#2 Hello Manila

250 9 0
                                    

Ali's POV:

"Heto na tayo sa paalam." Bumuntong-hininga ako habang pinagmasdan si nanay at si Mikmik.

Sa gusto ko man o sa hindi, aalis talaga ako. Kailangan kong pilitin ang sarili ko na tanggapin ang sitwasyon at panindigan ang desisyon ko kahapon.

"Alam ko na hindi magiging madali ito para sa'yo anak. Pero alam mo kung ano ng dapat mong gawin?" Bigla na lang may payo si nanay ng malaman niya na kinakabahan ako.

"Magpakatapang. Huwag kang madaling sumuko anak ha? Labanan mo lahat. Tandaan mo, hindi ito magagawa ng ito," Tinuro niya ang aking mga kamay at katawan.

"Pero ng ito," Napunta ito sa aking ulo, "At lalo na ito." Napatingin ako sa kanya ng tinuro niya ang aking puso. Naramdaman ko na umiinit na ang mga mata ko, kaya naman yinakap ko siya para hindi niya mapansin.

"Mahal ka namin." Sa huling pagkakataon, yinakap ko ang mga taong pinakamamahal ko sa aking buhay.

"Ingat ka doon ate. Mami-miss ka namin." Malungkot ako na ngumiti habang pinipigilan ang luha ko. 'Di nagtagal at sumama na ako sa loob ng van ni Tito Sammy, at hinayaang lagpasan sila nanay, Mikmik, at ang aking tahanan.

"I know it's hard Ali, pero huwag kang mag-alala. Andito naman ako para tulungan ka." Ngumiti lang ako sa sinabi ni tito pero agad naman ito napunas dahil patuloy na lumalakad ang sasakyan. Alam ko kasi na mas lalo akong lumalayo sa bahay ko, at iyon ay nakakalungkot.

Isang luha ang pumatak galing sa mata ko, at agad kong pinunasan ito gamit ng aking kamay. Mabuti na lang at pumuwesto ako sa pinakalikuran at hindi na nakatingin si Tito Sammy. Pinilit kong huwag isipin ang mga nangyari, kaya naman pinikit ko ang aking mga mata at di namalayan na nakatulog na pala ako.

"Ali," May naramdaman akong humahawak sa aking mga balikat, pinipilit na gisingin ako kahit na halata naman na hindi ko gusto.

"Ali, gising na."

Hayop! Sino ba 'to? Kita niya naman na masarap ang tulog ko dito tapos gigisingin niya lang ako? Ah alam ko na, si Mikmik! Ano bang problema ng batang 'to? Kahit kailan 'di ako tinitigilan. Anak ng— walang magawa ang nescafé kung ayaw kong babangon!

"Ali, we're here in Manila."

Palaka!

Agad kong minulat ang mga mata ko at tinakpan ang aking bibig. Baliw talaga ako, kung ano-ano ang iniisip! Mabuti na lang at wala akong may nasabi kay Tito Sammy. Baka bigla niya akong ibalik sa amin.

"Ay..." Nilibot ko ang tingin sa aking paligid at agad kong napansin ang pagkaiba ng paligid.

Muntik na tumulo ang laway ko dahil pagkatingin ko pa lang sa bintana, nakita ko na kaagad yung pinapangarap ko. Naramdaman ko ang sigla sa aking katawan habang minamasdan ito. Sa sobrang tuwa ko, gusto ko mag round two sa pag-iyak.

"Wow. Angas!" Tumaas ang gilid ng labi ko at malapit na itong mapantay sa aking mata. Sheesh! It's University of Santo Tomas mga kapit bahay!

Patuloy kong pinapanood ang eskwelahan habang tumatakbo ang sasakyan. Hindi ko makikita yung main building dahil ang sobrang layo, pero, sapat na na nakita ko ang Arch of the Centuries. Hay, it feels so surreal.

Natulala ako sa labas habang pinapanood ang kalalakihan nito. Hindi sa kalayuan ay huminto na kami at bumaba sa van. Nagulat ako na hanggang dito, makikita ko parin ang UST field sa tapat ng binabaan namin.

RedDoorz, DORMUS

"Tara?" Binigyan muna ako ng kaunting oras ni Tito Sammy para mapagmasdan ang aking paligid, bago ako tumango at pumasok sa loob ng dorm.

"Wow." Hindi ko alam kung pang-ilang beses nang lumaki ang bunganga ko ngayon araw. Nakakamangha talaga dito kasi, ang daming mga gamit na hindi ko makita doon sa probinsya.

"Kinuha ko ang dorm na 'to dahil malapit siya sa UST. Pwede mo lang lakarin papunta doon, lakarin mo lang ang España." Kinunot ko ang noo sa sinaad niya.

"España po? Naging ibang bansa tayo ah." Simple siyang tumawa at linagay lahat ng gamit ko sa sahig. Napansin ko na may isang kama pa dito. May roommate pala ako.

"España yung tawag sa lugar dito. España Boulevard is a major lane, the streets shall I say." Napaawang na lang ang bibig ko dahil todong English naman si Tito Sammy. Kahapon pa 'yan ah, parang di ko na siya ata kilala.

Nag-usap usap kami muna. Binanggit niya sa akin yung bayad tungkol sa dorm. Sabi niya siya na daw bahala sa lahat, pati ng pagkain ko pero agad kong siyang tinanggihan. Alam mo, ang bait talaga ni Tito Sammy pero minsan talaga, masakit siya sa ulo. Ilang beses ko nang sinabi na kaya ko na ang sarili ko at magtatrabaho na lang ako para mabayaran yung dorm. Pero ganon parin, di nagbago ang isip niya. Kaya naman napag-desisyonan niya na hati na lang kami sa gastusin sa dorm. Tsaka, ako na lang bahala sa pang gastos ko araw-araw dahil may natira naman akong savings. Kaso, ayaw niya naman sa ideya ko ulit. Kahit ganon, pinilit ko siya at sa huli, talo siya.

Pinag-usapan din namin yung tungkol sa paaralan. Binigay niya sa akin ang schedule ko at pinaalam niya ang lahat na gagawin ko para bukas. Hindi ko pa masyadong maintindihan dahil di ko alam kung saan yung sinabi niyang qpav at carpark daw. Ngunit, malalaman ko daw bukas dahil bibigay naman sila ng guidebook. Basta, alam ko lang kung nasaan yung main building.

"Kaya ko na po ang sarili ko tito. Malaki na ako." Parang hindi ko siya yata makumbinsi dahil sa mukha niya pa lang, parang nagdududa na siya.

"Hindi pwede 'yon Ali. Ito kasi yung huling hiling ng tatay mo bago siya pumanaw. Nangako ako na babantayan kita na parang tunay na anak. Hindi pwede't basta't-basta ka lang masaktan." Luh, parang naging si tatay siya saglit ah. Pero, hiling pala ni tatay na makapasok ako sa UST?

"Gusto niya maging masaya ka." Napatahimik kaming dalawa at lumamig yung kapaligiran.

Round three ng iyakan na 'to.

"Anyways, iwan na kita Ali. May lunch ka dito. Ikaw na lang bahala sa dinner basta huwag kang lumayo sa area na 'to ha? I will tell Eziekel to be your bodyguard habang pumapasok ka."

"Hakdog?" Gusto kong umubo pero nakakahiya dahil wala naman laman ang lalamunan ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling 'to pero, parang bigla na lang may umiikot sa tiyan ko at napabilis din ang takbo ng puso ko. Malamang dahil kay Eziekel 'to. Wala naman akong ibang kilalang tao na magpapakilig sa akin ng ganito kundi siya.

Dumating ang roommate ko at nagpaalam na kaagad si tito. Talagang awkward kaya naman nagpakilala ako, at gayundin siya. Alam mo kung ano ang nangyari pagkatapos nun? Edi back to awkward. Sinubukan ko na lang magligpit ng mga gamit at kumain. Pagkatapos nun, pumunta ako sa bintana dahil wala naman akong magawa.

"Ganda." Ang tanging sabi ko habang tinatanaw yung España.

Napangiti ako. Ilang beses ko nang sinasabi 'to pero, sadyang di talaga akong makapaniwala na umabot ako rito. Eh kasi naman, akala ko naman pang-habang buhay lang ako nasa probinsya, nag-aaral at tumatanim. Pero ngayon, isang malaking biyaya ito sa akin. At lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa itaas.



Hello Maynila.

Please, be good to me.

~

Author's note 📜:
Thank you!

-sebongssi

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now