#3 Felicity of Dreams

166 10 0
                                    

Song: Crazy Little Thing Called Love by Queen

Ali's POV:

Narinig ko ang alarm at agad akong bumangon mula sa kama. Binilisan ko ang paglakad sa banyo pero sinigurado kong hindi ako nag-iingay kasi tulog pa yung roommate kong taga FEU. Oo, alam ko at 'di niya sinabi pero nakita ko ang uniform niya.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at nag-ayos. Malamang, first day ko kasi ngayon sa UST at sobra akong na e-excite. Finally, makikita ko ito sa personal!

Four-thirty a.m.

Tumingin ako sa oras, kaya naman sumuot na ako ng plain t-shirt na naka tuck-in sa maong pants. Simple lang kasi ito ang required para sa roarientation at freshman walk na activity ngayon araw. Wala pa akong I.D pero meron binigay si tito na temporary muna para makapasok ako.

Sinigurado kong nakaayos ang mga gamit ko at naka-lock yung pinto, bago ako sumakay ng elevator. Lumabas ako sa maliit na building at napunta kaagad yung tingin ko sa field ng UST. Ngumiti ako, obyus na na e-excite kaya naman pinakalma ko muna ang sarili ko at humanap ng makakain.

Nang matapos ako kumain, doon na nagsimula ang kaba ko. Parang 'di na ako makalakad dahil nanginginig ako. Gayun pa man, di ako tumigil. Pwede ako actually tumawid lang sa daan para makapasok sa gate pero bida-bida kasi ako eh. Kaya naman imbes na tatawid ako, dumaan ako sa UST na overpass. 'Yan, nababaliw na naman ako dahil lang doon.

Ng makapasok ako sa lapag ng eskwelahan, gumaan ang pakiramdam ko. Agad ako napatingin sa paligid at napanganga.

"Ang laki laki dito." Saad ko ng makita sa malapit ang Arch of the Centuries. Nakakamangha talaga.

"Op, huwag muna Ali. Focus muna kung saan ka pupunta. Okay?" Pinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga.

"Focus, focus, fo— ay, sorry!" Nag-panic ako kaagad ng nakabangga ako ng tao. Omygosh! Nakabangga ako ng isang Thomasian! Nakakahiya naman!

Pinulot ko kaagad ang kaniyang bag at humingi ng paunmanhin. Paulit-ulit.

"Baliw, okay lang talaga ako. Teka, College of Education rin kinuha mo?" Malaki na nga ang mata niya pero mas lumaki pa ito, siguro parehas kami ng course na kinuha.

"Oy tama, ikaw rin?"

"Oo. Ayos ah! Parehas tayong magiging teacher soon. I assume bago ka rito. Gusto mong sumama sa akin?" Sinuklay niya ang maikli niyang  buhok habang hinihintay ang sagot ko. Ang ganda niya actually, ang cute dahil ang laki ng mga mata.

"Syempre ano, wala pa kasi akong kaibigan." Tumawa siya.

"Edi kaibiganin kita. Hi, I'm Kiesha Marie Espina." Tinanggap ko ang kamay niya.

"Ako naman si Alyssa Liezel Levista. Pero, mas gusto kong tawagin na Ali. Kaya, Ali na lang."

"Sige. Tara na?" Tumango ako at sumunod na lang sa kanya.

Feel ko, favorite talaga ako ni Lord eh. Di naman sa pagmamayabang pero, bniyayaan ako agad ng kaibigan. Huwag mo naman ipahalata rold. Chariz.

Kinakausap niya ako habang naglalakad. Minsan sinasagot ko siya pero nadi-distract ako sa paligid. Makikita ko yung statue, yung mga kahoy, yung mga halaman, at iba pa. Nakita ko rin yung malaking letra na 'UST' na naka display sa harapan ng main building. Naiiyak na talaga ako sa ganda.

"Dream school ko ang UST, kaya pinaaral ako ng kakilala kong tito. Pero hindi ko talaga alam ang mga lugar dito. Sa probinsya kasi ako nanggaling. Sobrang laki." Kanina pa kami lumalakad, parang walang katapusan.

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now