Chapter 10

3 1 0
                                    

"May lakad muna kami. Kayo na ang bahala sa bahay ha," lingon ni Mr. Chandler sa amin.

Nasa bukana kami ng mansyon ni Manang habang papalabas naman sina Mr. Chandler, Timothee and Rosie. Masama pa rin yung tingin ng babae sa akin pero hindi ko ito pinansin. Si Timothee naman ay walang emosyon yung mukha. Who knows what's going on inside his head?

"Sige po. Kami na po ang bahala ni Ava," sagot ni Manang at bahagyang yumuko.
Nilipat ni Mr. Chandler yung tingin niya mula kay Manang papunta sa akin.

"Aalis na kami," paalam niya at tumalikod.

Gaya ni Manang ay bahagya din akong napayuko. Ramdam ko pa yung titig ni Rosie sa akin bago sumunod kay Mr. Chandler. Walang kibo naman si Timothee na sumunod sa ama. Tuluyan na silang nakapasok sa sasakyan at lumabas na ng mansyon. Agad akong nilingon ni Manang na nakahalukipkip.

"Anong ginawa mo kanina?" Istrikta niyang tanong.

Sabi ko na nga ba. Hinding-hindi talaga ako makakalusot kay Manang. Well. Alam na siguro ng lahat na maldita ako.

"Pinagsabihan lang po si Ma'am Rosie," sagot ko.

"Pinagsabihan? Bakit ang laki ng boses niya na para bang gusto ka na niyang sampalin?" Kunot-noo niyang tanong.

I chuckled. "Nasampal na po niya ako," hinarap ko sa kanya yung parte ng pisngi na sinampal. "Kaya nga po namumula. Natatakot ako na mamaga."

Sobrang alaga ko sa mukha ko tapos dadampi lang palad niya nang ganun nalang? What's worst is that I let her get away with it. Pinabayaan ko lang siya at wala akong ginawa pabalik. Kung hindi lang sana ako katulong ay kinaladkad ko na 'yun palabas. Sadly, I'm just a maid at hindi ko din pagmamay-ari yung tahanan. Ang kapal naman ng mukha ko kapag ginawa ko 'yun.

Napasinghap si Manang. "Oo nga! Sobrang lakas siguro ng pagkasampal ano? Paniguradong mamamaga iyan."

I frowned. Sabi ko na nga ba. Dapat pala sinampal ko din siya pabalik.

"Huwag ka nang sumimangot. Pwede mo namang dampian ng yelo. Magiging okay din 'yan."

I nodded. "Sige po. Kukuha nalang muna ako ng yelo."

"Samahan na kita."

Sinamahan ako ni Manang sa kusina para kumuha ng yelo. Siya na nga yung nag-prepare para sa akin. I am touched. Akala ko super strict niya pero may soft side din pala. I misjudged her. Sorry about that.

"Saan po sila pupunta?" Tanong ko kay Manang.

Inabot niya sa akin yung yelo at agad ko din itong tinanggap. Idinampi ko sa pisngi ay ramdam ko yung pamamaga nito.

"Hindi ko alam pero babalik din yung mga yun. Siguro bukas ng umaga sila uuwi," she replied.

"Kilala niyo talaga sila, ano?"

"Oo naman. Mula nung ipinanganak si Sir Timothee, ako na ang nag-alaga sa kanya," sagot niya.

Bumalik sa ala-ala ko nung may katalik si Timothee. I didn't expect that Manang Abby could raise her voice to Timothee. Hindi ko din inaasahan na makikinig si Timothee sa kanya. Now I know why. Para na ring magulang niya si Manang Abby.

Pero saan yung Mommy niya?

"Pwede po bang magtanong?" I raised my hand.

"Anong tanong naman?"

"Saan po Mommy ni Timothee?" I asked. "Ilang araw na din kasi ako dito pero hindi man lang naibanggit yung Mommy niya."

Ngumiti nang malungkot si Manang. Right there, I knew that I asked the wrong question.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yes, No, MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon