Magaapat na araw na magmula ng magkausap sila ng binata, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pumapansin sa kanya. Ikalawang araw nila sa isla ay kinaumagahan pa lang niyon ay nagulat siya ng wala na ito sa bahay na tinitirhan nila lumabas siya sa bahay at nagulat na lamang ng makita ang dami ng tao, hindi, ang daming babae sa baybayin na kung saan tinatawag nila ito na daungan umano ng mga mangingisda sa bayan na iyon.She doesn't know what are those things are, kaya hinayaan niya lang ang mga iyon doon, pumunta siya ng kusina at naisapan sana na magluto na lamang muna ng makakain pero laking gulat niya na puno ang rice cooker ng kanin at pagbukas niya na man ng nakataob sa may misa ay ulam na alam niya na para ito sa kanya.
Pagtingin pa lang niya sa mga luto alam na alam niya kung sino ang gumawa niyon at para kanino ang mga luto na iyon
Benedict
Bulong pa niya sa sarili. Hindi na niya tinitigan pa muli at kumain na siya, pagkatapos nun naisipan niyang lumabas na muna ng bahay. Hindi na alintana ang pagkagulat niya dahil alam naman niya ang dami talaga ng tao kanina pa lang. Habang papalapit siya sa mga ito dinig na dinig niya ang mga bulungan ng mga babae hindi niya alam ang mga sinasabi ng mga ito sa dahil sa lenggwahe na ginagamit
Dili ko katuo nga naa na siyay asawa
Ako nga sad, grabi mura pag bata noh para mag-asawa
Oo nga! ang dako-as lawas at saka ang swerteha sa asawa niya og ingon ana
Pero wala ta kahibaw og gwapa sad iyang asawa d ay
Ay oo sad noh, kita namo sa iyang asawa?
Wala pa, pero mura man og dili mag sige og gawas sa balay
Ana si Aling Koring na mura daw og amerkana kay grabi daw mo ingles
Pinakinggan niya lang ang mga ito habang siya ay naglalakad papunta sa mga kinaroroon ng bangka. Hindi na niya pinansin ang mga babaeng nag-uusap dahil sinakop na ng isa sa mga taong nandon sa bangka ang kanyang mga mata at tainga, si Benedict
Dong Ben, kay daming babaeng umaaligid dito, mayroon ka bang natitipuhan?
Mula sa pag-iisip nakuha ng mga katanungan niyon ang lahat ng kanyang iniisip sa araw na iyon
Haha! ano ba naman kayo Mang Jose, baka marinig pa kayo ng aking asawa niyan
Pagsabay pa na ani ng binata sa matandang lalaki
Aysus! baka hindi na kami maniniwala diyan dong Ben, wala naman kaming nakikita na babaeng kasama mo sa bahay na iyan
Sagot pa nito sabay turo sa kanilang bahay
Andito pala asawa nitong si Ben eh
Sasagot na sana ang binata ng dumating bigla si Aling Koring. Sa posisyon ng binata nakatalikod ito sa kanya
Hala! mao d ay ng asawa ni Ben?
Ay ka gwapa
Sakto gyud ang gi ingon ni Aling Koring
Bitaw noh, pero wala lagi ta kapansin nga nilabay siya sa atong kilid?
Bitaw sad, pero busy man gud tag istorya mao ng wala ta kapansin sa iyaha
Nakuha na ng lahat ang pansin niya, kaya hindi na siya magtaka kung siya ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
Kay ganda ng iyong asawa dong Ben!
Galak pa ng sabi ng matanda na kausap ng binata kani-kanina lang
Andiyan ka pala, mahal kong asawa!
Gulat siya ng bigla na lamang itong magsalita.
Ay gikilig ko sa ilaha
Rinig niya
Ipaila-ila sad mi Ben
Giliw pa ng sabi ng lahat. Tumawa lang ang binata pero sa bandang huli ipinakilala siya nito sa mga taong nandon
Ito pala si Sid, asawa ko
Sabi pa nito sa lahat at sabay kindat sa kanya
Hello Sid, maligayang pagdating dito sa aming munting bayan
Nakuha niya ang atensiyon ng isang babae na alam niyang ito ang isa sa mga babaeng nag-uusap kani-kanina lang
Maligayang pagdating!!
Sabay-sabay pang sabi ng iba
Yumuko lang siya tanda na tanggap niya ang nga sinasabi ng mga itoI am also happy to be here!
Masaya niyang ani, pero wala kahit ni isa na sumagot sa kanya
Ahm, sabi po ng aking asawa----
Hahahahaha!!!
Nagulat siya ng bigla na lamang tumawa ang mga taong nandon
Hahaha, Dong Ben naiintindihan namin ang sinabi ng iyong asawa, nagulat lang kami sa gandang pagsasalita na ipinagkaloob ng iyong asawa para sa amin
Ani pa ni Mang Jose sa kanilang dalawa. Napakamot na lang ang binata sa sinabi nito sa kanya
Kaya pala nagdadalawang isip kanina si Ben na sumama sa atin dahil nga sa asawa
Tudyo pa ng isang lalaki na batid niya ay kasama ito sa pangunguha ng isda
Oo nga, hahaha, kita ko nga kanina na nagdadalawang isip pa siya
Hahahahahaha!!!
Ay naku, hindi naman sa ganon---
Eduardo, pasagdi na laman og dili mo kuyog nasa honeymoon pa kasi ang dalawa hahaha
Singit namang ani ni Aling Koring sa binata
Ay! bago pa lang kayong kasal?
Tanong pa ng isa sa mga babae kanina
Ba-bago pa kami p-pumunta dito, isang buwan pa lang nung kami ay ikinasal nitong si Ben
Pagsasakay pa niyang ani nito
Ganon ba?
Oo, iyon din ang sinabi nila kagabi sa hapunan kila mayora
Ah oo nga pala, inimbentahan kayo ng mayora
Oo nga po, pero pasensya na po kailangan na namin pong pumasok sa bahay baka kasi hindi pa ito kumakain
Pag-iiba pa ng binata
Ah-eh hind----
Hindi na siya nito pa pinatapos ng pagsasalita at sinama na siya sa paglalakad nito
NAPAKA OVER PROTECTED MO NAMAN DONG BEN!!
Sigaw pa na ani ni mang Jose sa kanila. Hindi na nila ito pa sinagot bagkus pumasok na sila sa kanilang bahay na hindi na ulit pinansin ang mga tao. Pagkapasok pa lang nila sa bahay, dumiretso ang binata sa banyo at naligo hindi na siya nakahanap pa ng ibang tiyempo na manghingi ng patawad sa pag-uusap nila nung isang araw na naging dahilan na hindi pagkibo nito sa kanya.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ng binata pero ipinapangako niya sa sarili na kakausapin niya ang binata pagkauwi nito galing sa pagkuha ng isda kasama ang mga kalalakihan na taga rito.
YOU ARE READING
Sweet Escapade
Ficción GeneralSa palagay mo ba, makakatakas ka sa mga katungkulan? At kung makakatakas ka nga, tatanggapin mo ba ang maaaring kahahantungan? ******** Ongoing. I didn't copy any others story, book or work, it's purely my OWN imagination and passion for writing ;) ...