Isda mo diha..isda mo ngara!!
Mga suki, palit namo presko og makabusog pa kaninyo, isda!!!!D a say karne, tambok, unod og bukog, palit namu samtang magpili....!
Bangus! bangus! presko og tambok pa. Palit na kamo mga madam og sir
Putong bulanghoy! putong bulanghoy! tag baynte lang, palit namu nanay, tatay pang painit sa makabugnawong kabuntagon! lami sad paresan og tsokalate samtang nagtan-aw tan-aw sa preskong dagat, putong bulanghoy..!!!!!
Klase klaseng ingay ang maririnig sa palengke ng islang iyon, hindi na nila ito pa pinansin na dahil alam naman nila na pag palengke imposibleng hindi ito maingay. Alas diyes ng umaga nasa palengke ang "mag-asawa" sa islang iyon. Sa kakaluto nila hindi nila namalayan na naubusan na pala sila ng grocery sa bahay.
Naisipan ng binata na isama ang dalaga dahil alam naman niyang wala na itong gagawin sa bahay nila buong maghapon. At isa pa ng makapag liwaliw din silang dalawa, ilang buwan ng nakalipas magmula sila ay nakatira dun, ngayon lang sila magkasamang mamili ng kung ano ano para sa kanilang pang araw araw na gagamitin.
Naglibot libot lang silang dalawa, hindi niya alam kung may hinahanap ba ang kanyang asawa o wala lang
May hinanap pa ba tayo? do you have anything to buy? what is it?
Hindi na niya napigilin pang tanungin ito
Hoy! kamu to dibang mag-asawa didto sa tumoy?
Bago pa ito makasagot sa mga tanong niya dito, bigla na lamang may pumagitnang isang babae ng dahilan ng paghiwalay sa mga kamay nilang magkahawak. Ani pa nito na sila ba daw yung mag-asawa nakatira sa huling parte ng isla
Ah aha
Natatawa siyang napailing kay Sydney dahil alam niyang hindi nito alam kung ano ang isasagot ng babae at alam din niyang nagmamarunong lang ito pero sa totoo niyan hindi nito naiintindihan ang sinasabi ng babae sa kanila. Sa tagal nilang naninirahan doon hindi pa rin nito alam at naiintindihan ang lenggwahe ng mga taga rito, kaya todo alalay naman siya rito upang hindi mapahiya at ma speechless pag sinubukan niyang makipag usap
Pasenya na kaayo miss, dili pa kaayo kasabot ang akong asawa sa binisaya
Ah eh, hahaha, mao ba, pero kamo lagi to ang namuyo dadto?
Oho kami nga yun
Aysus ka mga gwapa ba og gwapo ba ninjo unja bagay sad mo ba
Sagot pa nito sa kanya sabay kindat at pasimpleng talikod at alis sa kanilang gitna. Hindi na niya naintindihan ang sinabi nito bago ito umalis pero alam niyang maganda ang naging puni nito dahil sa salita pa lang na ginagamit ay hindi naman masama
Are you okay?
Pagbibigay pa niya ng pansin sa "asawa"
Oh! what was that?
Kita sa mga mata nito ang paghanga sa babaeng kakausap lang nila
What is it?
Hindi niya alam kung ano ibig sabihin nito sa tanong
You- you know how to speak bisaya?
May accent pa na ani nito
Ah, konti lang naman asawa ko, naitanong ko lang kina Mang Jose nung isang araw buti nga pumasok agad sa isip ko kanina kundi wala tayong maisasagot doon, hahaha
YOU ARE READING
Sweet Escapade
General FictionSa palagay mo ba, makakatakas ka sa mga katungkulan? At kung makakatakas ka nga, tatanggapin mo ba ang maaaring kahahantungan? ******** Ongoing. I didn't copy any others story, book or work, it's purely my OWN imagination and passion for writing ;) ...