#5 A Refreshing End

149 10 0
                                    

Song: Robbers by The 1975

Ali's POV:

"Wala na bang mas bagal diyan?"  Bumalik kami sa UST. Nasa Quadricentennial Park na daw kami ngayon. Ang ganda kaya dito, nakita ko yung fountain tapos yung statue.

"Ano'ng sabi mo? Hoy, huwag mo akong minamaliit ha? Alagang probinsya 'to. Araw-araw kaya akong lumalakad." Inirapan ko siya.

"Eh araw-araw din akong lumalakad. In fact, all humans walk everyday." Pangpilosopo niya at saka ngumisi.

"Nakakabad-trip ka rin ano? Hayop ka talaga!"

Question lang, mabagal ba talaga akong maglakad? Kasi lagi 'tong sinasabi ni Mikmik sa akin, gayundin noong nakita ako ni Tito Sammy. Madaldal ba talaga ako? Blink once if yes.

Char, wala naman sasagot sa akin dito eh. Tanggap ko na na lonely talaga ako. Ako lang talaga mag-isa. It's just me, myself, and I, and... Eziekel in my heart. Joke!

Patuloy kaming lumakad papunta sa harapan ng main building. Actually, may pinto naman sa likod pero ang dami niyang arte at gusto niya ipakita sa akin ang entrance.

Habang lumalakad, napansin ko lang. Bakit ang daming nakatingin kay Ezi? Halos lahat ng babae nagbubulungan, tapos nakikiliti. Naging heartthrob ba ang best friend ko? Kanino pa 'to sa Lovelite eh! Muntikan na ako talagang mangtusok ng mata.

"Tuloy ka señorita." Inalok niya sa akin ang kaniyang kamay. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa. Siguro, pinapabagay niya lang sa mood kasi parang tumitira kami sa unang panahon. Mala Espanya kasi ang estilo ng building.

"Salamat." Kinuha ko ang kaniyang kamay at yumuko ng kaunti. Sinabayan ko siya sa kaniyang trip. Oh diba, nagmukha kaming tanga?

"Wow! Ang ganda talaga dito Ezi! Hindi ako na inform na may museum pala!" Pagkatapos namin umakyat ng hagdan, pinasok niya ako sa isang museum. Hinayaan niya akong libutin ito at sumunod lang siya na parang aso.

"Wow!"

"Angas!"

"Luh ano 'yan?"

"Hala ang tagal na pala 'to?"

"Lumayo na lang tayo Ezi, baka masira ko pa ang mga 'to!"

"Sino 'yan?"

"Hanep!"

Feel ko ata naikot ko na lahat ng parte ng museum. Napakaganda ng mga nakikita ko. Syempre, hindi lang sila bagay pero bitbit nila ang iba't-ibang kuwento at kasaysayan na may malaking halaga. Kaya naman, rinirespeto ko ang bawa't-isa sa kanila.

"Is this really who you are?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ezi.

"Pinagsasabi mo diyan? 'Di pa ba ako sapat?" Pinagkrus ko ang braso at tiningnan siya ng masama.

"You're more than enough." Napahinto ako at unti-unting binaba ang aking braso. Uminit ang mukha ko kaya umiwas ako kaagad sa kaniya.

Luh, nawala angas ko doon ah.

"E-eh, ano'ng ibig mong sabihin?"

"What I meant is, has this always been you? Madaling maging masaya sa mga maliit na bagay?" Kinagat ko ang ibabang labi at napagtanto sa tanong niya.

"Bakit naman hindi 'di ba? Mas natutuwa nga ako sa maliit lang eh, kasi, may kakayahan pa siyang magpasaya kahit hindi naman siya gaano kalaki na mapapansin ng lahat." Bumalik ako sa pagtanaw ng iba't-ibang bagay dito.

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now