03 | Messenger

522 30 16
                                    

Modern Kumares
8:14 PM

Hana Morishita
Alam mo mars @Aurelia bilisan mo na panganganak mo.

Trina Gomez
I would agree. Grabeng cravings naman 'yan 'teh. Sinawsaw mo 'yong pancakes sa ketchup? Ayos ka lang? 😭

Aurelia Louise Sacuesa - Ricaforte
Anak, kita mo ginagawa ng mga kaibigan ni Mommy sa'yo o. I say hindi deserve maging mga Ninang 🙄

Saka hello? Dalawang buwan pa lang akong buntis, kalmahan niyo.

Trina Gomez
Kasi naman 😭

Naaawa na ako sa asawa mo. Dalawang buwan pa lang ang lala na ng mga pinapahanap mo sa kaniya. Dinig ko galing kay Luisito malapit na raw mag-expire 'yong pancakes na gusto mo.

Hana Morishita
Huy beh hindi safe sa baby!

Aurelia Louise Sacuesa - Ricaforte
Eh nagccrave nga kasi ako :<

Alangan namang pabayaan ko lang. Hindi rin ako mapakali eh.

Hindi ko naman guguluhin asawa ko kung walang hinahanap ang taste buds saka tiyan ko eh.

Saka malapit pa lang mag-expire. Hindi expired talaga. Okay lang naman kami ni baby.

Hana Morishita
Hays. Ang hirap maging isang ina. Sa pagbubuntis talaga nagsisimula ang lahat.

Trina Gomez
Kaya ayaw mong pagbigyan 'yong asawa mo? Beh maawa ka, gusto no'n ng anak.

Hana Morishita
Ang dami mong updates sa mga asawa namin ni Aurelia, mars. Kabit ka ba no'ng dalawa?

Trina Gomez
Nahihibang ka na ba? 🙃 Magkakaibigan mga asawa natin beh, baka nakalimot ka.

Aurelia Louise Sacuesa - Ricaforte
Talagang dito mag-aaway eh. Tigilan niyo 'yan.

Tulungan niyo na lang ako :(

Hana Morishita
'Wag mong sabihing cravings ulit?

Trina Gomez
Drop mars.

Aurelia Louise Sacuesa - Ricaforte
Gusto ko ng grapes.

Trina Gomez
Wala diyan sa inyo?

Aurelia Louise Sacuesa - Ricaforte
Gusto ko ng grapes galing sa Cebu :(

Hana Morishita
Sasabog yata ulo ko sa'yo mars. Itulog mo na lang 'yan.

Trina Gomez
Tawagan mo asawa mo. Mommy duties muna ako. Good night.

Aurelia Louise Sacuesa - Ricaforte
Grapes from Cebu please :(
Seen

Us, Halfway Where stories live. Discover now