Chapter 4

7 1 0
                                    

Huminto yung sasakyan sa harap ng malaking gusali. Towering buildings are not new to me since I lived one. Pamilyar sa akin ang gusaling ito. Mukhang nakapasok na ako dito noon.

"PA, bilisan mo," utos sa akin ni Timothee bago lumabas.

Kumunot noo ko. "Ano po yung gagawin natin dito?"

Napahinto siya at dumungaw sa loob ng sasakyan. He scoffed. "You are ny personal maid and yet you are not aware of what I am doing today? Anong klaseng maid ba ang h-in-ire ni Dad?"

Patago akong napairap at hindi na sumagot. Baka ano pa yung masabi ko. Mabuti nga sakanya na ginalang ko pa siya kahit na ang sama-sama niya sa akin.

"Dude naman. Nagtatanong lang si Ava," sita ni Kento.

"Ava? May pangalan pala 'to?"

Napailing nalang yung kaibigan niya at sinagot yung tanong. "Anyway, to answer your question. Nandito tayo for a photoshoot. Hindi mo siguro alam pero isang model ng kilalang underwear brand boss mo."

Napatango ako. May income din naman ang salbahis kong amo. So bakit kailangan pa nilang ipakasal ito sa akin? To think that he can be a stockholder of his father's company. They both can benefit from it!

Napahinto ako nang magpagtanto kung saan kami ngayon. Sht! I visited this place a week ago kasi sinamahan ko yung pinsan kong kilalang model. Everyone in the studio practically know me. Paano nalang kapag namukhaan nila ako? Then my cover will be blown!

"Ava, let's go?" Aya ni Kento.

"A-Ah. Susunod lang ako," pilit akong ngumiti.

"Are you sure? Baka mawala ka sa building," nag-aalala niyang tanong.

"Pwede naman akong magtanong-tanong. Kaya ko na."

He nodded. "Okay." Kinuha niya yung bag ni Timothee na ako sana yung magdadala. "See you there. Kapag nawala ka, just call me and I'll find you."

He handed me a calling card which I gladly took. "Okay."

Kumaway na siya sa akin at sinundan si Timothee na nakapasok na sa loob. Hindi mawala yung ngiti sa labi ko nang maisip na may number na ako kay Kento. I don't know why pero kinikilig ako!

"Hija, ngingiti ka lang ba d'yan?" Sita nung driver.

Napalingon ako sa direksyon niya at hiyang na napangiti. "Ay hehe. Sorry po," I paused. "May face mask po ba kayo?"

Kumunot yung noo niya. "Bakit?"

"Ano kasi... feel ko kumakati yung lalamunan ko. Ayoko lang mahawaan yung boss kung sakaling may ubo ako," palusot ko.

Bahagyang napaatras si Manong. Luh? Hindi naman siguro nakakamatay no?

"Meron. O ito," abot niya sa akin. "Lumabas ka na din. Baka mahawa mo pa ako. Bilis!"

Napanguso ako at sinuot yung face mask bago lumabas. Agad niyang pinasara yung pinto at humarurot papalayo. Bumaba ang magkabila kong balikat. Ang arte naman nun.
People never treated me this way. Yung pandidiri nila sa akin ay hindi ko naranasan noon. Mas lalong hindi pa ako sinigawan at pinagmaliit. Ganito ba talaga ang mundo? Iba yung treatment ng mga tao depende sa estado ng buhay?

Bumuntong-hininga ako at hinarap yung building. Ito nga yung pinuntahan ko last week. Papasok na sana ako ng building nang harangan ako nung security guard. Handa ko na sana siyang sigawan kung bakit hindi niya ko papasukin pero naaalala ko na isang katulong pala ako. I frowned behind my mask.

"Manong, personal maid po ako ni Sir Timothee. Papasukin niyo na po ako kasi baka mapapagalitan pa ako nun," paliwanag ko.

"Katulong nga ba o isang fangirl? Nako hija. Hindi na bago sa akin ito. Ilang beses na akong sinabihan ng ganyan sa mga kapwa mo fans. Hindi niyo na ako mauuto," iling niya.

Yes, No, MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon