumiti.
"Manang may nililinisan pa po ako," I said, still smiling forcefully.
"Alangan naman ko yung magbubukas? Sino ba sa atin ang mas bata?" She pointed out.
Labag man sa kalooban ay bumuntong-hininga ako at sinunod yung utos niya. Nakabusangot kong tinungo yung gate.
"Daming utos naman neto. Akala mo naman siya yung nagpapasweldo sa akin," I whispered under my breath.
With a frown, I opened the gate and was taken aback by the person behind it. Isang napakagwapong lalaki ang bumungad sa akin. He still have that same smile that he wore last night.
"Hi, Ava. Good morning," bati niya sa akin.
Napakurap ako at agad ding ngumiti. "Good morning din, Sir Kento."
Mahina siyang tumawa. "Stop calling me sir. Sinabi ko naman sa'yo kagabi diba that you can talk to me casually."
"Inappropriate po kasi. Katulong lang ako dito," I reasoned out.
"Pero magkaibigan naman tayo, diba?" He asked.
Napakurap ako at hindi mapigilan ang mapangiti. "Kaibigan?"
"Ayaw mo ba?"
"No. Hindi!" Iling ko. "Naninibago lang."
He chuckled. "From now on, you're gonna call me Kento. Is it clear, Ava?"
I nodded. "Oo. Kento."
Lumawak yung ngiti niya saka umiwas ng tingin. Napangiti ako nang sobrang lapad. Yung tipong parang mapupunit na yung gilid ng labi ko.
"Anyway, gising na ba si Tim? Hindi ko kasi siya sumasagot sa mga tawag ko kaya pumunta na ako dito," tukoy niya sa amo ko.
Nang banggitin ang pangalan ng lalaki at bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Damn! Gusto kong kalimutan pero hindi ko magawa. Ikaw ba naman ang mahalikan, tingnan natin kung lulubayan ka ba ng alaala.

BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe
RomanceMoans... I hear moans. "Ughh faster!" I covered my ears like an innocent child hoping that they would quiet down. I ran back down to the kitchen and drank a glass of water. I'm not paid enough for this. Thinking back and I was already regretting my...