#8 Getting Together

151 11 8
                                    

Song: Marikit by Juan x Kyle

Ali's POV:

Pinaupo ako ng barkada niya sa kanyang tabi. Kahit na katabi ko rin si Kiesha, medyo awkward parin dahil ang lakas nilang makatingin.

Ano ba?! I feel so judged right now!

"Um, Ezi, kamusta ka na?" Nang malaman ko na bumalik sila sa pagkain, kinuha ko ang chance para mag-usap kami muli.

"I'm good Ali." Sagot niya, nagkadahilan ito para umubo ang kanyang barkada. Parang 'di naman totoo yung mga ubo nila, halatang napakapeke.

"Good daw pero parating sad." Saad ng isa na singkit ang mga mata. Ang cute ng cheeks niya. Mabilog na kahit wala pa siyang kinain.

"Tama. Alam mo Ali, parati ka niyang hinahanap araw-araw. Naghihintay rin siya sa labas ng building niyo kasi 'di niya alam schedule mo. Kawawa naman 'diba?" Sabi ng isa na buo ang ngiti.

"Aguy, wawa naman." Dagdag ng lalaking moreno na matangkad. Patuloy nilang inasar si Ezi na nagmamakaawang itigil na 'yon.

"Naghihintay ka pala? Ba't hindi kita nakikita? Sorry Ezi, madalas akong umuuwi ng maaga sa dorm."

"It's okay. Bigay mo lang schedule mo sa akin. I'll give mine too." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kilig much!

"Luh, feeling jowa naman 'to si Ezi. Haha. By the way, ako pala si Adrian. Nice to meet you." Pakilala ng lalaking ikalawang nakipag-usap.

"Ako si Reynold. Solid tigre talaga ako. Pamilya ko na 'yan." Sabi ng lalaking unang nakipag-usap. Yung mabilog yung cheeks. Cute.

"Ako naman si Hendrix. Pogi talaga ako at tsaka moreno. Secret lang natin 'to ah? Pero ako talaga yung tinutukoy ni Athena sa movie. Yung matangkad, medyo moreno, yung mga mata mapungay, tapos magaling sumayaw, tapos kapag mag-smile ako, hay nako grabe talaga, mai-inlove ka—"

"Baliw!" Tawa ni Adrian pagkatapos niyang binato si Hendrix.

"Huwag mo silang pansinin. Hi, I'm Jericho. Yung pinaka-normal maliban kay Ezekiel." Ngiti ng isa. In fairness, tangos ng ilong. Gwapo nilang lahat ah.

"Hiyang-hiya naman kami sa'yo Rico." Sambit ni Reynold.

"Ako nga pala si Alyssa. Pero mas gusto ko yung Ali, kaya Ali na lang. Heto yung bago kong kaibigan, si Kiesha." Tinuro ko yung babaeng katabi ko at ngumiti lang ito.

"Hoy! Kilala kita! Yung Kiesha?" Muntik ko nang madura yung iniinom ko ng biglang sumigaw si Adrian.

"Ay oo pala! Sa choir noong junior high?" Na excite rin si Kiesha at muntik din itong tumayo.

"Hanep ganda ng boses mo noon! Magkatabi tayo eh!"

"Ikaw din kaya!"

"Oy, ehem ehem... Meant to be!" Tukso ni Hendrix habang tinititigan silang nag-uusap.

"Tanga." Sambit ni Kiesha pero kung makangiti parang aabot ito sa langit.

"So, may balak na ba kayong umuwi pagkatapos nito?" Tanong ni Reynold.

"Oo." Sabi ko ng walang duda.

"Ay huwag naman sana Ali. Punta kayo sa qpav, may try-outs na kasi sa basket para this year." Dadgdad niya.

"May try-outs pa pala? Akala ko team captain na si Ezi? Sabi ni Kiesha."

"Siya naman talaga. Kahit may try-outs, sabi ni coach noon, prinepare niya na si Eziekel. Yieee! Go 'tol! Lodicakes kita talaga. My crush!" Pinisil ni Adrian si Ezi sa mukha at nagsitawanan silang lahat.

"You'll go right?" Napahinto ako sa biglaang tanong ni Eziekel.

"Syempre naman."

~

"Ang maaliwalas naman."

"Yieee! Si Ezi ba yung tinutukoy mo?"

"Yung court kasi 'yon eh! Heto naman. Kumikinang yung mga upuan dito. Dilaw na dilaw!" Laban ko kay Kiesha.

"Sus, kunware ka pa eh!" Pinagkrus niya ang braso at binaling yung tingin sa basketball court. Agad naman napunta yung tingin ko doon sa mga nagba-basket. At walang kahirap-hirap itong napadpad kay Ezi.

'Di ko alam kung bakit siya lang makita ko. 'Di ako sinabihan ng mga magulang ko ma may pagka-automatic 'tong mata ko. 'Di rin ako na-inform na may pagka-hakop awards din pala 'to sa pagtitig. Siya lang talaga, wala nang iba.

"Kailan birthday mo beh?" Napataas yung kilay ko sa biglaang tanong ng babae sa katabi ko.

"Out of the blue?"

"Ay hindi, out of the red." Pangpilosopo niya.

"Hay nako! Ikaw talaga. March twenty-four. Bakit ba?" Napabilog yung mata niya. Nakakatakot naman siya! Daig niya pa yung mga aswang sa pelikula!

"B-bakit ba? May mali ba sa birthday ko?" Nerbyos kong tanong. Kinakabahan ako dahil tinititigan niya ako na para bang tinatanong niya ang pagkatao ko.

"Hindi beh! Everything's right! Yieee!" Parang nagpalit siya ng mukha ng bigla siyang ngumiti ng malapad.

"Kiesha, may problema ka ba? Natatakot na ako sa'yo ha?" Alam kong dapat wala akong kinakatakutan  pero madalas kasi 'tong nangbibigla! Siya lang pala ang makapagbigay sa akin ng atake eh!

"Hindi ako baliw! Ang sinasabi ko lang, tama ang hula ko!"

"Ano'ng hula?"

"Kita mo yang mga numero sa jersey ng basketball players 'di ba?" Napataas ako ng kilay kasi obyus na obyus naman na makikita ko.

"May mata ako kaya oo." Saad ko.

"Shunga. Eh kasi, may meaning ang mga numbers na 'yon. It's either birthday nila, favorite number nila or special date na nangyari sa buhay nila. Pero alam mo kung ano'ng pinakamadalas nilang ginagawa? Ilagay ang birthday ng crush nila. At tama ako, number twenty-four yung jersey ni Eziekel! Ha! Ang galing ko talaga! Feel ko manghuhula ako in the past life! Yieee!" Hinampas niya ako sa braso pero patuloy akong napagtanto. Ang daming mga tanong at pangyayari ang pumasok sa utak ko. Pati na rin yung sinabi ni Elysa sa akin.

"Most of the athletes do that anyway. Yet sometimes, nilalagay nila yung birthday ng kanilang crush."

"Hala. Overthink malala~ haha." Tukso ni Keisha habang sumasayaw nang may maliit na galawan.

"Hindi noh! Baka naman may ibang meaning. Ikaw talaga, assumera mo."

"Assumera na kung assumera pero may tama parin ako!"

Umiwas na lang ako ng tingin habang patuloy parin siya sa pag-celebrate.

"Teka lang nga, aminin mo sa akin ha? May gusto ka ba kay Ezi?"

"Ha? Ano?!" Napatayo ako sa sinabi niya.

"Gulat na gulat? Curious lang ako kasi tinutukso kita ng walang paalam. Malay ko na o-offend ka na pala." Umupo ako ulit nang malaman ang kanyang rason.

"Um..." Hindi ako makasalita. Ano ba? Hindi ko rin alam ang sagot ko.

Nagulat na lang ako ng tumawa siya.

"Haha okay! No need na sabihin mo Ali,"



"Halatang gusto mo siya."

~

Author's note 📜:
Thank you mga peeps!

-sebongssi

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now