#4 Finally, With You

149 8 0
                                    

Song: Na Na Na by Bini

Ali's POV:

"Ali!"

Agad akong lumingon dahil narinig ko ang pangalan ko. Bigla ako nakaramdam ng nerbyos dahil wala naman akong may nakita. May tumawag ba sa akin?

"Ali!" Lalakad na sana ako kaso may tumawag naman sa akin. Lumingon ako ulit pero tinitigan ako ng mga tao. Siguro, iniisip nila na baliw ako dahil bigla bigla ko na lang liniliko ang ulo ko sa taas, sa kanan, at kaliwa.

Mama! Sino ba 'yan? Hindi ba't ang aga-aga pa para sa mga ganitong bagay? Ang liwanag dito oh, please huwag naman ngayon. Nangingilabot na ako.

Pinikit ko muna ang aking mga mata at sinubukan na huwag pansinin 'yon.

Ali, okay lang 'yan. Baka kapangalan mo lang diba? Tama! Kapangalan mo lang 'yan. Siguro, hindi naman ikaw yung tinatawag. Wala naman tumatawag sa'yo diba? O, m-merom ba?

"Putik." Saad ko sa sarili dahil kung ano-ano ang iniisip ko. Napag-desisyonan ko na hayaan na lang at patuloy tumawid sa daan kaso narinig ko naman 'yon ulit.

"Ali!"

"Anak ng- Aah!" Naistorbo ako sa mga pangyayari at hindi ko namalayan na may sasakyan na pala sa katabi ko. Malakas itong pumito pero, huli na ako sa lahat! Hayop!

"Sandali!" Yun yung huling sabi ko bago kong pinikit ang aking mata at pinabayaan na matamaan na lang ako. Too late na kasi eh! Wala na talaga akong magawa!

Hinihintay ko na lang na masagasaan ako at lilipad sa ere. Tapos babagsak ako sa kalye at mabalian. Maraming dugo ang dadaloy mula sa ulo ko tapos bubuo ito ng sanaw. Dadalhin ako sa ospital at hindi ako mumulat kaya naman hihinto ako sa pag-aaral at hindi makuha ang mga pangarap ko!

Pero teka, wait! Bakit parang walang nangyari? Diba dapat matigas yung mabangga sa akin? Eh bakit sobrang lambot na 'to? Bakit hindi pa ako nasaktan?

"I'm sorry sir!" Narinig ko ang isang boses ng lalaki kaya naman napamulat ako ng mata. Nag-proseso muna ang utak ko ng ilang minuto at saka ko lang napagtanto na may lalaking yumayakap na pala sa akin!

Inangat ko ang tingin at nakita ko na patuloy na lang bumyahe ang sasakyan. Nasa gilid na ako ng kalsada, malamang dahil sa lalaking lumigtas sa akin. Mukhang siya na yata ang humingi ng tawad dahil sa kalokohan ko.

Good job Ali! First day of school at may utang ka na kaagad. Utang na loob.

Napansin ko na yinayakap niya pa rin ako, syempre dahil sinagip niya ako kanina pero, mabilis akong nagpakawala dahil hindi ko naman siya kilala.

"Salamat. Sorry ah? Malapit ka nang mapahamak dahil sa akin."

"No, it's not your fault. Ako dapat ang mag-sorry dahil tinatawag kita habang tumatawid ka sa daan. Sorry Ali."

"Hindi ah, oka-huh?!" Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahinto ako saglit dahil binanggit niya ang pangalan ko. Marami akong mga tanong kaya naman tumingala na ako para masagot ang mga 'yon.

"E-ezi..." Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang hitsura niya. Makinis at maputi ang balat, manipis na mata, mataas na ilong, mapino na labi, at matalas na mga panga.

Oh shet. Ang pogi niya.

"Eziekel?!"

"Yes, it's me Ali!" Hindi na akong nagpatumpik-tumpik pa at yinakap siya muli. Sa wakas, nakita ko yung best friend ko. Best friend na may halong crush. Emz.

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now