Chapter 9

4 1 0
                                    

"Rosie's gonna be coming over," rinig kong sabi ni Timothee sa ama.

I am currently cleaning up the things I used when I cooked their breakfast. Pumintig yung tenga ko nang makarinig ng pangalan ng babae. Rosie? I never heard that name before. Hindi niya rin naibanggit mula nung namasukan ako.

"Really? What time will she be here?" Sabik na tanong ni Sir Vincent.

Tumaas yung kabila kong kilay. Mukhang may excited na makita yung babae. Hindi naman sa nagseselos ako but didn't it bother him that I can hear their conversation?

Tinapos ko nalang muna yung pagliligpit and exited the kitchen. That Rosie girl did piqued my interest but not enough for me to stay longer to listen more. Mukhang marami pa akong gagawin. Sinundan ko si Manang Abby na balak na sanang magwalis sa gilid ng pool.

"Manang," tawag ko sa kanya. "Ano po yung maitutulong ko?"

Hinarap niya ako at nilagay yung mga kamay sa beywang. "Personal maid ka ni Sir Timothee kaya dapat palagi kang nakabuntot sa kanya. Pero nand'yan naman Daddy so pahinga ka muna," sagot niya at bumalik sa pagwawalis.

"Wala po bang dapat linisan? Tutulungan ko nalang po kayo," I offered.

Hinarap niya ulit ako. "May dapat linisan pero hindi mo kaya."

"Kakayanin ko po!"

Tumaas kilay niya. "Sigurado ka? Wala akong tiwala sa katawan mo."

"Aatras po ako kapag hindi ko kaya pero kung kaya ko naman ay bakit hindi?" Desidido kong sabi.

Let's just say cleaning for me is healing. Yung iba ay ayaw maglinis kasi nakakatamad pero para sa akin ito lang yung pahinga ko. Ayokong makakita ng kalat at as much as possible, dapat malinis yung paligid ko. Minsan nga nang makauwi ako ng gabi na sa bahay tapos may kalat ay hindi muna ako natulog. Niligpit ko muna. 12 am na pero nag-ge-general cleaning pa ako. Diba wholesome?

"Yung pool," turo niya sa pool. "Wala pa kasi si Pablo para maglinis. Mukhang nag-away na naman sila ng asawa niya at natagalan. Kaya mo bang linisin 'yan?"

Napatingin ako sa pool. Clear pa naman yung tubig pero andaming bagay na makikita sa ilalim. To get this all cleaned up, kailangan itong i-drain at linisan nang maigi.

"May event po ba? Bakit kailangang linisan yung pool?" I asked.

"May magaganap na despedida bukas nang gabi para kay Ma'am Rosie," sagot ni Manang.

For the second time this day, tumaas yung kilay ko. Pangalawang beses ko nang narinig ang pangalan na iyan pero hindi ko siya kilala. Despedida?

"Ma'am Rosie?" I asked.

"Si Ma'am Rosie ay kababata ni Sir Timothee. Parang adopted daughter na din iyan ni Sir Vincent kasi palagi 'yang dito bumibisita. Ilang beses na din 'yang nakitulog dito. Sobrang close nila ni Sir Timothee, parang magkapatid na yung turingan. Napaisip nga ako kung bakit hindi pa naging sila," she replied.

Bakit hindi pa naging sila? Pft. I mean paano ba maging sila 'e destiny na para kay Timothee ang maikasal sa iba. Kung ganun na nga sila kaclose, imposibleng walang developan ng feelings ang nangyari. They could like each other but can't be together because the other one is bound by a fixed marriage.

"Ayun nga. Nakita na ni Ma'am Rosie yung totoo niyang mga magulang na nasa Estados Unidos at gusto nilang umuwi na sa kanila yung matagal na nilang hinahanap na anak," dugtong ni Manang.

I nodded. "Sayang. Hindi pa naging sila."

I am genuinely sad but not for them, but for me. Kung sanang naging sila man ay hindi sana ako nakatali sa kasalang ito. Right now, I should be in my office or in my room, designing new clothes. Naiwan ko na nga yung trabaho ko. Buti nalang pumayag pinsan ko na siya muna yung magma-manage sa business while I do another business.

Yes, No, MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon