#7 Yearn For You

124 6 0
                                    

Ali's POV:

"Because for me, I can't."

"Argh." Saad ko habang binangga ang ulo sa loob ng elevator. Wala naman tao rito, except sa CCTV na wala rin akong pake.

Paulit-ulit nag replay yung sinabi ni Eziekel sa akin. Actually, gusto ko nang kunin yung utak ko dahil 'di talaga mapunas ang mga salita niya.

Naguluhan ako. Alam ko na wala naman talaga meaning yung sinabi niya pero feeler kasi ako kaya pakiramdam ko na meron. Ano ba ang dapat isipin?

"Hindi, okay lang 'to. Happy crush ko lang siya. Okay lang kiligin basta laging tandaan, alam ko ang limits."

Tumunog na yung elevator at agad ako lumakad papunta sa room.

"Good afternoon po." Nagulat ako nang andiyan na pala yung roommate ko. Akala ko magabihan siya katulad kahapon. 'Di kami nag-usap ni isang beses kasi maaga rin akong nagising.

"Good afternoon din." Saad niya at bumalik sa pag-ayos ng kaniyang duffel bag. Hala, ba't medyong cold niya? Lumakad ako malapit sa kaniya kasi doon naman nakapuwesto yung higaan ko. Bale sa gitna ng aming higaan, may isang malaking desk doon na pwede namin ma share.

"Um, ano nga ang pangalan mo?" Huminto siya at tumalikod. Tiningnan niya rin ako pagkatapos.

"Elysa Chandria Salvador. It's pronounced as Ellisa not Elaysa. But for short, you can call me Ely. Although, only my close friends call me that."

"Ah." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Actually gusto ko sana na tawagin siya ng Ely kaso sabi niya nga, close friends lang daw. Ayaw ko naman maging feeling close 'no! 'Di rin ako na-inform na Englishera rin pala 'to.

"So... Elysa, volleyball player ka sa FEU?" Tiningnan niya ako ulit pero mukhang gulat siya ata.

"How did you know?" She frowned na para bang masama yung tanong ko.

"Hala hindi ako stalker! Ano lang kasi, nakita ko sa school uniform mo at saka I.D. Ayon oh, may jersey ka din na number 14. Birthday mo 'yan? Joke." Napangiti naman siya sa mga sinabi ko kaya medyo nawala yung kaba ko.

"I never said you're a stalker. I was just confused." Bumalik siya sa pag-ayos. Siguro may training siya bukas.

Lakas maka Ezi rin ang dating. Sobrang savage rin niya pala. Send help asap.

"One thing's right though, 14 is my birthday. Most of the athletes do that anyway. Yet sometimes, nilalagay nila yung birthday ng kanilang crush." Sabi niya ng walang emosyon. I bet single 'to, sobrang pait eh.

"What's your name din again?" Sinira niya ang kaniyang duffel bag at linagay sa ilalim ng kaniyang kama.

"Alyssa Liezel Levista, pero mas prefer ko na tawagin mo akong Ali. Huwag kang mag-alala, kahit 'di ko close pwedeng-pwede akong tawagin niyan." Tumaas ang kaniyang kilay.

Heto naman! Joke lang 'yon eh, di ko naman siyang pinagmumukhang maldita. Wala naman talaga akong balak na tawagin siyang Ely, kahiya naman! Sana, nag shut up na lang ako. Parang ininsulto ko pa siya. Parang sarcastic? Ganon.

'Di naman nagtagal and we shook hands. Natanggal naman ang pagkataas ng kilay niya at binigyan ako ng matipid na ngiti.

"Nasaan pala yung FEU? Malapit lang ba sa dorm?"

"Not really pero kung diretsuhin mo ang España, makikita mo na kaagad ang FEU." Tinuro niya yung daan sa labas at tumango naman ako.

"Pwede ba magtanong?"

"Sure."

"May alam ka bang mga part time jobs dito?" Alam kong second day ko pa lang dito. May pera pa naman akong nakahanda pero kapag hindi ako gumalaw ngayon, mauubos ito kaagad.

"None. But, try sa school niyo. Maybe meron."

~

At may tama nga si Elysa! Nakahanap ako ng maliit na part time as tutor para sa mga junior high school students. Kaso, next week pa raw mag start kasi kakasimula pa lang ang klase.

Nagpatuloy ang araw at hindi ko na nakita si Ezi ulit. Ang laki kasi ng paaralan tapos wala pa akong phone. Umaasa ako na magtagpo kami ulit pero ang labo.

Hay, ang lungkot na talaga ng buhay ko. Can't you see? I'm depressed na.

Kaya naman parang wala akong kaluluwa ng mga nakaraang araw. Epekto 'to na walang isang Eziekel sa tabi ko. Hindi ko alam dahil parang good girl naman ako this past few days. Wala naman akong ginawang mali diba rold? O, meron? Luh!

Friday ngayon at early dismissal dahil may meeting yung prof namin. Agad naman akong pinilit ni Kiesha na pumunta ng carpark para kumain. Siya at yung hilig niya sa pagkain against the world. Hay nako.

"Tara I'm so excited! Saan gusto mong kumain?" Hinila niya ang palapulsahan ko ng makalabas kami ng building. Malapit lang naman eh, sa tapat lang.

"Bahala ka. Kung saan ka masaya." Bumuntong hininga ako dahil wala pa siyang may nakain, ang hyper niya na.

"Okay! Arat na, mag Subway tayo." Masaya siyang ngumingiti habang papunta kami roon. Nang makapasok kami, nilibot ko kaagad ang tingin. Muntik na akong hindi makahinga ng makita si Ezi. Babatiin ko sana siya pero na-realize ko na kasama niya ang kaniyang mga kaibigan. Sila ata yung nakita ko na tumatawag sa kaniya ng first day kami nag meet. Yung mga iniwan niya.

"Huy—baliw! Ba't parang mas naging excited ka pa sa aking umorder? Akala ko pa naman wala ka sa mood." Masungit na saad ni Kiesha ng hinila ko siya sa counter ng walang babala. Wala akong pake basta huwag lang muna ako makita ng mga kaibigan ni Ezi. Nakakahiya.

"Ano'ng pinakamura rito?" Naguluhan si Kiesha ng tinakpan ko ang mukha gamit ang bag.

"Shunga! Nangyari sa'yo teh?" Tinitigan niya ako na parang isang baliw na nakatakas sa mental hospital.

"Basta! 'Yon na lang akin oh! Sliced chicken. Bilisan mo mag order at aalis tayo." Praning kong sabi.

"Luh, asa ka? Pumunta nga tayo rito para kumain 'di ba? Ano'ng pinagsasabi neto?" 'Di niya akong binigyan ng pansin at patuloy umorder.

"Isang steak and cheese po at isang sprite. Paki add na lang din po ng sprite sa isang order kanina. Thank you." Habang nagsasalita si Kiesha sa tabi ko, pasimple naman akong sumilip-silip sa table nila. Mukha talaga siyang heartthrob kahit wala man lang siyang ginawa kundi tumawa. Nakakatunaw yung pagkagwapo niya.

"Tara na huy!" Nagsimulang lumakad si Kiesha patungo sa table nila. Ngayon ko lang na realize na wala nang bakanteng upuan maliban yung nasa likod nila. Kailangan ko silang lampasan bago makaupo roon!

"Sorry!" Dahil sobrang nagpa-panic ako, 'di ko namalayan na nabangga ko ang taong nakaupo at kumakain ng kaniyang meryenda. Nakalimutan kong tinatakpan ko pa pala yung mukha ko gamit ng bag! Ang baliw ko naman!

Agad kong pinulot ang kaniyang cellphone at wallet at binalik sa kaniya.

"Oh, parang familiar..." Maigi akong tinitigan ng lalaki kaya medyo nailang ako.

"Ali?" Napunta yung tingin ko sa lalaking katabi niya. Shoot, si Ezi!

"Ay siya pala si Ali tol?!"

"Ahhh, si Ali. Ehem ehem."

"Tabi na kayo bilis! Hali kayo rito, sabay na tayong kumain." Saad ng barkada niya.

Patay na.

~

Author's note 📜:
Keke. Thank you!

-sebongssi

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now